Pauwi na ang dalaga mula sa trabaho. Wala si Cross dahil may meeting itong importante. Palabas siya ng building at naglakad na papunta sa hintayan ng traysikel sa hindi kalayuan. Nang mapansin niyang parang may sumusunod sa kaniya. Inayos niya ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa bag at binilisan ang paglalakad. Ilang sandali pa ay tinawag siya ng isang lalaki. “Miss,” anito. Subalit hindi nagpatinag ang dalaga. Patuloy lamang siya sa paglalakad. Ilang saglit pa ay nasa harap na ito. Dalawa sila at halatang mga tambay sa kanto. “Ano’ng kailangan niyo sa ‘kin?” tanong niya sa dalawa. Ngumisi lamang ang mga ito na parang mga demonyo. “Ito pala ang pinapatira ni, Ma’am? Ang ganda,” anito at nakatitig sa kaniya. Pulang-pula ang mga mata at amoy na amoy ng dalaga ang mabahong amoy ng dal

