Chapter 19

3113 Words
Rain POV Anong trip mo at ayaw mong pumasok? tanong ko sa lalaking to na mas piniling tumambay dito sa rooftop cafe kesa pumasok dinamay pa ko Wag na muna tayo pumasok samahan mo muna ko leigh tutal mataas naman grades natin. aniya Ano bang problema mo at bakit nagkakaganyan ka? tanong ko pero hindi pa rin ako nililingon ni leo nakatingin siya sa malayo habang hawak niya ang mainit niyang kape. Wala kong problema. tumingin na siya sa akin at ngumiti. Mukang ayaw mo naman sa school ngayon kaya niyaya kita dito since gusto ko rin mag kape. aniya Sa bagay wala din akong gana makinig sa lectures today tsaka napakadameng tao doon. sagot ko at tumingin kay leo dahil nakangisi siya. Cute mo talaga eh noh malapit na din pala laban natin sa archery sino kaya makakalaban natin gusto mo mag practice tayo? tanong niya Ikaw bahala ako kahit hindi na. sabe ko Tara sa bahay ubusin mo na yang kinakaen mo at dadalhin kita sa bahay. nakangiting sabe niya Bakit parang may masamang balak ka sa akin? tinapakan ko yung paa niya Aray naman anong masamang balak? di ako ganun noh lalo na sayo. aniya na taas baba pa ang kilay. Gaya ng dati siya ulet ang nag drive kay dos papunta sa bahay nila. Astig talaga netong motor mo noh bagay talaga sayo halika pasok ka nandito na tayo. aniya at binalik niya sa akin ang susi ng motor ko Good afternoon sir bakit umuwe po kayo agad? tanong ng maid nila leo Ah magpapractice kase kame para sa laban namin sa archery maghanda ka na lang ng meryenda namin. Sige po sir. Umupo ako sa sofa nila napakaganda ng bahay nila leo habang iniikot ko ng tingin ang buong sala nila napatingin ako sa hagdan nila na may pababang lalaki na nasa 40's na siguro parang nakita ko na siya di ko lang maalala kung saan. Leigh tara punta na tayo sa may practice room ko. aniya na nilahad pa ang kamay niya sa akin Oh anak may bisita ka pala. Ah Good afternoon po. pagbati ko sa daddy niya Si ashleigh dad partner ko sa archery. Magpapractice kayo pwede ba kong manuod anak? tanong ng daddy niya at nilingon ako ni leo kung ayos lang ba sa akin Ah eh sige po ok lang naman po. sagot ko no choice na kahit ayoko ng may manunuod sa amin Nasa practice room na kame ni leo. Leigh eto sayo check mo na lang kung maluwag adjust mo na lang din kung saan ka kumportable. aniya Ok na to, meron ka talagang practice room dito sa bahay nyo ah seryoso ka talaga sa archery kelan ka ba nagsimulang mag-aral nito. tanong ko 10 years old first year ako nung sumali ako sa mga tournament gusto ko talaga matutunan to dahil ito yung nagligtas sa buhay ko eh ikaw?. tanong niya 5 years old pero hindi ako sumasali sa mga tournament. sagot ko Ay weh? 5 years old partida di ka pa sumasali sa tournament pero ang galing mo. aniya Kaya nga hindi ko na kailangan magpractice sinamahan lang kita para manahimik ka na kakaaya sa akin. sagot ko at napalingon kame ni leo sa dad niya na nagpipigil ng tawa. Sorry sige tuloy niyo na yan anak wag niyo ko pansinin dito. yung dad ni leo na nakangiti pa rin sa akin weird niya ah. Ikaw ang mauna. kumuha ng palaso si leo at inasinta niya ang target bulls eye naman pagkatapos niya ako naman ang sumunod na kumuha ng palaso at hindi ko na inasinta pinakawalan ko na agad ang palaso ko. Lumingon kame sa dad ni leo na pumapalakpak ngumiti ito sa akin. Kamukang kamuka mo siya. kumunot ang noo ko sa sinabe ng dad ni leo sinong siya ang tinutukoy niya sinong kamuka ko. Tama siya na mas magaling ka kesa sa kanya aalis na ko at iiwan ko na kayong mag ensayo mukang nadidistract ko ata kayo. Iha maari bang leigh ang itawag ko sayo? tanong niya Sige po. sagot ko umalis na siya at tumingin ako kay leo Oh bakit ganyan ka makatingin?. tanong niya Mag ama nga kayo pareho kayo