“Kain na tayo,” tawag sa kanila ng ina ng dalaga. Napatingin naman si Shan sa ina niya at tumayo. “Tara,” aya niya sa binata. Tumango naman ito. Pumunta na sila sa kusina at nagsimulang kumain. Napangiti naman ang binata nang makitang caldereta ang ulam. Maganang kumain naman ito. “Ang sarap niyo po pa lang magluto,” nakangiting komento ni Cross. “Hindi ka ba nakakain ng caldereta sa inyo?” tanong ni Shan. “Mom used to cook caldereta for me, pero hindi na ngayon since malayo ako sa kanila,” sagot ng binata at maganang sumubo ng pagkain. “Shan,” tawag ng ina niya. Napatingin naman siya. “Huwag mong istorbohin ang manliligaw mo,” saway ng ina niya. Kaagad na kumunot naman ang noo niya. “Hindi ko nga siya manliligaw, Ma,” ungot niya. Mahinang siniko naman niya ang binata. “S

