Habol ang hininga ko nang sapilitan kong ibinaon sa lupa ang kahon na pinaka iingat-ingatan ko. Puno ng sugat at galos ang buong katawan ko. Patuloy din ang pag agos ng sariwang dugo sa aking ulo dahilan upang mas manlabo ang aking paningin.
Nang naibaon ko na ito ng maayos ay pinilit kong tumayo kahit na hindi na nakakalakad ang kanan kong paa. Damn! I should've known this sooner! I should have not trusted them!
"Argh!" Daing ko nang sumalampak ako sa malambot na lupa na puno ng damo. Damn! Kailangan kong makalayo! Kailangan kong makalayo bago pa gumana ang gamot sa katawan ko!
Pinilit kong tumayo ngunit dalwang pares ng paa ang sumalubong sa mukha ko. Marahan kong iniangat ang aking paningin upang masilayan ang kaniyang mukha.
"Do you really think you can escape? Fool."
Isang masamang tingin ang binigay ko sa kaniya ngunit isang halakhak lamang ang iginanti niya sakin bago ako tingnan na may pang-uuya sa kaniyang mga mata.
"Glare me. Patayin mo na rin ako sa isip mo dahil 'yan nalang naman ang kaya mo."
"You're f*****g traitor" mahinang bigkas ko na walang kahit na anong emosyon.
"I'm not. I've never been your alliance. I've never been you friend. So gross lang no."
Ngumisi ako sa tinuran niya at dinuraan ang paa niya na may kasamang dugo.
"Eww!" Maarte niyang sabi kasabay non ang malakas na sipang natanggap ko dahilan upang tumilapon ako at mapatihaya. s**t.
"You're so kadiri!" Diring-diri niyang saad at itinutok sakin ang bunganga ng baril niya. "Dapat sayo mamatay na!"
"Be it. Shoot me hangga't may pagkakataon ka pa but let me tell you one thing..
....The game has just begun. Just be ready."