Nagising ang dalaga at napatingin kay Cross na nakatitig lamang sa kaniya. Kaagad na bumangon naman siya at iniwas ang tingin sa binata. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tiningnan ang oras. May mga missed calls na rin ng driver ng Mayor. Kaagad na bumangon ang dalaga at inayos ang sarili. “Can we talk?” tanong ng binata na tahimik lang sa gilid. Natigilan naman si Shan at tiningnan ito. Gustuhin man niya ay kailangan niyang umalis. “I’m sorry,” sagot niya at binuksan na ang pinto. Akmang aalis na siya nang hawakan nito ang kamay niya. Tiningnan niya ang binata. Nakatitig lang ito nang deritso sa kaniya. Tila ba nakikiusap na huwag na siya umalis. Hinila ng dalaga ang kamay niya at tinalikuran na ito. Naiwan naman si Cross na nakatayo lang. Natawa siya nang pagak at nakatingin la

