Napalabi ang dalaga at hindi alam ang sasabihin. "So wala talaga kayong planong sabihin sa 'kin?" tanong ng binata. Natigilan naman si Sai at iniwas ang tingin sa nobyo. Magkadikit na kasi ang kilay nito at halatang hindi siya titigilan sa katatanong. "H-hindi naman sa ganoon," sagot niya. "Then what, Sai?" "Hindi namin sinabi dahil alam naming hindi niyo naman kami papayagan. Lalo ka na, alam kong magagalit ka kapag uminom ako," sagot niya. "Dahil hindi ka sanay," giit ni Allaric. "Kaya nga," ani Sai. "I'll let this go for now. Sa susunod na gagawin mo pa 'to, Sai hindi na ako papayag na magkasama kayo ni, Sweety. She's teaching you to be naughty, " sambit nito. "Hindi na mauulit," agad niyang sagot. Huminga nang malalim ang binata at nilapitan siya. "I am not controllin

