Asmara
Papunta ako ngayon sa first subject ko. Ahmn. Room 304, third floor. Agad kong tinakbo ang distansya mula sa dorm ko hanggang sa Senior High building. Bakit ba kasi ang laki ng school na ito? Grr.
9am pa naman ang first class ko pero ayoko namang malate sa unang klase ko. Na absent na nga ko ng 2 days e. Nakakahiya.
Habang papunta sa assigned room ko ay muli kong binasa ang schedule ko.
Tuesday to Thursday
9:00-11:00AM Oral Communication
11:00AM-1:00PM Break Time
1:00-3:00 Gen. Mathematics
3:00-5:00 Major
Friday (whole day) - Physical Education
Saturday to Monday ang walang pasok namin. Okay naman ang schedule, sana lang maganda rin turo but based naman sa mga nabasa ko sa magazine kagabi, puro galing sa matataas na paraalan yung mga teachers dito. Not bad.
Anong araw na ba ngayon? Its thursday! Yey malapit na friday tapos sabado naaa hehe.
Napahinto ako sa paglalakad nang may humarang sa daraanan ko. Liliko sana ako kasi akala ko trip lang nila yung daan na dinadaanan ko pero hinarang nila ko ulit. Uh, okay?
"Ikaw yung feeling rich kid na nerd diba?" Tanong niya sakin na ikinatakha ko naman. Rich kid?
Tiningnan ko lang siya that makes her pissed. Pinagmasdan ko siya maging ang grupo niya. Lima silang puro babae na may makakapal na make up sa mukha. Hindi ko tuloy maiwasang maasiwa.
"Whats with your face? You look disgusted with us? Ikaw pa talaga?" Mahina itong tumawa na tila nainsulto sa paraan ng pagtingin ko. Ano bang problema ng mga ito at may atraso ba ko sa kanila?
She grab my arm and in just a snap ay nakasubsob na ang pagmumukha ko sa lupa. Ugh! How the hell did she do that? That was fast!
Akmang ididiin pa niya ang pagmumukha ko sa lupa nang may marining akong nagsalita. Titingnan ko dapat ito pero hindi ko maigalaw ang ulo ko dahil hawak-hawak nung babae yung buhok ko. Ang sakit.
"Yo beautiful ladies,"
"Kaito. What are you doing here?" dinig kong salita ng babaeng may hawak sa akin. Ugh makawala lang ako rito, tatanggalin ko pilik mata mo.
"I'll save her," ani ng boses lalaki at ilang segundo lang ang dumaan nang maramdaman ko nalang na nakatayo na ako habang nasa likod ng isang lalaking hindi ko kilala.
"What the? Kaito, ibalik mo siya sa'kin," galit na wika nung babae.
"Why would I do that?"
"Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Sino ba iyan?!" Anito na tila umuusok na ang ilong sa galit.
"She's my lady so do not ever lay your hand on her once again if you don't want to be my playmate. Understand?" Seryosong saad ng lalaking nasa harap ko. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya pero nababakas sa mga mukha ng babaeng umapi sakin kanina ang takot at kaba dahil sa sinabi nito.
"Tch. Tara na," ani nung babae pero bago ito tuluyang umalis ay binigyan ako nito ng masamang tingin. Phew.
I was about to say thank you to the man who just saved me pero bigla itong nawala sa harap ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit masyado na siyang malayo nang matanaw ko ang bulto nito. Ang bilis naman non.
Hindi ko maiwasang mapaisip sa mga inakto nila kanina. Ang bibilis ng galaw at parang walang kinatatakutan. Mukha silang bihasa sa larangan ng iba't ibang klase ng martial arts.
I came back in my senses when I heard Lily's voice. Nilingon ko ito at kitang-kita ko ang pagod at hingal niya.
Sinenya niya ako ng 'wait' habang nakatukod ang mga kamay niya sa tuhod habang humihinga ng malalim samantalang prete namang nakasunod sa kaniya ang kakambal niya.
Nang makalapit ang kakambal niya ay tumayo naman ng maayos na si Lily. Humarap ito sakin bago ngumiti.
"Bakit?" Takhang tanong ko.
"Magkaklase kasi tayo e kaya gusto ko sanang sumabay hehe" sagot nito.
"Tss" dinig ko namang ismid ng kakambal niya. Kung anong kinabait ni Lily ay yun naman ang kabaligtaran ni Lucid.
"Tara?" Anito at isinabit ang braso niya sa braso ko at hinila na ko nito papasok sa buiding.
May elevator naman dito kaya hindi kami napagod pang mag hagdan papuntang 3rd floor para hanapin yung room namin. Nang makarating kami ay kakaunti palang ang estudyanteng nandirito dahil maaga pa para mag 9AM. Its just 8:15AM kaya marami pa kaming oras mag liwaliw.
"I'll take a nap. Gisingin mo ko kapag nandiyan na si Prof" ani Lucid kay Lily at tinanguan ito.
Samantalang busy naman si Lily sa pagharap niya sa libro kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at naglibang nalang din.
I put my earpods on at pinatugtog ang paborito kong kanta. Ipinikit ko ang mga mata ko while thinking absolutely nothing kaya mas minabuti ko nalang na pagmasdan ang labas ng bintana nang mahagip ng mga mata ko ang nangyayari sa baba.
Nasa likod sila ng building na ito na parang nagsisilbeng mini garden kung saan may nagaganap na away. Hala!
Isang estudyante laban sa limang kalalakihan. May hawak pa ng kahoy yung isang lalaking kasamahan nila. Uso ba bully sa school na ito? Sayang naman yung ganda ng paaralan na ito kung puro ganiyang estudyante ang nandito.
Ewan ko pero pakiramdam ko sanay akong nakakakita ng ganiyang senaryo ngunit hindi ko maiwasang makonsensya. Hindi ko maintindihan o baka dahil lang ito sa nawawala kong alaala. Napailing nalang ako sa sariling isipin.
Muli akong napatingin sa lalaki at halos mapangiwi ako nang sinipa siya ng isa sa mga ito dahilan para tumilapon siya at bumangga ang katawan sa puno.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at pinigilan ang sariling huwag mangialam but I just found myself running. Ugh!
Mabilis kong narating ang kinaroroonan ng mga ito na sakto namang pagtaas ng kahoy nung lalaki at ambang ihahampas ito sa taong binubully nila.
Hindi ko alam but I have this urge to help this man. I don't know what happen to me but I found myself holding a solid rock at kalkuladong ibinato ito sakto sa batok ng lalaking may hawak na kahoy dahilan upang matumba ito at mawalan ng malay.
Tila isang hindi kapani-paniwala ang nangyari nang sabay-sabay itong nagsilingunan sa akin. Puno ng galit ang mga mata at tila gusto akong patayin right at this moment.
Ugh. Ano ba itong pinasok ko? Huhu.
Mabilis itong nagsilapitan sakin at sabay-sabay akong sinugod. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi rin maintindihan ang nangyayari lalo na nang kusang gumalaw ang katawan ko na tila alam na alam ang gagawin.
Nasabayan ko ang bawat atake na ginawa nila at sa isang iglap ay isa na lamang sa kanila ang nakatayo. He must be the leader.
Gulat itong nakatingin sakin na hindi makapaniwala sa nagawa ko sa mga kasamahan niya pero agad itong napalitan ng galit.
"Papatayin kita," anito at naglabas ng baril. Halos hindi ako makahinga nang makita ko iyon. Don't tell me papatayin niya talaga ko sa loob ng paraalan na ito? Nahihibang ba siya?
"Asmara!" Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko but that was the biggest mistake I've ever done. He took that chance to pull the trigger and the next thing I knew, I am now lying on the floor with my own blood.