HTP 64

2160 Words

Nakangiti lamang si Allaric habang nagmamaneho pauwi sa bahay nila. Inis na inis naman si Sai sa mukha ng asawa niya. Gusto niya itong bigwasan.   “Huwag kang ngumiti, nabibwesit ako sa ’yo,” saad niya rito. Kaagad na nawala naman ang ngiti sa mukha ng asawa niya. Pagdating nila sa bahay nila ay bumaba na si Sai at naunang pumasok. Pumunta siya sa kusina at kinuha ang alcohol sa gilid. Pumunta siya sa couch nila at binasa ng alcohol ang kinauupuan ni MJ kahapon.   “Sa susunod na makita ko ulit ang MJ na iyon dito sinasabi ko sa ’yo, Allaric. Hinding-hindi ka talaga magsisisi sa gagawin ko,” maldita niyang wika at umakyat na papunta sa kuwarto nila. Naiwan naman si Allaric na nakangiti at sumunod sa asawa. Saktong pagpasok niya ay nakita niya ang paglagay ng unan at bedsheet sa sahig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD