Chapter 20

3003 Words
Rain POV Rain rain rainn!! gising!!!. naalimpungatan ako dahil sa bunganga ni cash akala ko panaginip lang na naririnig ko boses niya totoo pala kaya bumangon ako at tumingin sa orasan alas tres ng madaling araw? seryoso ba tong abnormal na ito bakit ginigising ako kaya tumayo ako at naglakad papunta sa pinto Ano ba yun? nakapikit ko pang tanong sa kanya ng buksan ko yung pinto ng kwarto ko. Si si si kaizer kase ano ano kase basta magbihis kana boy dalian mo. nagtataka tuloy ako kung ano meron kay kaizer may nangyari kaya sa kanya sa hospital pinabantayan ko siya kay Uno kaya alam kong walang masamang mangyayari sa kanya pero bakit minamadali ako neto ni cash tsk tsk antok pa ko. Ano ba kase nangyare kay kaizer? tanong ko kay cash Nagmamadali na tayo rain kaya sumakay kana sa motor mo at sundan mo ko. sabe niya at pinaandar ang motor niya bakit susundan eh alam ko naman papuntang hospital saan ba kame pupunta nitong bruha na to. Mag aapat na oras na kame bumabyahe ni cash nasan na ba kame etong bruha na to mga trip neto sa buhay di ko gusto kaya inangat ko yung salamin ng helmet ko. Hoy saan ba punta natin?. sigaw ko para marinig niya ko Basta. sigaw niya May nakikita na kong dagat nasan na ba kame umalis kame ng madilim dahil madaling araw pa lang pero ngayon maliwanag na at ang ganda ng tanawin na nakikita ko napaka sarap ng simoy ng hangin Huminto si cash sa isang malaking bahay na ang desenyo ay parang nasa panahon pa ko ng kastila. Hoy bruha nasan ba tayo nandiyan ba si kaizer? tanong ko at sabay kameng napatingin ng magbukas ang malaking gate. Noona!! sigaw ni kaizer natutuwa akong makita siya medyo naghihilom na ang mga sugat niya nasa likod niya si Uno. Uno bakit nandito kayo ni kaizer kaninong bahay ba ito? tanong ko pero nginitian lang nila ako ano bang nangyayari at bakit parang ang weird nilang lahat. Tara noona mag almusal ka muna. sumunod ako kay kaizer at inalalayan ko siya maglakad. Ikaw bata ka dapat ay nagpapahinga ka at bakit heto ka't may gana pang gumala kung alam ko lang na ganyan katigas ulo mo edi dinagdagan ko sana yang sugat mo. Noona naman sabe ng doctor pwede na ko lumabas tsaka dito kaya masarap magpahinga ang ganda ng tanawin. Sabagay sariwa ang hangin walang polusyon sa inyo ba ang bahay na ito? tanong ko Bebe!!! napalingon ako sa may hagdan si tala na naka floral duster Baklang ash! si riri na hindi rin nagpatalo at may bulaklak pa talaga sa tainga. Ano bang meron? nagtatakang tanong ko Wala naman bebe gusto lang namin magbakasyon kahit 2 days lang para makapagpahinga din si kaizer mas maganda ang hangin dito sa zambales. si tala na inakay pa ko para kumaen tumabi ako kay cash at binatukan ko siya. Aray naman! singhal niya Minadali mo pa ko akala ko kung ano nangyare kay kaizer. Eh kase ano basta kunwari ka pa ayaw mo ba dito? ang ganda kaya. Gusto ko tss sige na kumaen na tayo uno sumabay ka na sa amin. Sige po. sagot ni uno Wow ah ang galang ng kapitbahay niyo ah. si cash nakalimutan kong di nga pala niya alam na punong bantay namin si uno at ang sabe ko dati ay kapitbahay namin sa dati naming bahay hindi ko pwede sabihing kapitbahay namin sa mansion napakalawak ng lupa namin at napakalayo ng iba pang bahay doon sa lugar namin kaya impossibleng maging ka close o maging kaibigan namin yung mga kapitbahay sa lugar namin. Tsaka siya talaga nagbantay kay kaizer ah. dagdag ni cash Ah eh kila ash nako nagtatrabaho. palusot ni uno Ah kaya pala eh bakit kilala mo si kaizer? bwiset tong bruhang to dameng tanong Magkaibigan sila manahimik ka na nga at kumaen. sabat ko Matapos naming kumaen tumambay kame sa may dalampasigan mamaya na daw kame maligo dahil mainit pa sabe ni riri. Nakatingin ako sa dagat ang sarap pagmasdan lumingon ako sa likuran ko ng wala na kong marinig na ingay kundi alon na lang ng dagat napansin kong nawala si riri at tala pati na rin si cash. Kai nasan sila? tanong ko Ah eh noona mag cr daw sila. kamot ulong sabe niya Ganun ba halika dito tawagan natin ang ama mo. lumapit siya sa akin at si uno Nang sagutin ni kalix ang tawag ko yumuko muna ito sa akin bilang pag galang bago ibaling ang paningin sa anak. Anak ok na ba pakiramdam mo? tanong ni kalix Nasan kayo young lady bakit may naririnig akong alon? tanong ni kalix Nasa dagat kame dad sariwa ang hangin dito kaya mas masarap mag pahinga. Ganun ba anak teka si Uno ba iyang nasa likod mo? Tumango ang kanyang anak bilang sagot. Magandang Tanghali Uno. pagbati ni kalix kay skyler lumapit si skyler sa amin at yumuko si kalix bilang pag galang sa Pinakamataas na Punong bantay. Anak bakit hindi ka lumaban sa mga nambubully sayo? nakakahiya kay Uno hindi ba't tinuruan ka niyang lumaban. Kase dad sinasanay ko lamang ang aking katawan sa bugbog para maging makunat ako. natatawang sabe ni kaizer. Para masanay ang katawan ko sa sakit dad para sa susunod hindi ko na iindahin ang sakit at mas mapoprotektahan ko si noona yung tipong tatagal ako sa laban. Ano ka ba kalix hayaan mo na ang anak mo lumalaki na nga siyang matapang. si uno Bebe ash!!. sigaw ni tala Sige na dad nandito na mga kaibigan namin baka makita pa nila ang ginagawa namin bye dad i love you. Sige anak i love you too, maraming salamat Alas at Uno sa pag gabay sa anak ko. Yumuko ito bago patayin ang video call. Inayos na namin yung tutulugan natin magpahinga ka muna ash kase ang layo ng byahe niyo kanina ni cash. Tumayo ako at sumunod sa kanila itutuloy ko na lang yung naudlot kong tulog. Cash POV Ano na ang plano? naayos na ba nila juno? tanong ko sa mga kasama ko Oo bebe tingnan mo nga kung sakto lang ang sukat nitong binili namin na floral dress para kay ash si achilles pumili ng design eh tapos si riri naman sa sukat. kinuha ko ito at itinapat sa katawan ko Oo ok na to halos pareho lang kame ng sukat ni rain. Hoy mga bruha tulungan niyo nga ko mag gupit dito ng heart kulang pa daw ng 10 pieces na heart sabe nila kevin. si riri Tutulong ako noona. si kaizer Wag na magpahinga ka na lang diyan at panuorin mo kame. sabe ko Ikaw Kuya gusto mo bang tumulong uno o skyler ano bang pangalan mo?. si riri Kahit ano sa dalawa parehong pangalan ko yon. sagot ni Kuya uno ay ni skyler ah ewan bahala siya kung ano pangalan niya Hindi ako marunong mag gupit ng hugis puso. kamot ulong sabe ni uno Ah eh sige tulungan mo na lang kame mamaya dalhin itong mga props namin. si tala Achilles POV Oh eto na yung mga heart na kulang. si tala Wow ang ganda dito kuya achilles sigurado ako magugustuhan ni noona to. si kaizer nginitian ko siya at nakipag fist bump pa sa akin Cash anong flavor ng cake ang gusto ni ash? tanong ko Ah eh parang lahat naman kinakaen niya eh. sagot ni cash Chocolate flavor and also she likes minimalist cake ayaw niya ng maraming design she likes simple things. si Kuya Uno lumingon kameng lahat sa kanya Kuya kilala mo talaga si ash?. si kev Yup we grew up together. sabe ni kuya uno Sa tingin mo kuya magugustuhan niya to nilagyan kase namin ng mga heart at flowers. si tala Actually hindi niya gusto ang mga girly things pero dahil nag effort kayo at napakasimple nito kesa sa mga magagarbo at expensive restaurant date