Apat na taon ng nagtratrabaho si Joanie sa pang gobyernong hospital sa Manila bilang isang Nurse kaya naman malungkot siya nang sabihin na kanilang H.O.D na kailangan siyang malipat sa probonsiya ng Isabela,dahil nagkukulang daw ng mga Nurses dun kaya naman kinakailangan magpadala ang kanilang hospital at isa ang grupo nila ang napili,ayaw man niyang lisanin ang lugar na iyon pero no choice siya,isa pa ayaw na ayaw niyang umalis sa manila, malungkot daw kasi sa probinsiya sabi nila.isa pa di ganun kalaki ang hospital na lilipatan niya. "Joanie,ano nakapag impake ka na ba?" -tanong ng kaibigan at kasamahan niya na si Rosef. "Oo kahit mabigat sa kalooban ko," -sagot naman niya dito. "Balita ko dun daw sa hospital na lilipatan natin may mga multo,!" -takot na sabi nito sa kanya. "Alam mo

