Mabilis lumipas ang panahon. Naka-graduate si Shan bilang valedictorian at kung sinusuwerte ka nga naman ay salutatorian ang kaniyang nobyo. Magkasama sila ngayon sa loob ng gym kasama ang ina niya. “Darating ba parents mo?” tanong ni Shan. Nilingon lamang siya ni Cross at nginitian. “Yea,” sagot nito. Tumango naman si Shan. Ilang sandali lang ay magsisimula na ang ceremony. Mula sa hindi kalayuan ay napatingin sila. May magarang sasakyang huminto. Napahilot naman ang binata sa kaniyang sentido. “I told them not to go here,” mahinang saad niya, nagtaka naman si Shan. “Huh?” aniya. Inilingan lamang siya nito. Tumayo si Cross. “Babalik din ako,” anito. Tumango naman ang dalaga. Nakasunod lamang ang tingin niya rito. Nag-abot ang kilay niya nang makitang papunta ito sa babaeng k

