HTP 63

2204 Words

 Nasa loob lamang ng kuwarto niya nakatambay si Sai. Wala siyang ganang lumabas lalo pa at wala naman siyang gagawin. Galit na naman siya sa nangyari kanina. Wala na talagang ibang ginawa ang asawa niya kung hindi ang saktan siya. Masiyado itong naging insensitive. Hindi niya alam kung ginayuma ba ng babaeng hitad o ano?   “Ma’am?” tawag ng katulong nila sa labas ng kuwarto niya.   “Pinapababa po kayo ng Papa niyo,” wika nito. Kaagad na kumunot naman ang noo niya.   “S-sige, susunod ako,” sagot niya. Kinakabahan siya. Baka nga ay oras na para tanungin siya ng ama tungkol sa mga nangyayari. Hindi pa kasi niya sinasabi ang dahilan kaya siya nandito at lalong kung bakit hindi mabuti ang lagay nilang dalawang mag-asawa. Kahit kinakabahan ay inayos niya ang kaniyang sarili at bumaba.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD