
Hindi alam ng lahat na anak si Missy ng Mayor sa kanilang lugar. Anak siya sa labas at isang kabit ang kanyang ina. Palihim lamang silang dinadalaw nito ng kanyang ina.
Matagal nang nagkikimkim ng galit si Missy sa kanyang ina at ama. Hindi niya ginustong mabuhay bilang anak sa labas, ang gusto lamang niya ay isang simpleng pamilya at hindi kailangan itago sa lahat kung sino sila.
Dahil pinapaaral siya ng kanyang ama, nakapasok siya sa paaralang saan rin nag-aaral ang kanyang kapatid sa ama. Hindi nito alam na kapatid siya nito pero palihim na tinutulungan niya ito pag may mga kailangan ito. Kahit magkaiba ang kanilang ina pero para kay Missy, kadugo pa rin niya ito at iisa lamang ang kanilang ama.
Dahil kilala si Missy bilang matapang at pala-away, kinatatakutan siya ng kanyang mga kaklase. Dahil may ugali siyang batang-kalye, madalas nambu-bully siya ng mga estudyante na kaya niyang kutungan ng pera. Hanggang dumating ang bago nilang kaklase na nangangalang Haeshin Kai, ang baguhan at isang japanese.
Akala niya'y mahina ito pero nagkamali siya na i-bully at kutungan ito...
Coming soon ...!
