HTP 4

2116 Words
Nakaupo lamang ang dalaga sa upuan niya kaharap ang maraming questionnaires na sinagutan ng mga estudyante. Malapit na ang school fest nila. Target nilang maengganyo ang ibang estudyante na mag-enroll sa school nila next year. Puro kasi basagulero at mga ulupong ang nasa eskuwelahan nila. Punan pang marami na ring eskuwelahan sa lugar nila. Napahawak siya sa ulo niya dahil sumasakit iyon. Narinig niya ang mahinang usapan ng mga kababehan sa room nila kaya napatingin siya sa pintuan. Kumunot naman kaagad ang noo niya nang makita si Cross doon. Ngumisi ito at kumaway sa kaniya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at bumalik na sa ginagawa niya. “Tiningnan ka ni Cross, Pres,” kinikilig na wika ni Bei. “Natural, may mata siya eh,” sagot niya. Kaagad na nahilaw naman ang babaeng ngumiti. “Oo nga naman, pero ngumiti siya sa ‘yo,” ani Carly naman. Tiningnan naman ito ni Shan at tinaasan ng kilay. “Ano’ng gusto mo? Ngitian ko rin?” aniya sa babae. Kaagad na umiling naman ito. “H-hindi Pres, alam naman po naming hindi ka ngumingiti eh,” mabilis na sagot ni Bei. Lalo lamang nagdikit ang kilay niya at tiningnan ang dalawa. Kaagad na nagtinginan naman ang mga ito nang makitang hindi siya natutuwa sa pinagsasabi nila. “Ahem, canteen lang kami,” paalam ni Bei at hinila na ang kaibigan nitong si Carly paalis. Nagtaka naman siya nang makaalis ang dalawa. “Ano’ng nangyari sa mga iyon?” aniya at napailing. Bumalik naman siya sa ginagawa niya. Bandang hapon ay nagra-rounds ang dalaga. May dala siyang notebook para ilista ang makitang gumagawa ng mga violations. Hawak ang meter stick niya ay pumunta siya sa likod ng eskuwelahan. Inuna niya ang kanilang classroom. Pumunta siya sa likod at nakita ang mga lovers na akala mo naman ay hindi na magkikita bukas. Hindi na ito nagulat dahil nga nasanay na sa kaniya. “Montes at Romera, bukas sa harap ng school gate sa gilid niyo umpisahan ang paglilinis,” kasuwal niyang sabi. Napakamot naman ng ulo niya ang lalaki. “Grabe ka naman, Pres,” reklamo nito. Tiningnan naman siya ng babaeng si Rea Romera at inirapan. Tinaasan niya lang ito ng kilay. “Baka hindi na bumalik sa dati iyang mata mo, uwi na,” asik niya rito at dinaanan na ang mga ito. “Bukas ha, huwag niyong kalimutan,” saad niya at nagpatuloy na sa pagro-ronda. Umakyat siya sa second-floor building na bigay ng government pero hindi pa ginagamit. Hindi naman kasi marami ang kabuoang bilang ng estudyante sa eskuwelahan. Ito rin ang ginagawang tambayan ng mga kida-kida na estudyante. Binuksan niya ang mga rooms at wala namang tao. Pumunta siya sa banyo na nakahiwalay sa rooms. Nasa pinakadulo ito, may narinig kasi siyang kaluskos. Mahina ang kilos na naglakad siya at hinawakan ang door knob. Akmang pipihitin na niya ito nang may malamig na kamay na humawak sa braso niya. Mabilis na nilingon niya ito at nanlaki ang mata nang makitang si Cross iyon. Tahimik lamang at seryoso ang mukha. Umiling naman ito. Kaagad na kumunot ang noo niya sa binata. Akmang hahablutin niya ang kamay niya rito nang lalo lamang iyong hinigpitan ng binata. Hinawakan nito ang door knob at ito na mismo ang bumukas. Kaagad na napatakip si Shan sa ilong niya. Inis na pumasok siya sa loob at nakita ang iilang estudyante na nasa lower years at nagsisigarilyo. “P-pres,” gulat na sabi ng mga ito lalo na nang makita si Cross. “Mga lintik kayo! Kayo pala ang nagsisigarilyo rito,” aniya at pinagkukuha ang mga ID nito. “Papuntahin niyo parents niyo bukas,” saad niya. Sumenyas naman ang binata na umalis na ang mga ito. Kaagad na nagsialisan naman ang mga ito. Inis na lumabas na rin ang dalaga at napatingin kay Cross. “Kilala mo ang mga iyon no? T’saka bakit ka nandito? Siguro kasama ka rin nila,” ani Shan sa binata. Tinitigan lamang siya nito habang nakapamulsa. Dahil matangkad ito ay kailangan pa nitong yumuko nang kaunti para magpantay ang mukha nila. Ngumiti nang matamis ang binata at ibinuka ang bibig. “Amuyin mo kung amoy sigarilyo,” wika nito. Kaagad na nagdikit naman ang kilay ni Shan sa ginawa nito. “Isa ka pang ulopong,” sambit niya at nauna ng umalis. Nakasunod naman ang binata sa kaniya na nakapamulsa. “Sinusundan mo ba ako?” inis niyang turan dito. Nagkibit balikat naman ang binata. “Saan ba dapat ako dumaan? Gusto mo bang maging ninja ako at tumalon mula rito?” sagot niya. Natigilan naman si Shan at pababa nga naman sila ng hagdan. Nakaramdam naman siya ng hiya at mabilis na naglakad. Naiwan naman si Cross na nakatingin sa kaniya at napangiti. Sumunod lamang siya sa dalaga. Hinintay niya rin ito na makalabas ng room. Kinuha nito ang bag niya at lalong nagdikit ang kaniyang kilay. “Sinusundan mo talaga ako eh,” aniya sa binata. “You’re right,” anito. Napailing naman si Shan at nauna nang maglakad. Hindi niya nililingon ang binata. Nakapamulsa lamang ito habang nakasunod sa kaniya. “Lumingon ka na, baka magka-stiff neck ka kung hindi mo makita ang kaguwapohan ko,” sambit nito habang nakangisi. “Ulol,” sagot ng dalaga. Nakalabas na sila ng gate at tinukso pa sila ng guwardiyang si Mang Nikolas. “Magkasama si Pogi at ganda ah,” anito. Napaikot naman ng dalaga ang mata niya. Akmang papara na siya ng traysikel nang hawakan ni Cross ang kamay niya. “Ano ba? Namimihasa ka na sa paghawak sa ’kin ha. Akala mo siguro hindi ko napapansin iyon?” asik niya sa binata. Napatingin naman sa kanila ang iilang estudyante dahil medyo napalakas ang boses niya. Kaagad na natigilan naman si Shan at nakagat ang labi. Nakakahiya iyon. Ngumiti lamang si Cross at inakbayan siya. Napapiksi naman siya sa ginawa nito. Ilang sandali pa ay hinila siya nito papunta sa kabilang side ng kalsada. “Kain muna tayo,” ani Cross sa kaniya at kumuha ng proben at isinawsaw sa suka at ibinigay sa kaniya. Tiningnan lamang iyon ng dalaga. “Pogi, ayaw yata ng girlfriend mo eh. Subuan mo naman kasi,” wika ng tindero. Nanlaki naman ang mata ni Shan at mabilis na kinuha iyon at kinain. Napangiti naman si Cross. “Gusto niya Manong basta ako lang ang sasawsaw sa suka,” wika ng binata. Kaagad na napaismid naman si Shan at kumuha ulit. “Ang feeling nito,” saad niya at kumuha pa ulit. Isinawsaw naman niya iyon at kumain ulit. Para namang tanga ang binata na tila kinikilig habang kumakain. “Para kang tanga,” komento niya rito. “Masaya lang ako kasi iisa lang tayo ng suka na sinasawsawan,” sambit nito. Kaagad na nasira naman ang mukha ng dalaga. “Ang korni mo,” saad niya at iniwas ang tingin sa binata. Natatawa na rin kasi siya sa kakornihan nito. Nang matapos ay nagbayad na ito. Pumara na rin ng traysikel si Shan. Nagulat pa siya nang sumakay rin ang binata sa likod. Nasa harapan kasi siya. Kahit gusto niya ito tanungin tumahimik na lang siya. Baka isipin pa nito gusto niyang malaman kung saan ang bahay nito. Lingid naman sa kaalaman niya na nakatitig ang binata sa kaniya sa salamin sa taas. Nakita naman iyon ng traysikel drayber. Ngumisi lamang si Cross. Huminto ito sa gilid ng kalsada. Bumaba naman ang binata at tiningnan siya. “Dito lang ako, bye. Ingat ka, Manong ihatid niyo hanggang gate nila ha,” wika ng binata. Sumaludo naman ang drayber at pinaandar na ang trasikel nito. Nang hindi pa makalayo-layo ay lumingon ang dalaga. Nakatayo lamang ang binata at nakatingin sa traysikel. Kaagad na iniwas naman ng dalaga ang tingin niya at itinuon ang tingin sa daan. “Pogi ng boyfriend mo Neng ah, mukhang mayaman,” saad nito. “Hindi ko po siya boyfriend,” sagot niya rito. Ngumisi lamang ang drayber na tila sinasabi ng mukha nito na doon din naman papunta. Nag makauwi sa bahay nila ay pinagbihis na siya at kumuha ng pako at martilyo. Aayusin lang niya ang gate nilang bibigay na sa sobrang tagal. Mabilis lumipas ang panahon at excited ang dalaga. Papunta siya sa bulletin board kung saan nakalagay ang mga ranking stundents sa bawat sem. Marami ang nandoon pero nu’ng dumating siya ay mabilis na nagsigiliran ang mga ito. Lumapit siya roon at nakita ang pangalan niya sa pinakauna. Napangiti siya at tiningnan ang kasunod sa kaniya. Napansin niyang isang puntos lang ang pagitan nila. Lalo pa siyang nagulat nang makita ang pangalan ni Cros V. Zhen doon. “Hi classmate,” wika nito. Napalingon siya at nakita ang binata na nakangisi. Kaagad na nawala ang ngiti ng dalaga at nauna nang umalis. She felt threatened. Hindi puwedeng hindi siya maging valedictorian. Cross was a big threat to her scholarship. She was working her ass so hard para sa full scholarship para sa kaniya in college. Gusto niyang makuha iyon para hindi mahirapan ang Mama niya sa gastusin. College was too expensive, Maraming priojects at kung anu-ano pa. Kapag valedictorian ka ng eskuwelahan may matatanggap kang full scholarship, dorm, monthly allowance at iba pang benefits na shoulder lahat ng gobernadora ng lugar nila. Kapag hindi niya iyon makuha ay talagang hindi puwede. Iyon ang main target niya. Kailangan niyang magsunog pa ng kilay. Kailangan niyang isipin na ang guwapong binatang iyon ay isang banta sa scholarship niya. Pumasok siya sa room nila at umupo sa usual seat niya. Nagsidatingan na rin ang ibang estudyante. Halatang kilig na kilig dahil kaklase na nila ang binata. Section A kasi sila. Kapag may malaki ang grade malilipat sa section A. Nasa ibang section kasi itong binata. Pumasok na ito kasunod ang guro nila, kaagad na iniwas naman ng dalaga ang tingin niya rito. Tahimik na umupo naman ang binata sa likod niya. Natapos na ang kanilang period subalit walang reaksiyon ang dalaga. Nararamdaman niyang hinihila ng binata ang buhok niya. Inis na nilingon niya ito. “Ano ba? Masiyado kang papansin,” singhal niya rito. Natigilan naman ang binata. Maging ang ibang estudyante ay napatingin sa kaniya. Nakonsensiya naman ang dalaga sa pagsinghal sa binata. Tumayo na lamang siya at lumabas. Pumunta siya sa canteen at bumili ng maiinom. Umupo siya sa gilid at napapikit. Hindi niya maintindihan ang sarili, gusto niya itong iwasan pero paano na ngayong nasa iisang classroom na sila. Bumuga siya ng hangin at matapos kumain ay bumalik na sa room nila. Napatingin siya sa upuan nito at wala roon ang binata. “Grabe ka naman kay, Cross, Pres,” wika ni Carly. Natigilan naman siya at napakurap. “Oo nga, wala namang ginawa sa ‘yo,” dagdag naman ni Marcela na kaklase nila. Kaagad na kumunot ang noo niya. “Sarili niyo pansinin niyo, huwag ako. Wala kayong pakialam kung sino ang pakikitunguhan ko nang maayos,” saad niya at umupo na sa upuan niya para mag-study ng Math. Iyon na kasi ang susunod nilang subject. Ilang sandali lang ay napansin niyang may umupo na sa likod. Kaagad na bumuga siya ng hangin at hindi na ito pinansin. Ayaw na niyang pansinin pa dahil baka ano pa ang lumabas sa bibig niya. Hinintay na lamang niya na matapos ang kanilang klase. Pagsapit ng hapon matapos ang kaniyang rounds ay bumalik na siya sa room nila para kunin ang kaniyang bag. Wala na roon ang mga kaklse nila. Kinuha niya iyon at lumabas. “Bakit galit ka sa ’kin?” wika ng binata na nakasandal sa wall ng room sa labas. Napalingon naman sa kanan niya ang dalaga at nakita roon ang binata. Tiningnan niya lang ito at dinaanan. “Hey!” tawag nito. Hindi naman ito nilingon ng dalaga. “Hey!” tawag nito nulit. Hinarap ito ni Shan at huminga nang malalim. “Look, hindi tayo close. Huwag mo ring isipin na magkaibigan tayo dahil nakikipag-usap ako sa ’yo. Mali ka ng pagkakaintindi. Hindi tayo close lalong hindi kita kaibigan,” saad niya. Natigilan naman ang binata sa sinabi niya. Nakita niya ang sakit sa mata nito subalit agad din namang nawala. “Higit pa sa pakikipagkaibigan ang gusto ko,” sambit nito. Kaagad na kumunot naman ang noo ni Shan. “Baliw ka na,” wika ni Shan at kaagad na tinalikuran ito. Mabilis ang kilos na naglakad siya paalis. Nang makasakay sa traysikel ay napahawak siya sa dibdib niya. Malakas ang kabog nu’n. Napailing siya at huminga ulit nang malalim. “Kumalma ka, gino-good time ka lang ng ulopong na iyon para mawala ka sa focus,” kausap niya sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD