Mabilis lumipas ang panahon at malapit na silang grumadweyt. Masaya naman si Sai at Allaric dahil kahit na pareho silang busy sa kani-kanilang thesis ay parehong understanding ang dalawa. Sai can even see her future with him. “Girl, inuman later,” ani Sweety. “Huh?” tanong niya. Hindi niya pa kasi naranasang uminom. “May painom si team captain dahil last two months na lang natin dito sa university. Alam mo naman, magwalwal naman tayo kahit minsan. T’saka kasama natin mga team mates natin,” masayang wika nito. “Hindi ka ba natatakot na baka magalit sa ’yo ang boyfriend mo?” tanong ni Sai. Kaagad na tinampal naman nang mahina ni Sweety ang balikat niya. “Girl, magsaya naman tayo na wala tayong kasama na mga KJ. Sa tingin mo kapag nalaman nilang makikipag-inuman tayo matutuwa ang mg

