Chapter 5

1161 Words
Asmara Kasalukuyan akong nandito sa dorm ko kasama si Lily. "Kamusta ka na?" Tanong nito sakin at inabutan ako ng mango shake. Tinanggap ko naman ito at humigop bago magsalita. "Sabihin mo nga sa'kin, anong ginagawa ko rito?" Ngumiti ito nago umupo sa isang love seater sofa bago sinagot ang tanong ko. "Mag-aaral, scholar ka diba? Bakit?" Tanong niya pabalik bago kumuha ng isang magazine at iniabot ito sakin. "Ano iyan?" Tanong ko naman. "This school. Nakapaloob diyan lahat ng pwede mong malaman sa school na ito" anito at sumimsim sa kaniyang mango shake. Kinuha ko ang personalized magazine at binasa ang nilalaman nito. Sa front page nakalagay ang litrato ng paaralan that made me realized that this school is the university I am talking about. Binuklat ko ito at binasa ang ilang importanteng nandirito. Even the most high profiles of students ay nandito rin pala. Top 10 Students of BGU 1. Cowell Farkas 2. Eugene Axe Montello 3. Kingston Liam Ferrer 4. Arnoux Blaez 5. Fawn Heartily 6. Randale Morfox and Rancid Morfox 7. Zein Lykaios 8. Kris Antonio Kim 9. Zenki Chen 10. Kurt Lee Binanggit dito yung basic informations about their wealth and family connections. Grabe. Ang yayaman. "Alam mo? Nung unang beses kitang nakita, ang sungit-sungit mo," ani Lily habang kagat-kagat nito ang straw ng mango shake. "Ha?" "Oo kaya tapos walang emosyon yung mga mata ko. Walang kabuhay-buhay. Para kang may tinatago ganon," dugtong pa niya. Nanahimik na lamang ako dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya plus the fact na binalaan ako ni Head na huwag ipapaalam sa kahit na sino na nawalan ako ng alaala. I don't know why but maybe for my safety. Mas okay na rin iyon, hindi ako pwedeng mag padalos-dalos dahil baka ikapahamak ko lang. Mukhang maayos naman na school itong napasukan ko puro bigating tao nga lang yung mga estudyante pero siguro naman hindi handlang iyon para makapag-aral ako ng maayos diba? "Asmara may tanong ako" muling pagsasalita ni Lily dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Bigla ko namang naalala yung pang yayari kanina sa clinic. "Natatandaan mo ba ang pangalan mo?" Tanong nung nurse dahilan para mapaisip ako. Anong pangalan ko? Wtf. Pati ba naman pangalan ko hindi ko alam? Hindi ko matandaan? Dammit! Ano bang nangyari? Puno ng tanong ang isip ko, halos pigain ko ito para lang may maalala pero tangina. Nanghihinang binitawan ko ang buhok ko sa ginawa kong pagsabunot para lang may maalala pero walang epekto. Dammit. Why I feel so lost? "Asmara Buenaventura. Iyan ang pangalan mo. Mamaya pumunta ka sa Head office. I will give you your personal data para matahimik ka" sabi nung tinatawag ng nurse na 'Head' bago ito tumalikod at umalis. "Magiging okay ka rin, Asmara. For now, bumalik ka muna sa dorm mo," anito. "Sandali lang. Antayin mo ko," sabi nito. Ilang minuto siyang nawala at agad ding bumalik. May binigay siya sa akin na mapa at door key. "Ayan yung gamit mo nung gabing dinala ka dito ni Head. Your black card and a key." "Ano?" Balik tanong ko kay Lily. Ibinaba nito ang hawak na mango shake bago seryosong humarap sakin. Medyo kinabahan naman ako sa paraan nang tingin na iyon. "Bakit dito ka nag enroll? Alam mo ba kung ano itong pinasok mo?" Natahimik ako sa tanong niyang iyon. Sa istado ko ngayon ay wala akong maisasagot sa tanong niya dahil miski ako ay walang alam. I just shrug my shoulder as a response bago