kaya sigurado ako magugustuhan niya yan. Bakit kayo sabay lumaki ni ash? si juno Ang tatay ko ay dati nilang bantay. Imperial Fam. is so kind sila din ang nag-paaral sa akin ang nanay ko ang pinaka head maid nila noon bago siya mamatay. Sorry to hear that kuya. si tala Ok lang matagal na yon feel free to ask me kung ano ang mga gusto at ayaw ni Ala.... i mean ash para makatulong ako sa inyo. Since marami kang alam sa kanya Kuya Unong pogi bakit magaling si ash lumaban. si riri ang landi talaga nito Tinuruan siya ng lolo niya. 15 pa lang siya pero ang galing na niya ilan taon naman kaya siya natutong lumaban. tanong ni juno 5 years old. sagot ni Kuya uno Ha? Grabe! seryoso kaya pala ang galing niya talaga. si tala Hoy tama na tanong date ang usapan hindi suntukan ano gisingin ko na ba si rain hapon na aayusan pa namin yon tsaka maganda mag date habang may sunset. si cash Sige cash kayo na bahala maghihintay na lang kame dito. sabe ko sa kanila kinakabahan ako sana magustuhan ni ash. Rain POV Rain gising! idinilat ko yung isang mata ko at nakita ko sila cash at tala pati na rin si riri Ano bang trip niyo natutulog pa yung tao. sabe ko pero pinilit ako ni cash tumayo Bebe suotin mo to. inabot sa akin ni tala yung floral dress Ano to para saan? tanong ko Para parepareho tayo naka floral wag ka ngang KJ tsaka nasa beach tayo haler naka black t-shirt ka pa. si cash hinila niya ko sa cr para sapilitang magpalit ng damit Wow ang ganda ng bebe namin partida wala pang make up yan. si tala Make up? don't tell me lalagyan niyo ko niyan ayoko ng mga ganyan. sabe ko sa kanila pero hinatak ako ni cash at sapilitang pinaupo sa harap ng salamin nakahawak sa braso ko si cash at tala. Ses wag kana pumalag saglit lang to mas lalo kang magiging Dyosa. si riri at sinimulan na niyang lagyan ako ng make up sa mukha. Hindi ko alam bakit sinasali niyo pa ko sa mga trip niyo maliligo tayo sa dagat diba bakit kailangan naka make up. sabe ko sa kanila pero tinawanan lang nila ko Buksan mo na mata mo ash. tumingin ako sa salamin ako ba to? sobrang galing ni riri mag make up simple lang at hindi masyadong makapal, kinuha niya yung flower crown at inilagay sa ulo ko Dame niyo arte bakit may ganyan pa sa ulo? sabe ko Bebe wag ka malikot di ko pa tapos ikulot buhok mo. si tala Teka nga ang dame niyong arte kinulot mo pa buhok ko eh magiging straight din yan pag nabasa di ko maintindihan trip niyo eh noh. tinawanan lang nila ulet ako. Tara na bebe labas na tayo. hinatak ako ni tala papuntang hagdan Saan mo ba ko dadalhin? Tanong ko sa kanya Wow noona sobrang ganda mo. Si kaizer Ala...nagtakip si uno ng bibig at napakamot ng ulo dahil muntik niyang mabanggit ang code name ko. ahhh ash wala kang pinagbago likas na sa iyo ang taglay mong kagandahan kabighabighani. Si Uno Hindi ko maintindihan kung bakit naka floral kameng lahat maging si uno ay nakapolo na floral. Napalingon ako sa gilid ko nang magbukas ang ilaw at nakita ko ang mga piraso ng hugis pusong papel na nakasabit sa mga ilaw. ASH. nakalagay sa unang papel nilingon ko sila cash sumenyas sila na maglakad ako hindi ko alam pero sumunod naman ako sa kanila Im scared of getting to close to anyone,. Pangalawang papel na nakasabit sa ilaw because those who said that they'll always be there for me, LEFT. pangatlong papel And I am just afraid of getting hurt like that again. Pang apat na papel Matapos kong basahin yung pang apat na pusong papel nakita ko si achilles sa baba ng hagdan nitong magandang Tree house may hawak na gitara. Sinimulan niyang patugtugin ang hawak niyang gitara hindi ko alam na bukod sa basketball may ibang talent pala siya. "It's been quite a while You've really kept me wanting you You've got some style, so unique You're beautiful, so warm, so deep Stay with me tonight" Napakalamig ng boses niya nakatingin siya ng diretso sa aking mga mata habang kinakanta ito.  "Let me know the kind o' love That will remain forever be A dream that you had made reality Lovin' you, woh Is such an easy thing to do No, you never know It's drivin' me crazy Cause it grows and grows But i won't let it stop, No i'm not givin' up Lovin' you, lovin you Just a bit too much" Hindi niya inaalis ang paningin sa akin hindi ko alam pero parang nakakalusaw ang pagtitig niya sa akin sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng panlalambot ng mga tuhod ko parang inaangkin niya ang kantang ito na para bang siya ang sumulat at binibigyan niya ng emosyon ang bawat lirikong maririnig sa kanyang tinig. Tumigil siya saglit sa pagtipa ng kanyang gitara. Ashleigh Raina Can i have a dance with you?. tanong niya ngunit hindi ako nakasagot kaya't inulit niya ito ngunit hindi na ang pangalan ko ang binanggit niya kundi ang mabahong endearment niya sa akin aaminin ko mabaho ang pagtawag niyang iyon sa akin pero nakasanayan ko na. Ngot Can i have a dance with you? pag uulit niya. Tumango ako dahil sa di ko malamang dahilan hindi ako makapagsalita. Inabot niya ang gitara kay kevin at ang mikropono naman kay juno may ibang talent pala talaga sila. Sinimulan ni Kevin patugtugin ang hawak niyang gitara at pinagpatuloy ni juno ang kanta. Inilahad ni achilles ang kamay niya sa akin at tinanggap ko ito inilagay niya sa balikat niya ang mga kamay ko at ang kanya ay sa bewang ko at pinagsalikop niya ang isa pa naming kamay "It's been quite a while I never felt so easily Wonder how you broke my style You're close to me i need you now Stay with me tonight" Ash. pagbanggit niya sa pangalan ko kaya tiningnan ko siya. Nabasa mo ang nasa pusong papel? tanong niya Oo ang drama mo. sabe ko pero ngumiti siya sa akin Im not afraid to try again....Im just afraid of getting hurt for the same reason Ash but for you Im willing to get hurt again if it means getting you this close seeing heaven. hindi ko maintindihan ang sistema ko umiinit ang pisngi ko ramdam ko ang senseridad sa kanyang sinabe kaya napapaisip ko at hindi ko alam kung bakit siya sinaktan ng mga babaeng yon kung ganito naman kaseryoso ang lalaking ito hindi dapat siya sinasaktan dahil karapatdapat siyang mahalin. Pe--pero hindi pa ko ready achilles. nauutal na sabe ko. Shhhh Im willing to wait just give me a chance to express my love for you. aniya na nakangiti pa rin iba ang mga ngiti niya ngayon nakakalusaw nakakapanlambot ng mga tuhod. "It's got to be just too much love I could remain and forever be A dream that had become reality Lovin' you, woh Is such an easy thing to do No, you never know It's drivin' me crazy Cause it grows and grows But i won't let it stop, No i'm not givin' up Lovin' you, lovin you Oh, lovin you just a bit too much Woh, lovin' you, woh Is such an easy thing to do No, you never know It's drivin' me crazy Cause it grows and grows But i won't let it stop, No i'm not givin' up Lovin' you, woh oh lovin you Oh, lovin you just a bit too much Lovin' you, woh Is such an easy thing to do No, you never know It's drivin' me crazy Cause it grows and grows But i won't let it stop, No i'm not givin' up Lovin' you, lovin you Oh, lovin you just a bit too much" Habang sumasayaw kame sinasabayan niya sa pagkanta si juno nahihiya pa