Two years later “Dani, thank you ha,” ani Shan habang nakatingin sa kaibigan. “Ano ka ba? Okay lang. Maka-thank you ito oh as if naman hindi ako sinisuweldohan, sagot ng kaibigan niya. “Kahit na, ang hirap mag-alaga ng bata eh,” sagot niya. “Sige na, at mukhang importante iyang pupuntahan ninyo ni, Mayor,” pagtataboy sa kaniya ng kaibigan. Tumango naman siya. Matagal na niyang naging kaibigan si Dani at ang asawa nito. Siya ang tenant nito. May business kasi ang mag-asawa. Wala pang anak dahil hindi pa nabuntis kaya sobrang saya nito nang malamang buntis siya noon. Tila ito pa ang mas excited sa kaniya. Mabait si Dani at inalagaan sila ng anak niya. Hindi na rin siya itinuring nitong iba. Malaki ang pasasalamat niya rito. Sa katunayan nga ay ito ang kaisa-isang ninang ng anak niya

