“Izrael,” wika ng dalaga pagpasok niya sa opisina ni Cross. Hindi niya inakalang makikita niya ang binata. Cross’s face was cold. Walang makikitang ni isang ngiti rito. Tumayo si Izrael at nilapitan siya t’saka niyakap. “Hey, I miss you so much. Ang tagal na simula nu’ng huli nating pagkikita,” sabi pa nito. Nagulat naman ng dalaga sa pagyakap nito. Napatingin siya kay Cross. Nag-abot ang kilay nito at gumagalaw pa ang panga. Kaagad na lumayo naman ang dalaga at nginitian ito nang tipid. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya. Ngumiti naman ito. “May pag-uusapan lang kami ni, Cross about business. I brought some chocolates and flowers for you,” wika nito. Napangiti naman ang dalaga. This is her first time receiving such a beautiful gift. “Thank you,” sagot niya sa binata. Ang rude