kong tumingin sa mga mata niya. Achilles hindi ako madaling mahalin hindi ko rin alam kung pano magmahal. hindi ako makatingin sa kanyang mga mata kaya hinawakan niya ang baba ko at inangat niya yun upang magtama ang aming paningin. Like i said Im willing to wait and to get hurt again ash susugal ako gaya ng sabe ko sayo nung nakaraang araw. Ang gusto ko lang naman ay payagan mo kong manligaw dahil hindi ka pa naman talaga pumapayag sadyang makulit lang ako. Oo na pwede ka manligaw. nahihiyang sabe ko Thank you ash hindi ko sasayangin ang pagkakataon na to. Yieeeee bagay na bagay. Pang-aasar ng mga kaibigan namin. Alam niyo ang lahat ng to? tanong ko Oo. sagot nilang lahat Tiningnan ko ng masama si uno. Pati ikaw uno?. Napakamot siya sa ulo. Ah eh si kaizer po pinilit ako. sagot niya kaya tiningnan ko ng masama si kaizer Oh noona kalma lang sabe ng doctor hindi pwede tamaan ang ulo ko. aniya na natatawa pa Ulo lang kaizer walang sinabeng hindi pwede ang katawan alam mo bang kinabahan ako kanina akala ko kung ano ng nangyare sayo yun naman pala ay sinuportahan niyo lang ang kabaklaan ng isang to. pagtukoy ko kay achilles kaya tumawa silang lahat akmang hahabulin ko si kaizer pero pinigilan ako ni achilles Ngot may dinner date pa tayo sa taas ng Tree house na to bukas mo na bugbugin si kaizer. nakangiting sabe niya Guys tara na iwan na natin sila. sabe ni juno lahat sila naglakad palayo at nakatingin sa akin na para bang nang aasar. Inilahad muli ni achilles ang kamay niya sa akin. Umakyat na tayo. sabe niya Namangha ako sa loob ng tree house napakaganda. Kayo ang nagdesenyo nito? tanong ko Oo nagustuhan mo ba? tinulungan nila ko. aniya na parang proud na proud sa ginawa nila Napatingin ako sa lamesa puro paborito kong pagkaen ang nakahain. Achilles POV Minimalist cake ang cute naman nito paano mong nalaman na gusto ko nito? tanong niya Well sabe ko naman sayo ay kakabisaduhin ko ang mga paborito mo. sabe ko at nginitian siya hindi mawala sa aking mga labi ang mga ngiti dahil sobrang ganda niya bagay na bagay sa kanya ang mga bulaklak na nasa ulo niya hindi na siya mukang maton at siga. Bahagya akong natawa kaya nilingon niya ko. Ang ganda mo. sabe ko at inirapan lang niya ko Umupo ka dito. Inalalayan ko siyang umupo at kinuha ko yung maliit na box na nasa bulsa ko. Ayusin mo yung buhok mo isusuot ko sayo ito. sabe ko Ano yan? tanong niya Bow and Arrow Necklace magaling ka mag archery diba sobrang believe ako sayo nung nanalo ka sa tournament para sayo to sabe nila ang meaning daw nito ay "Strength and Power" kaya bagay sayo to dahil ganoon kita nakilala gusto ko sa tuwing feeling mo mahina ka tingnan mo lang ang kwintas na to na magpapaalala sayo na merong isang achilles na naniniwalang malakas ka at kaya mong harapin lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo. Salamat. Nakangiting sabe niya habang pinagmamasdan yung kwintas na binigay ko natutuwa ako kase nagustuhan niya ang saya saya ko parang ayoko ng matapos ang araw na to. Ang ganda ng view dito. sabe niya kaya tiningnan ko siya Oo nga sobrang ganda. sagot ko habang nakatingin sa kanya. Binatukan niya ko. Eh bakit saken ka nakatingin? tanong niya Mas maganda ka pa sa view na nakikita mo ngayon walang binatbat yang sunset sayo mas maganda ka pa diyan. kunot noo niya kong tiningnan natatawa ko dahil ang cute niyang maasar Muli siyang nagbalik tingin sa papalubog na araw. SANA hindi pa ito ang huli. bulong ko sa sarili ko habang sabay naming pinagmamasdan ang pag lubog ng araw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD