Sabado ngayon kaya wala silang pasok. Pero ang Mama niya ay may trabaho pa mamaya. Nagbigay ito ng pera para sa grocery nila. Nagbihis lamang siya ng simpleng t-shirt at jeans na pinaresan ng doll shoes niya. Hinayaan niya ang kaniynag buhok na nakalugay at pumara ng traysikel. Nagpahatid siya sa pinakamalapit na mall sa lugar nila. Nanag makarating ay nagbayad na siya at pumasok sa loob. Pumunta siya sa grocery station at natigilan nang mapagsino ang lalaking pumipili ng hotdog. Napalingon din ito sa gawi niya.
"Shan," wika nito at ngumiti. Nilapitan siya nito kaya napataas ang kilay niya sa binata.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya. Ngumiti lamang si Cross at pinakita ang hawak.
"Bumili ako ng hotdog ko," sagot nito.
"Hotdog mo?" aniya. T'saka lang napansin ang nasabi niya. Umubo siya nang peke at nahihiyang tumalikod.
"Diyan ka na nga," saad niya at tinalikuran na ito.
"Wait lang," ani Cross at nilapitan siya.
"Bakit?" kunot ang noong tanong niya sa binata.
"Tulungan na kita," wika nito.
"Hindi na, kaya ko naman," agarang sagot niya. Cross showed his sweet smile at her at kinuha ang hawak niyang basket.
"I insist," anito at nauna na. Naiwan naman ang dalaga at hindi alam ang gagawin.
"H-hoy!" tawag niya sa binata. Hindi naman nakinig ang binata.
"Ano ba ang bibilhin mo?" tanong nito habang nakangisi. Tila tuwang-tuwa sa nangyayari. Natigilan naman si Shan at ngumiti na lang din.
"Mga toyo at suka," sagot niya.
"Let's go," saad nito at hinawakan ang kamay niya. Napatingin naman doon ang dalaga.
"H-hoy! Ang kamay ko," sambit niya. Parang wala namang narinig ang binata. Hindi alam ni Shan kung bakit ang lakas ng kabog niya. Puwede naman niyang bawiin iyon pero hindi niya alam kung bakit parang nagugustuhan niya rin ang paghawak ng binata sa kamay niya. Iwinaglit niya iyon sa isipan niya nang makitang nasa harapan na niya ang nakahilerang produkto.
"Ano'ng brand?" tanong nito. Napatingin naman ang dalaga sa binata.
"Huh?"
Ngumisi naman ito at kumuha ng isang bote.
"Silver swan ba?" tanong nito. Napakurap ang dalaga at tumango. Kaagad na iniwas niya ang kaniyang tingin sa binata. Baka kasi akalain nito ay may gusto siya sa binata.
Makalipas ang ilang oras ay pumila na sila sa counter. Pinagtitinginan pa sila ng ibang kostomer. Tila kinikilig habang nakatingin sa kanila. Napatingin naman ang dalaga sa itaas kung saan ay nakikita ang repleksiyon nila ni Cross. Napasinghap siya nang makitang nakatingin lamang ang binata sa kaniya. Ang isang kamay nito ay nasa hawak niyang basket na tila gustong akuin siya. Kaagad na nagtama naman ang tingin nila roon. Kaagad na umiwas ang dalaga. Prenteng ngumiti lamang ang binata sa likod niya.
Nang matapos ay sabay na umuwi. Nagulat ang dalaga nang hindi bumaba ang binata sa lugar nito.
"May pupuntahan ka pa ba?" tanong niya rito. Kaagad na tumango naman ito. Hindi na rin nagtanong ang dalaga kung saan. Ilang sandali lang ay huminto na ang traysikel sa harap ng bahay nila. Napatingin siya kay Cross nang bumaba rin ito at kinuha ang grocery bag niya.
"T-teka lang," aniya. Kumuha ng pera ang binata sa bulsa niya at nagbayad.
"Puwede ba akong mag-lunch sa inyo?" tanong nito. Napakunot noo naman ang dalaga pero tumango na rin. Pumasok sila s aloob at nakagat ng dalaga ang labi niya nang muntikang matumba ang gate nila. Napakamot naman siya sa ulo niya sa hiya.
"Shan?" tawag ng ina niya. Lumabas ito at natigilan nang makita ang binatang kasama ng kaniyang anak.
"Hello po, Tita," bati ni Cross.
Ngumiti naman ang ina ng dalaga at pinapasok na sila sa loob.
"Pasok kayo," sambit nito. Napatingin naman si Shan kay Cross na nakangiti lang. Dumeritso ang dalaga sa kusina. Nagulat naman siya nang sumunod ang ina niya na nakangiti.
"Manliligaw mo ba iyon, anak?" tanong ng ina niya. Kaagad na umiling naman siya.
"H-hindi Ma," sagot niya. Tumaas naman ang kilay ng ina niya.
"Mukhang matino naman anak, guwapo pa. Mukhang matalino rin," komento nito. Napaikot naman ng dalaga ang kaniyang mata.
"Ma, baka marinig ka niya nakakahiya. Tinulungan niya lang ako. Walang kami o ano, alam mo naman ang goal ko 'di ba?" sagot niya sa ina. Nagkibit balikat lamang ito.
"Talaga?" tukso nito. Huminga lamang siya nang malalim. Hindi niya rin talaga maintindihan itong ina niya. Alam niyang strict ito pagdating sa pakikipagrelasiyon.
"Ma," ungot niya.
"Sige na, dalhan mo muna ng meryenda ang manliligaw mo at magluluto lang ako sandali," anito.
" Ma naman," inis niyang saad. Kumuha na siya ng meryenda at pinuntahan ang binata na nagce-cellphone sa maliit nilang sala.
"Meryenda ka muna," aniya rito.
"Thanks," sagot nito.
"Kayo lang pala ng, Mama mo rito?" tanong nito. Tumango naman ang dalaga
"Minsan ako lang, dahil sa shift ni Mama. Registered nurse siya at regular na sa isang government hospital," sagot niya sa binata. Tumango naman ito.
"Hindi ka ba natatakot na kayong dalawa lang dito?"
Nagkibit balikat lamang si Shan..
"Sanay na ako," sagot niya.
"Sa awa ng Diyos, okay lang naman kami," dagdag niya pa.
Tuamhimik naman ang binata. Nakita ng dalaga ang kaseryosohan sa mata ng binata.
"Nakapagpaalam ka ba sa parents mo?" tanong niya rito. Tiningnan naman siya ng binata.
"Nasa malayo sila," sagot niya.
"Saan?" usisa niya.
"Do you want to meet them?" nakangising tanong nito. Kaagad na nanlaki naman ang mata ng dalaga.
"H-hindi ah, nagtanong lang naman ako. Kung ayaw mo akong sagutin okay lang," aniya.
"Mag-isa lang ako sa apartment ko," wika nito. Natigilan naman ang dalaga.
"Ikaw lang mag-isa? Bakit?" tanong niya pa ulit. Tiningnan lamang sya ng binata.
"Gusto mo ba akong samahan?" tukso niya sa binata. Kaagad na nanlaki ang mata niya sa gulat.
"H-hoy, grabe ka naman," inus niyang tugon.
" I'm just kidding," natatawang sagot nito.
" Your Mom, she's so kind and a great Mom, you're so lucky," sambit ng binata. Ngumiti naman ang dalaga.
"Oo naman, sobrang bait ng Mama ko. Kahit sa lahat nang nangyari sa buhay niya sobrang tatag niya," proud na sagot ng dalaga.
" My Mom too, pero minsan sumusobra rin. Para akong sanggol kung alagaan niya," mahinang wika ng binata habang nakatitig sa dalaga.