pinagpatuloy ang pagbabasa sa magazine na ibinigay niya. ThirdPerson. "Dart saan ka galing kahapon?" tanong ni Archer sa kakambal gamit ang earpiece na nasa tainga nito habang nakatago sa likod ng puno. "Gago dito nyo pa talaga pag uusapan iyan?" sabat naman ni Snipe sa kasamahan na nasa isang rooftop. Nakadapa ito at nakatingin sa sniper na nakatutok sa highway na tila may inaabangan. "Oo nga naman Archer! pwede mamaya na yun? bilisan nalang natin dito at nagugutom na ko" wika naman ni Dart habang hawak-hawak ang paborito nyang baril na sya pa mismo ang gumawa. "Get ready. He's coming" wika sa kabilang linya ni Dark habang nakaharap sa kompyuter. Bawat tipa ng daliri sa keyboard nito ay maingat. Nahack na nya ang system ng kanilang pinupuntirya nang magsalita si Snipe. "Nakikita ko na sya" "Everything is set. 15 minutes." sabi naman ni Gun sa kabilang linya matapos niyang maitanim ang mga bomba sa palibot ng hotel na tutuluyan ng bago nilang kleyente. "Let's meet the client" sabi ni Fierce sa kabilang linya. Sabay-sabay na nagsi-ngisi ang mga ito nang marinig ang sinabi ng leader ng grupo bago magsipuntahan sa lugar kung saan nila napag usapan. Napatingin at napatigil sa kanya-kanyang ginagawa ang mga staff sa hotel na iyon dahil sa pagdating ng isang kilalang negosyanteng lalaki. Guwapo at matikas ang pangangatawan nito. Ngumisi ito bago dumeretso sa hotel suit na kanyang inupahan para sa isang gabing tulog. Pagkabukas ng suit ay isang madilim na kwarto ang sumalubong dito. Binuksan niya ang switch ng ilaw pagkasara ng pinto ng suit. "Mr. Fox Montello" malamig at seryosong sambit ni Fierce na nagpalingon sa binatang si Fox. Kita ang gulat sa mga mata nito ngunit di kalaunan ay ngumiti ito at inilagay sa sofa ang coat na ginamit nya. "Its an honor to meet you Graven Fierce the most wanted mask man" nakangiting sabi nito at tiningnan ang limang taong kasama nito sa likod ni Fierce. "They're must be your alliances" sabi nito. Ngumiti sya sa mga ito na ginantihan naman ng ngiti ni Dart at Snipe. "So? what can I do for you?" tanong ni Fox at sinalinan ng whiskey ang glass wine na nasa harapan nya. "Want some?" alok niya ngunit nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ni Fierce. "Get your ass off to my business" seryosong sabi nito kay Fox na nagpatigil sa pagtangka nitong pag inom ng whiskey. Ilang segundong napuno ng katahimikan ang kwarto hanggang sa humalakhak ng malakas si Fox na kinakunot ng noo ni Fierce. Agad na inilabas ni Fierce ang personalized gun niya at agad na itinutok ang bunganga nito sa ulo ni Fox na kinagulat nito dahil sa bilis ng pangyayari. "Iyan tawa pa" pangungutya ni Dart dito. Sinamaan sya ng tingin ni Dark kaya agad itong nanahimik at inantay na lang ang sunod na mangyayari. "I f*****g hate repeating myself twice" seryosong wika ni Fierce bago nya iputok ang baril na kinatulala ni Fox. Tumalsik ang dugo nito sa maskara ni Fierce ngunit hindi niya ito inalintana at agad na tumalikod para umalis at dumaan sa bintana. "Aww tapos na agad" nakangusong sabi ni Dart at agad naman syang nakatanggap ng batok sa kakambal na si Archer. "We only have 10 seconds" sabi ni Gun at nauna ng tumalon gamit ang mahabang rope na nakasabit sa bintana pababa. "Dammit!" "Fvck" "s**t" Sunod-sunod na mura ang bumalot sa kanila bago sabay-sabay na tumalon mula 10th floor pababa kasabay ng malakas na pagsabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD