Nakalocate ang cafeteria sa east side kung saan ang building ng junior and senior high na agad ko namang tinungo dahil nagugutom na talaga ko.
Tahimik lang akong naglakad papunta doon kasabay ng lamig ng simoy ng hangin na bumabalot sa dilim ng gabi nang bigla akong napaisip sa mangyayari sakin dito.
Ilang araw o linggo o baka oras nalang ay maaari nang umepekto ang chip na inilagay nila sakin at sa oras na mangyari iyon ay delikado na ko.
"Bitawan niyo ko," puno ng pagbabantang banggit ko ngunit isang nakakasulasok na tawa lamang ang ibinigay niya sakin.
Pilit kong inaalis sa mga kamay ko ang bakal na nakakabit dito, maging ang sinturon ng hospital bed na nakayakap sa katawan ko. Ugh!
"Huwag mo ng ubusin ang lakas mo diyan dahil kahit anong gawin mo, hindi ka na makakawala pa dito,"
"Dammit! What do you want?!" I asked. Full of anger.
I can feel the lust to kill him, right here, right now. Huwag lang akong makawala dito dahil sisiguraduhin kong kung mamamatay man ako ngayon, isasama ko siya.
"Nothing dear, its just a test. There's nothing to be concerned about, so take a rest and loosen up,"
Napapikit ako ng mariin nang maalala ko nanaman ang senaryong iyon. Ramdam ko ang biglang pag init ng katawan ko, ang pagkulo ng dugo ko and the moment I opened my eyes, I'm already at the edge of my temptation to kill. I need to relax and take a deep breath to stop this sensation.
Ilang uling akong humingang malalim hanggang sa naramdaman ko ang sarili ko na unti-unti nang kumalma at nang naramdaman ko ang sarili kong kumalma na ay itinuloy ko na ang pagpunta sa cafeteria.
Malayo pa ko ay rinig na rinig ko na ang ingay sa loob. Marami naman palang kumakain dito sa gabi, bakit kailangan pa nung kambal na magluto?
Ipinagkibit balikat ko na lamang ang sariling tanong at agad na pumasok sa cafeteria. Dumiretso ako sa counter at pumila dito nang biglang may sumingit sa harap namin.
"Ops. Beautiful first," anito kasabay ng mga kasamahan niyang punong-puno ng kung ano sa katawan. Maging mukha ay ginawang coloring book.
Hindi ko na lamang ito pinansin at pinauna nalang siya kesa gumawa pa ko ng eksena dito na paniguradong ikapapahamak ko lang.
Nang matapos sila ay sumunod na agad ako. "One and half cup of rice and that dish, yea. And carbonara and a coke please," ani ko sa babae na titig na titig sakin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. What?
"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Mahal lahat itong inorder mo" anito na puno ng pagdududa sakin. I was about to give her my black card nang biglang may magsalita sa likuran ko.
"Wait, what are you doing here, exactly? You're a scholar, right? You won't be able to afford the food here," anito na sinabayan ng pagtawa niya maging ng alipores niya. "Go back to your cheap dorm nerd. Magluto ka nalang 'don. Hindi ka bagay dito," sabi pa nito saka ako tinalikuran.
Tss.
Now I wonder if I got a memory loss, hahayaan kaya ng walang alam na sarili ko ang insultihin ng ganito? Knowing myself, I won't just let them pass this easy. Hmm.
Iniabot ko sa counter ang black card ko na ikinalaki ng mata niya bago niya asikasuhin lahat ng inorder ko at nang matapos ay agad din niyang ibinalik ang card sakin at ibinigay ang order ko.
Kinuha ko ito at pumwesto sa bandang dulo kung saan wala gaanong pumupwesto mas ayos dito, tahimik at walang makakahalata sayo.
Habang tahimik na kumakain ay ramdam ko ang mga mapanuring titig sakin nung mga babae kanina, sigh. Gaano ba 'to ka bigdeal? Seriously? Napaka immature.
They must act according to their age. Hindi na sila bata.
I was about to take a bite nang maramdaman ko ang mabilis na pwersang papunta sa gawi ko ngunit bago pa man ako tamaan nito ay pasimple akong yumuko na sakto naman kasi may nakita akong piso. Ops.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa lahat nang marinig nila ang ingay ng patalim na bumaon sa pader na nasa likuran ko.
Patay malisya akong tumingin doon acting like I was scared. Oh god. Huhu. Lol. Tingin naman nila matatakot ako sa ganiyan.
"Lucky b***h," I heard her murmured.
I smirk na mukhang hindi niya nagustuhan at hindi nakaligtas sa paningin niya. Kita ko ang biglang pagpula ng pisngi nito at akmang susugurin ako nang biglang bumukas ang pinto ng cafeteria dahilan para mawala sakin ang atensyon ng lahat.
There's a group of people who interrupted my childish enemy's anger and turned into a domestic animal. Wow. That fast?
Ibinalik ko ang pansin sa mga taong bagong dating. One word. Intimidating. Ramdam ko ang authoridad sa presensya palang nila maging at takot ng mga estudyante dito. Who are they?
I'm not yet done reading the profiles of the students here and I'm pretty sure na wala pa sila sa mga nabasa ko.
Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit tila dinaanan ng anghel ang cafeteria sa sobrang tahimik at tila pigil ang hininga ng lahat. Tanging ang footsteps lang ng mga iyon ang maririnig dito at ang mahihina nilang pag-uusap sa isa't isa.
I shrug my shoulder at nagfocus nalang sa pagkain ko dahil nakalimutan ko na atang gutom ako. Masyado na kong preoccupied sa mga nsa paligid ko which is unusual, kailan pa ko nagkaron ng pakialam sa iba? Tss.
Inubos ko na ng medyo mabilis ang pagkain ko habang lahat sila ay busy sa panonood doon sa grupo. Ayos iyan. Mukha kayong mga timang.
Nang matapos ako ay agad akong tumayo dahilan para maagaw ko ang atensyon nila. Facepalm. Seriously? Can't you just focus on yourselves?
Napailing nalang ako sa sariling isipin at agad na tumungo sa entrance which also is the exit of the cafeteria and was about to leave this annoying place when another group of pleople entered.
I stop the moment they also stop infront of me. Iniangat ko ang paningin ko dahilan para magtama ang tingin naming dalawa.
His black intimidating yet beautiful eyes met mine. The way his lips parted, pointed nose makes my heart skip a beat.
Farkas.
I said at the back of my thoughts.
"Get out of my way," full of authority, full of danger that if I didn't obey his order might be the end of my life.
Kinilabutan ako sa boses niya. Its been a long time since the last time I heard his voice but his voice now is far different from before.
"Out," A warning tone send chills down to my spine that makes me stiffed for a minute at nang makabawi ako sa wisyo ay agad akong gumilid at naunang naglakad papalabas ng cafeteria.
Hindi ako tumigil sa paglalakad, ni hindi ko rin alam kung nasaang parte na ako basta ang alam ko lang ay hawak ko ang dibdib ko. Puno ng emosyon maging lahat ng alaala ay bumabalik. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko upang pigilin ito ngunit nanghina lamang lalo ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa kinatatayuan ko.
I take a deep breath thinking that this might help me to get over pero mas lalo lang lumala ang nararamdaman ko.
Naninikip ang dibdib ko at mas lalong kumirot ang ulo ko. Teka. Iba na ito. The f**k!
Nanlaki ang mga mata ko nang pinilit kong tumayo at humawak sa nakita kong bench nang mabuwal mismo ang sarili kong katawan. Hindi ako makagalaw na tila namanhid ang buong katawan ko. Wala akong maramdaman.
What is this?
What's happening to me? Dammit!
Pinilit ko ang sarili kong huwag mawalan ng ulirat. Hindi maaari ito. Hindi pwedeng may makakita sakin ngunit tila pinagtaksilan ako ng sarili kong katawan.
Unti-unti kong naramdaman ang pamimigat ng talukap ng mga mata ko at ang lalong pagsikip ng hininga ko.
"D-damn"
And the last thing I remembered, there's someone who's looking at me.