May isang Binatang mahirap na nakatira sa tabi ng dalampasigan. Hindi siya gaanong komportable sa kanyang maliit na tahanan at walang gaanong makain. Ngunit kahit ganoon ang kanyang kabuhayan, hindi niya nakaligtaang magtapon ng isang barang tinapay sa dagat araw-araw. Iyon ang bilin ng kanyang ina bago namatay. Isang gabi, nang siya'y umuwi buhat sa trabaho, nagulat siya nang makitang malinis ang bahay, maayos ang kanyang higaan at bagong palit ang mga kurtina. Nang sumunod na araw, nakahuli siya ng kuneho at itinabi niya sa paminggalan. Nang umuwi siya kinagabihan, luto na ang kuneho at nakahain sa mesa. Nang sumunod na mga araw, gayundin ang mga pangyayari kaya't minabuti niyang alamin kung sino ang gumagawa sa kanyang tahanan. Ang ginawa niya ay nagkubli siya sa ilalim ng hagdan a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


