Chapter 2

1159 Words
Asmara Nasa harapan ako ngayon ng isang malaking eskwelahan dito sa mindoro. "May tagong paaralan diyan sa mindoro. A school of rebels, mafia heirs and heiress, trained assassins under Farkas Clan. Doon ka magtago sapagkat hindi nila iisipin na sa paaralan ng kalaban ka mananatili," huling bilin sakin ni Kuya. I need to stay low profile as I can thats why I put an get up like a nerdy student bago pa man tumalab sakin ang chip. Marahan akong humakbang papasok sa gate nang harangan ako ng security guard doon. "ID?" Tanong nito na may masamang tingin. Agad ko namang kinuha sa bulsa ng bag ko ang ID ko na agad niyang iniscan. I am Asmara Buenaventura for now at sa oras na ito, isa lang akong simpleng estudyante na scholar. Nang papasukin na ko ng security guard ay agad naman akong dumiretso sa main building kung nasaan ang head office. Habang naglalakad papunta doon ay mapapansin mo sa paligid ang pagiging maayos nito. Malinis at halata mong inspired sa italian ang structures. Tahimik at walang estudyanteng pakalat-kalat, class hours—probably. Nang marating ko ang office ay agad kong binigay ang forms ko and ID na agad naman niyang kinuha. Nilagyan niya ng orange lace yung ID ko at inabutan ako ng isang black card, mapa at susi kung saan ako mag istay. Walang sali-salita ay tinalikuran na niya ko kaya naman umatras din ako agad para puntahan ang room 401 na nakita kong nakasabit sa susi. Binuklat ko rin ang mapa at kita agad doon kung saang bahagi ako. May apat palang sulok ang malilibot dito. Una, itong main building kung nasaan ang head office, registrars at iba pa. Next building which is located at the east ay ang building for Junior High up to Senior High. Sunod naman ay ang west building kung saan may apat na separation din. Sa north non ay ang dormitories ng kasama sa rank tho I still don't know what rank they're talking about and sa south non ay dormitories ng mga heirs at mayayaman na pamilya meanwhile sa east ang dorm ng mga assassins, reapers etc habang sa west naman ang katulad kong mga scholar, staffs, etc. At sa main south naman naka locate ang gymnasium at pinaka malaking quadrangle kung saan nagaganap ang mga trainings ng bawat isa. This school is unbelievable. I didn't know na may ganitong klaseng paaralan na tinayo ang mga Farkas. Wise huh? Agad akong pumuntang west habang dala-dala ko ang kaunting gamit ko na ipinadala sakin nung nakaraan ni Kuya na kakailanganin ko dito. Its been 3 days since the last time we talked dahil sa sobrang busy namin parehas. Kinailangan niyang ifake lahat ng documents ko within a day at ipadala lahat sakin ng kailangan ko meanwhile kailangan ko namang isave sa flashdrive lahat ng nalalaman ko incase na mawalan man ako ng alaala yun ay kung hindi ako mamamatay. Ipinindot ko ang button number 5 nang makapasok ako sa elevator. Hindi gaano kalakihan ang building na ito pero tingin ko mas okay na 'to. Nang makarating ako ay agad kong hinanap ang room number ko at agad ko itong binuksan using my keys. Once I enter the room unang bubungad sayo ang mini sala na may pagka makaluma. Gawa sa kahoy na maliit na lamesa na may maayos na pagkakaayos ng tatlong magazine at isang dyaryo, carpet and a black sofa na may katabing lamp shade habang sa gilid naman non ay may istanteng nilagyan ng mga libro. There is also a painting on the wall, a mona lisa to be exact. Kapag tumingin ka naman sa bandang kaliwa mo ay naroon ang maliit na kusina at sa tabi non ay ang nakasaradong pinto which I conclude the restroom. Inilapag ko ang gamit ko at isinara ang pinto. This room is well organized. Hindi man malaki o kagandahan ay kita mo naman ang kaayusan at kalinisan dito. Agad kong nilapitan ang isang kwarto kulay puti ang pintura which I assumed is my room dahil ang isang pinto dito ay kulay brown na tingin ko ay kwarto ng makakasama ko rito. Nang mabuksan ko ito ay agad kong ipinasok ang gamit ko. May maliit na cabinet, isang kama at aircon. Agad akong humiga dito at ipinikit ang mga mata ko. How I wish maging maayos ang senior high life ko dito. Ilang minuto lang ang nakalipas nang bumangon ako at inayos ang mga gamit ko. Nang matapos ay kinuha ko ang laptop ko at cellphone. Hindi ito yung dati kong gamit dahil pwede akong matrace doon lalo na kapag ginamit ko yung email account ko so ginawa ako ni Kuya ng bago at doon ipinasa lahat ng mga bagay na kailangan ko. Every folder has its code name and password kaya hindi ito agad na maaaccess and once na may maienter ka lang na mali, accident man o hindi automatic na mabubura lahat ng files na laman ng laptop na to. I opened one of the documents and read it. Cowell Farkas Napahawak ako sa dibdib ko nang mabasa ko ang pangalan niya. Files ito ng mga estudyanteng nag aaral dito specifically those high ranking families up to the heiress of Clans. Kailangan ko itong aralin at alamin so kilala ko kung sino ang dapat kong iwasan at nangunguna na siya doon. "Farkas" mahinang utas ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko. I look at my wrist watch and its already 7pm. Ugh. Bumangon ako at lumabas ng kwarto nang mapatigil ako dahil sa taong nakaupo sa sofa. He's wearing a thick eye glasses, white tee shirt and a printed mickey mouse pajama. Lalaki? Hindi ba bawal ang lalaki't babae sa isa iisang dorm? "We're scholars. Alam nilang hindi natin gagawin yung bagay na ikasisira ng reputasyon natin" aniya na tila nabasa kung ano man ang iniisip ko. Oh well, totoo naman. Tumango nalang ako tutal wala naman akong balak makipag usap o kahit na ano sa kaniya. The thought of him makes me more confuse nang may makita akong taong nagluluto sa kusina when I was about to wash my face in the restroom. "Ow hi!" Anito. "I am Lily, Lucid's twin," dugtong niya. Seriously? "Wait mo nalang 'to, sandali nalang 'to maluluto na hehe," aniya bago muling tumutok sa iniluluto niya habang ako ay dumiretso nalang sa restroom at naghilamos bago muling bumalik sa kwarto ko. Ilang minuto palang ang nakakalipas nang may kumatok dito "Ahm hehe kain na tayooo," aniya Bumangon ako sa kama ko, kinuha ko ang black card ko at pinagbuksan siya ng pinto. "Thanks, but no thanks," ani ko. Nilagpasan ko sila ng kambal niya at akmang lalabas ng kwartong ito nang muli nanamang magsalita si Lily. "Lalabas ka? Nako! huwag, delikado!" Anito. Tiningnan ko lang siya at binuksan ang pinto nang marinig ko namang magsalita yung Lucid. "Let her be nang malaman niya kung ano itong pinasok niya," anito na hindi ko naman pinansin. Tss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD