"Kamusta na pakiramdam mo ija?" Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at maski ang ulo ko ang kumikirot sa sakit.
Iniharang ko ang braso ko sa aking mata upang harangan ang sinag ng araw na tumatama sa akin. Nasaan ako?
"Oh. Uminom ka muna ng tubig" ani ng isang matandang babae at iniabot sa akin ang isang basong tubig na akin namang kinuha at inubos. I feel dehydrated.
"Mabuti at gising ka na. Halos isang linggo ka ring walang malay" sabi naman ng isang matandang lalaki.
"Ano bang nangyari saiyo ija at naabutan ka naming puno ng dugo nitong asawa ko" tanong muli ng matandang lalaki.
"Be it. Shoot me hangga't may pagkakataon ka pa but let me tell you one thing. The game has just begun"
Matapos kong sabihin iyon ay nakarinig na ko ng tatlong putok ng baril then everything went black.
"Ahh!" I hissed when I tried to move.
"Oh mag dahan-dahan ka at sariwa pa ang pagkakatahi ko diyan sa tagiliran mo"
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tanging sa tagiliran lamang ako may tama ng baril bukod sa puros galos at pasa ang aking katawan.
One shot? But I heard three shots. What happened?
"Osiya ija. Magpahinga ka na muna at ako'y mag luluto nang ating tanghalian upang ika'y makakain na" akmang tatayo ito nang magsalita ako dahilan upang mapatigil siya.
"Nasan ako?"
"Nandito ka sa mindoro ija. Pasensya na kung hindi ka namin nadala sa hospital ah? Dalwang bundok pa kasi ang aming tatawirin at paniguradong mauubusan ka na ng dugo kung doon ka pa namin ipapagamot"
"Ngunit huwag kang mag-alala. Magpahinga ka lamang ng ilang araw at maaari ka ng pumuntang hospital upang masiguro ang kalagayan mo"
"Ano bang pangalan mo ija?" Tanong ng matandang lalaki. "Ako nga pala si Manuel at ito namang asawa ko si Clarita"
"A-asmara Ble--Buenaventura"
I shouldn't tell them who I really am. Ayokong madamay pa sila sa gulo ko.
Magpapagaling lang ako at aalis na ko.
One week has just passed and everything went smooth. I'm slowly recovering at siguro ilang araw nalang ay maaari na kong makaalis.
"Asmara kakain na" tawag sakin ni Lola Clarita Agad ko naman silang pinuntahan ni Lolo Manuel at sumalo sa hapagkainan.
They're nice person. Ang simple ng buhay at kuntento. Sana lahat ng tao kagaya nila.
"Ija, diba nabanggit mo sa amin na wala na ang iyong mga magulang?"
Tumango ako bilang pagsagot.
"Kung ganon e saan ka uuwi? Kung gusto mo ay dumito ka muna sa amin?" Ngumiti ako nang alanganin sa kanila.
Hindi ko pa alam ang dapat na isagot sa tanong na iyan. Ilang linggo o buwan lang ay malalaman na ng kalaban ko na buhay ako at hindi ako pwedeng manatili rito hangga't hindi pa ko sigurado sa lahat.
"Ah, Lola? May telepono ho ba kayo? Maaari ba kong makahiran? May tatawagan lang sana ako" ani ko matapos kong kumain.
Tumango naman ito at nagpaalam sandali upang kunin ang cellphone niya. Naiwan kaming dalawa ni Lolo sa hapagkainan na kapwa tahimik hanggang sa basagin niya ang katahimikang iyon.
"Asmara Bleidd ang totoo mong ngalan, hindi ba?" Anito na ikinabigla ko.
Mabilis na lumipat ang paniginin ko sa kaniya dahil sa tinuran nang muli niya itong dugtungan.
"Hindi mo ba ko natatandaan ija? Sabagay, paslit ka pa lamang nang huli tayong nagkita"
"Who are you?" Tanong ko na may pagbabanta. Am I trapped? Dammit! Pasimple akong tumingin sa paligid at tanging ang tinidor lamang na hawak ko ang pwede kong maging sandata sa oras na ito. God! I'm not yet done recovering. Geez!
Ngumiti ito sakin at napailing, "huwag kang mag-alala ija. Hindi ako kalaban"
"How can I be certain of that?"
"Matagal akong naglingkod sa pamilya niyo mula sa iyong Lolo, ama, kuya mo hanggang sa iyo. Yun nga lang ay kinailangan kong umalis matapos ang pitong kaarawan mo sapagkat nagkaron ng malubhang sakit ang aking asawa at namatayan pa kami ng anak"
Hindi ko man siya gaano maalala ay medyo nakampante ako sa sinabi niya. Kilala niya ang kuya ko, sa impormasyon palang na iyon ay alam kong may katotohanan na ang sinasabi niya.
"Ipinaalam ko sa kuya mo na nandirito ka" dugtong pa nito, "At ibinilin niya sa akin na dito ka muna mananatili hangga't inaayos niya ang lahat sa manila pero hangga't maaari ay mananatiling tago ang iyong katauhan"
"Oh ija ito ang telepono namin. Pagpasensyahan mo na muna ah?" Biglang dating ni Lola kaya't parehas kaming natahimik. Ngumiti na lamang ako kay lola at kinuha ang cellphone niyang keypad, may ganito pa palang cellphone?
Lumayo ako sa kanila at nagsimulang idial ang numero ng kuya ko na sandali lamang nag ring at sinagot niya agad.
[Hello, Mang Manuel?], tanong sa kabilang linya.
I sighed when I heard my kuya's voice. It's such a relief to know he's fine.
[Kuya] ani ko. Panandaliang natahimik ang kabilang linya, may narinig akong kaunting kaluskos ngunit matapos lang ang ilang segundo ay nagsalita na itong muli.
[Asmara. Thank God you're fine] hindi ko na pinansin ang sinabi ni kuya bagkos ay nirekta ko na ito sa nais ko talagang malaman.
[How's the clan?]
[They're fine, but Mr. Kelly died] mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Mr. Kelly is a good friend of our family plus the fact that he's the only one who really knows about the chip
[Did he left clues or anything that could let us know about the chip?] I asked.
[Yes.]
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Sobrang laking tulong nito sa amin.
[What is it?]
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa nang sabihin niya ang huling mensahe ni Mr. Kelly.
[He left a note stating that if the chip was successfully implanted, it would only take a month for it to consume the body]
Napahawak ako sa aking bibig sa nalaman. Anong mangyayari after non? Mamamatay ba ko?
[There are only two possibilities, either you live without your memories or you'll die]
dammit.