"Sai!" tawag ni Allaric sa asawa niya at akmang susundan nang pigilan siya ni MJ. Namumula ang pisngi nito dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Sai. "Mas mabuting bigyan mo muna siya ng space," wika nito. "No, hindi mo kilala ang asawa ko. Let go of my hand," matigas nitong saad at patakbong lumabas ng bahay nila. Mabilis na pinatakbo naman ni Sai ang sasakyan pauwi sa bahay nila. Gusto lang niyang makaramdam ng may karamay. She's hurt so much. Hindi niya kayang mag-isa ang sakit na nararamdaman niya. "Ahh!" sigaw niya habag nagda-drive. Sobrang sikip ng puso niya na para bang pinipigilan siya nitong makahinga. Narinig pa niya ang pagbusina ng kotse sa likod niya. Si Allaric iyon. Lalo niyang binilisan ang takbo ng sasakyan niya at nang makarating sa bahay nila ay mabilis na bumaba

