ThirdPerson
Location : Cafeteria. 8:15PM
"Sino yun?" Tanong ng isang binatang nag ngangalang Randale Morfox. The twin of Rancid Morfox.
Profile checked : Randale Morfox and Rancid Morfox, pag mamay-ari nila ang mga airlines dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Sa pamilya din nila ang malalaking multimedia & telecommunications na mga kumpanya.
"Bagong mukha, baka bagong scholar? Mukhang chikababe compared sa ibang nerd," tanong ni Kaito Sy.
Profile checked : Kaito Sy, anak ng nag mamay-ari ng pinakamalaking hacienda sa buong Pilipinas at Italya. Marami silang Real Estate Companies.
"Gumana nanaman pagkamanyak mo," sabat ni Rancid habang patuloy ang pagkain niya.
"Pati ata poste basta nakapalda papatusin niyan e," banat ni Kurt Lee.
Profile checked : Kurt Lee, pag mamay-ari nila ang Black Banks na kilala dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Ang mommy din nito ay kilala sa pagiging number one executive chef na nag mamay-ari rin ng sikat na Restaurant sa iba't ibang panig ng mundo.
"Gago," ani ni Kaito sa mga kaibigan nang pagtulungan siya ng mga ito.
Samantalang tahimik lamang sina Arnoux Blaez maging si Cowell Farkas na tila may malalim na iniisip.
Profile checked : Arnoux Blaez, his family owns the biggest clothing company sa Europe at maging sa Asia. Kilala rin ang pamilyang Blaez sa wine industries.
And lastly, Cowell Farkas, ang pamilyang Farkas ang isa sa pinaka maimpluwensya at pinaka mayamang hindi lang sa pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Pag-aari nila ang biggest oil company at sila rin ang manufacturer ng mga luxurious cars.
"Do you know her?" Hindi mapigilang tanong ni Arnoux that makes Farkas came back from reality ngunit tinignan lamang siya nito bago tumayo at akmang aalis nang makasalubong nito ang isa pang grupo na kinatatakutan hindi lamang sa loob ng campus kundi maging sa labas.
Walang salitang nagsitayuan din sina Kurt Rancid maging ang iba pang kasamahan nila at tahimik na pinakiramdaman ang paligid na napuno ng katahimikan.
"Its been a long time Fierce," anito kay Farkas.
Profile checked : Cowell Farkas also known as Graven Fierce. The leader of Ruthless Mask Gang and the Mafia boss of Parlous Clan.
Fierce has a reputation for being cold, merciless and impatient person. No one dares to intervene in his affairs especially when he use his codename Graven. (A codename he uses only sa mafia world)
"Step back Ferrer," may pagbabantang sabi ni Farkas dito dahilan upang mapangisi si Kingston Liam Ferrer.
Profile checked : Kingston Liam Ferrer, hold large stakes in Carnival, the cruise ship operator founded by his late father, Max. Liam is the Chairman and a former CEO of Carnival, and also owns the Miami Heat. Liam has also his own investment firm in Israel and is one of the richest people in the Middle East.
"I will, chill" anito at natatawang itinaas ang parehong kamay na tira sumusurrender bago umatras.
Nakaka tatlong hakbang pa lamang si Farkas nang napahinto ito nang may magsalita dahilan upang mapalingon si Farkas at mawala ang ngising buhat ni Ferrer.
"Asmara Bleidd," isang ngisi ang kumurba sa labi ni Montello dahil dito. "Did the name ring a bell?" Ani pa nito bago sila iwan at dumiretso sa counter upang kumuha ng pagkain.
Profile checked : Eugene Axe Montello, Montello is a private, global hospitality and travel company that owns Radisson, Country Inns & Suites, and T.G.I. Friday's. A well-known family in Asia.
Akmang lalapitan nina Ferrer at Farkas si Montello nang kapwa naman pinigil ito ng kani-kanilang grupo.
"Asshole,"
Pigil ang hininga ng lahat nang magsama-sama ang mga bigating tao sa cafeteria. Hindi ito mga basta-basta lamang na mayayaman at hindi lamang simpleng gangster o kung ano kaya sila kinatatakutan.
They're more than that.
- 2 days later -
Asmara
Ugh. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito. Aray kooo huhu.
"Oh miss, gising ka na," nakangiting bungad sakin na tingin ko ay nurse dahil sa outfit niya na ipinagtakha ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid na mas lalong ikinatakha ng buong pagkatao ko. Anong ginagawa ko sa clinic?
"2 days ka ng tulog. Masyado nang napahaba ang panaginip mo ah," pagbibiro ng nurse na ikinakunot ng noo ko.
"2 days?" Utas ko.
"Oo, dinala ka rito ni Head at paniguradong papunta na rin dito iyon dahil naitext ko na siya na nagising ka na,"
"Head?" I am confused. "Miss, nasan ako?" I asked.
"Clinic" anito. Hindi ko alam kung namimilosopo ba ito o ano. Seryoso ka diyan?
"What I mean is, nasaang lugar ako?"
"Black Gate University dito sa Mindoro. Bakit? Teka nga," aniya at mabilis na lumapit sakin.
May kinuha siyang parang flashlight na maliit at itinapat sa mga mata ko pagkatapos ay chineck niya rin ang vital signs ko maging ang paghinga ko.
"Ano yung huling naaalala mo?" Tanong nito sakin that makes me more confused.
Ano bang nangyayari?
Akmang itatanong ko ito pero mukhang inaabangan niya talaga ang sasabihin ko kaya mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko at pilit na alalahanin kung ano man ang huling natatandaan ko.
Ahmn..
"I d-don't know?" Mahinang sabi ko na miski sarili ko ay tinanong ko na rin. "Ang natatandaan ko lang ay nasa harap ako ng isang school kasama ang isang lalaki pero hindi ko alam yung rason at kung sino iyon...." pinilit kong alalahanin ang lahat pero masyadong malabo.
Magulo.
Wala akong maintindihan.
"Okay. Huwag mo munang alalahanin. Magpahinga ka at antayin natin si Head," anito at inihiga akong muli.
Bakit ganon? Bakit wala akong maalala?
Ipinikit ko ang mga mata ko, nagbabakasakaling may maaalala ako kahit kaunti pero hindi ko namalayan na dinalaw ako ng antok.
Nagising na lamang ako nang may marinig akong nag-uusap hindi kalayuan sa akin.
"Gan'on ba?"
"Opo, Head. Hindi ko rin alam kung anong reason dahil ayon lamang sa symptoms na pinakita niya nung nakaraan ay severe headache lang iyon"
"I see,"
Iminulat ko ang mga mata ko at bumangon dahilan upang mapatingin sila sa akin.
"Ikaw!" Bulalas ko nang mamukhaan ko yung lalaki. "Ikaw yung kasama ko sa harap ng isang university!" Dugtong ko pa.
Kunot noong tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Sino ba siya? Bakit siya kasama ko?
"Asmara"
Ha?
"Natatandaan mo ba pangalan mo?" Tanong nung nurse dahilan para matameme ako.
Ano bang pangalan ko?
Wtf.