School fest na nila at sobrang busy ng dalaga. Minsanan na lang din silang magkita ng mga kaklase niya dahil marami siyang inaasikaso. Lalo na si Cross. Target nilang makaengganyo ng maraming enrolees next year. Gusto niyang bago man lang siyang grumadweyt ay maging maganda ang imahe ng eskuwelahan nila. May mga built in small café’s sila at ibang mga booths na may mga nakakatuwang themes. Masaya rin siya habang nakatingin sa mga estudyanteng taga ibang eskuwelahan. Nakikita niya rin ang saya at tuwa ng mga guro ng eskuwelahan. Nakangiting pumasok siya sa SSG office at napaupo sa monobloc chair at isinandal ang ulo sa upuan. Huminga siya nang malalim. T’saka niya lang napansin ang pamamanhid ng paa niya. Umayos siya sa pagkakaupo at tumayo sa bintana. May naririnig kasi siyang hiyawan