na leigh ang gustong itawag sa akin. sabe ko Eh bakit ba cute nung name mo na yon. Ituro mo nga sa akin kung pano yang ginagawa mo na wala ng asinta asinta. hinawakan ko ang pana ko at kumuha ng palaso pinalipad ko ito agad at bulls eye nanaman. Ganon lang. sabe ko Anong ganon lang eh wala ka namang itinuro. aniya Eh wala naman technique sa ginagawa ko pinapakawalan ko lang ito at naniniwala akong tatama ito ganon lang sa sobrang yabang ko ang laki ng tiwala ko sa sarili ko. sabe ko hahahahahahahaha ayos yan ah. sinubukan niyang gawin kumuha siya ng palaso at pinakawalan niya agad ito ayun sablay. ang hirap naman ano yun? papakawalan ko lang tas sasabihin ko naniniwala akong tatama ka sa bulls eye. natatawang sabe niya Siraulo Only Ashleigh can do that tss walang technique yon nakasanayan ko lang ang pag-eensayo ko nito ay nakapiring kung kaya't hindi ko kailangan ang pag asinta dahil nakapiring nga ako pandama lang ang gamit ko. sabe ko Oo na ikaw na master ang mahalaga partner kita sure win na. Tara balik na tayo sa school naiwan doon ang kotse ko. aniya Hindi ka na papasok sa loob? tanong niya sa akin dahil huminto kame sa tapat ng gate ng school Hindi na diretso uwe na ko ayoko pa silang makita ayoko munang makipag usap. sabe ko Sige mag ingat ka leigh thank you sa time. sabe niya nang makita kong pumasok na siya sa loob ng school pinaharurot ko na ang motor ko. Cash POV Nandito na ko sa condo kinakatok ko yung kwarto ni rain pero hindi niya binubuksan. Boy sorry na buksan mo nga tong pinto mag usap tayo. sabe ko pero walang rain na lumalabas Alam ko na mag bake kaya ako ng brownies amoy pa lang nun lalambot na yang dragona na yan eh. Rain ginawan kita ng brownies buksan mo na yung pinto. Rainn!!!! Ashleigh Raina! mauubos ko na to bahala ka. biglang bumukas yung pinto niya Akala ko ba akin yan? nakakunot noong tanong niya inilipag ko yung brownies at yumakap ako sa kanya Patay gutom ka talaga eh noh kung di pa ko magluluto di ka lalabas eh noh sorry na nga kase boy. Bitawan mo nga ko naligo ka na ba? Hoy excuse me naligo ako noh kahit dito ka pa tumira sa kilikili ko ng isang taon mamumuhay ka ng mapayapa diyan. Tss amin na nga yang brownies. Wait lang teka bati muna tayo ano diba bati na tayo? pangungulet ko Hay nako di ko makalimutan yung gumising akong late tapos wala pang pagkaen grabe niyaya ako na manirahan sa condo tapos iniwan ako tapos pumasok pa siyang mag isa tsk tsk. nangongonsensya pa talaga siya Rain naman eh sorry na Grabe tapos kinampihan pa yung iba Rain naman sorry na kase Ineexpect ko siya yung magiging kakampi ko tapos kumampi pa sa unggoy. Rain naman eh. binato ko siya ng tsinelas Aray! nananakit pa. kinuha nya yung tsinelas at hinabol ako nag royal rambol kame sa sala naghampasan ng unan hanggang sa pareho kameng naghahabol ng hininga Rain tama na hinihingal na ko. Ako din kunin mo nga yung brownies na gutom ako dun ah. Inabot ko sa kanya at kumuha din ako ng brownies lumamon kame habang naghahabol ng hininga nagkatinginan kame natawa ko pero siya nagpipigil ng tawa. Hindi kaya mamatay tayo neto walang tubig anong trip natin?. Mukha kang aso na ginutom ng amo niya hahaha. Oh tumawa ka na bati na tayo?. niyakap ko siya ulet Aray ano ba Cashmere pumirmi ka na nga kumakaen ako oo na bati na tayo. Bukas ay may laban si achilles sa umaga at tayo naman ay naurong next week bale sa ibang school tayo hindi ko nga lang alam kung saan ganun din ata ang archery mo baka next week na manuod na lamang tayo ng laban nung tatlo. sabe ko Oo na. sagot niya na nakatingin sa brownies na kinakaen Ano ba kase siya para sayo boy? tanong ko pagtukoy kay aakil May tiwala ka ba sa akin boy? tanong niya Ah eh kase boy naawa lang naman ako kay achilles kahit siraulo ang isang yon tinuturing ko rin naman na yong tunay na kaibigan. Noon ay hindi ka pala tanong pero ngayon ang dame mo ng tanong magtiwala ka saken hindi ko rin gustong saktan si achilles kilala mo naman ako diba? tanong niya Oo sige na bahala ka basta wag mo na paasahin yung tao kung may namamagitan sa inyo ni aakil. tumango lamang siya bilang sagot Hindi ka na ba kakaen ng kanin? tanong ko Hindi na dito pa lang ay busog na ko. tumayo siya at magpapaalam ng matutulog Achilles POV Maaga ako nagising dahil ngayon ang laban namin sa basketball at ibang school ang kalaban namin sino naman kaya sa tatlong school na yon ang makakalaban namin. Par badtrip. si juno Bakit? tanong namin ni kev Del Ville nanaman kalaban natin tss ilang beses na natin natalo yun pero alam niyo naman madumi sila mag laro at napakapikunin dati ay muntikan ng magsuntukan ang grupo natin at grupo nila. naiinis na sabe ni juno Umay sila ulet tsk tsk. sabe ko iniisip ko pa lang ang mangyayari alam ko ng m****o at pikunan nanaman ito asar talo kase ang shooting guard nila tss. Kasalukuyan na kameng nag wawarm up at ang sama na agad ng tingin nila samin tss mga kumag na Taga Del Ville bulong ko sa isip ko Rain POV Hay nako sila nanaman kalaban natin napaka asar talo pa naman ng mga taga Del Ville. si riri Bakit? ano meron bakit sila may alitan? tanong ni cash Dahil yung shooting guard ng Del Ville yung eme eme nilang leader ay may gusto kay Khloe Amante tss hindi naman sila bagay ni King noh bagay sila ng Renze na yan ma itsura naman pero mas di hamak na mas gwapo si Achilles. si tala Nung Grade 5 kame yan yung nililigawan ni achilles sa Del Ville nag-aaral sinusundo niya pa yan noon kaso nagulat na lang kame na sila na ni Renze Lopez ang panget ng taste ni girl hindi pa kase nag-aayos nun si King medyo payat pa siya sikat lang siya kase sila May-ari ng school na to pero kahit ganun gwapo pa rin siya sadyang hindi pa nahuhubog ang katawan. Nung nag highschool na kame aba ang babaitang Khloe nilalandi si King kase nag glow up nga si koya mo achilles natutong mag ayos kaya mas lalo nakita yung kagwapuhan niya eh kaso may sheena na si King nun na nililigawan kaya nagalit si renze kay King kase nga yung gf niya lumalapit kay King eh tanga tanga niya dapat dun siya magalit sa malanding gf niya na dikit ng dikit kay King. nanggigil na kwento ni riri Eh yun na nga kaso nasaktan nanaman si King dahil niloko siya ni sheena tss ayoko na lang mag talk baka marinig tayo ni King magalit pa ayaw nga niyang naririnig pangalan niyan ni sheena tapos ngayon aaligid aligid pa sa kanya ngayon siya naghahabol kay King. dagdag paliwanag niya Lamang tayo guys GO! Sylanceeeee!!!. sigaw ni tala Nakatitig ako kay achilles na ngayon ay tumatakbo at naghahanap ng tamang pwesto para sa three points niya pinakawalan niya ang bola three points ito kaya umingay nanaman ang gym pero tumahimik bigla ng sadyang bungguin siya ni Renze. sorry brad na late ata pag harang ko sa bola mo kung napaaga siguro kanina ka pa nakasalampak diyan. rinig na rinig namin yung sinsabe ng mayabang na renze na to dahil nasa tapat namin sila pumito yung referee. Achilles POV Ok ka lang ba? tanong sa akin ni Khloe inilahad niya ang kamay niya pero pinigilan siya ni Renze Babe are you ok? si sheena lumapit ito at naglahad din ng kamay niya pero hindi ko tinanggap akmang tatayo na ko pero napatigil ako sa boses na narinig ko. Excuse me. sabe ng pamilyar na boses inangat ko ang ulo ko si ash napakaganda niya talaga inilahad niya ang kamay niya at agad agad kong tinanggap to. Bago kame lumapit kila cash lumingon ulet to kila Renze. Stop doing dirty tactics Im watching you lil boy. sabe niya kay renze hindi ko alam pero pakiramdam ko pinagtatanggol niya ko yung puso ko parang gustong lumabas sa bibig ko sa sobrang saya feeling ko ang gwapo gwapo ko ng mga oras na ito. natatawa at kinikilig ako sa isipan ko Oh tubig uminom ka. inabot ni ash ang tubig na hawak niya Anong nginingiti mo diyan? tanong niya sa akin Wala ano masaya lang. sabe ko habang nagpipigil ng tawa Yieeeee ang kakati nila. si riri tiningnan siya ng masama ni ash kaya nanahimik siya sumenyas na isasara na niya ang bibig niya. Maglaro kana tawag na kayo ng coach niyo wag ka ngang lalampa lampa hindi naman malaki ang katawan ng Renze na yon isang pitik ko lang yon. Opo boss teka bakit nakatingin ka sa katawan niya? Hindi noh tss may mata ko kaya nakikita ko lahat ng pangangatawan niyo. Wag mo nga siyang tingnan sa akin ka lang tumingin Abnormal paano kong iiwasan na hindi makita yan lalo na't kalaro mo siya Ehem ehem ehem magsisimula na daw sabe ni coach. si juno May laro tayo par mamaya na yang selos mo. pang aasar ni kevin natawa silang lahat maliban kay rain. Rain POV Tang ina talaga netong Renze na to bet na bet saktan si King. si riri Napansin ko yung sapatos ni Renze may nakaumbok sa medyas niya isang punyal tss like what i said earlier Im watching you lil boy tss dirty tactics huh? tingnan ko lang kung uubra saken yan wag kang magkakamali na gamitin yan sa mga kaibigan ko. Lamang na lamang sila achilles segundo na lang ang natitira kung ako sa kanila paglaruan na lang nila ang bola wag na nila hayaang makuha pa ng kalaban pinagmamasdan ko ng tingin si kev na ngayon ay may hawak na ng bola at humahanap ng pwesto para maipasa kay achilles nawala sa isip ko si Renze hinanap ko agad siya. Nakita kong yumuko siya bago tumakbo sa likod ni achilles ngayon na nasa likod na siya ni achilles at akmang yuyuko siya para siguro sugatan sa paa si achilles para hindi masalo yung bola mabilis akong kumilos walang nakakapansin kay Renze marunong ang isang to pero mas alerto ko sayo bata tss kinuha ko yung mineral water ni riri at tala pinagsama ko sa iisang bote para hindi liparin ng hangin tumayo ako at ibinato ko yon sa kamay ni Renze tumakbo ako ng mabilis bago pa niya maitago ang punyal hindi niya nagawang itago dahil natapakan ko na ito. Ms. Imeperial what are you doing? si coach Coach hindi niyo ba napapansin ang isang to? mukang nakalusot may dalang punyal nakita kong susugatan niya si achilles kaya ibinato ko yung bote ng mineral sa kamay niya. masama akong tiningnan ni Renze Dinampot ko yung punyal. Oh baka itanggi mo may Pangalan mo pa Renze Lopez tss. napakanipis ng punyal na ito pero nasisiguro kong matalim may nakaukit na pangalan ni renze sa punyal at meron ding nakaukit na tiger. R.T.M ka?. tanong ko na pailing iling pa inabot ko sa kanya yung punyal at umalis na. Nanalo sila achilles hindi na rin pinayagan si Renze na maglaro sa susunod na game sabe ng coach niya at habang naglalakad kame papunta sa parking lot nakasabay namin sila Renze. Mukang kakaiba itong bago mong chicks Achilles ah. si renze Shut up! si achilles nakita kong sinara niya ang kamao niya kaya palihim kong hinawakan ito lumingon siya sa akin naintindihan naman niya na hindi na namin dapat patulan ang kumag na to. Hi Miss beautiful believe ako sa bilis mo at sa ganda mong mala anghel but hindi ko papalagpasin ang ginawa mo kanina hindi mo ko kilala. aniya na nag smirk pa Bahagya akong natawa kaya nilingon niya ko. Hindi mo rin ako kilala pero isa lang masasabe ko isa ko sa dapat na ginagalang mo sa oras na makilala mo ko hindi mo na magagamit sa akin ang paraan ng pananalita mo ngayon magiging magalang na bata ka sa harap ko. kinindatan ko siya at lumakad na kame papuntang parking lot. Nasa parking lot na kame at susuotin ko na sana yung helmet ko pero lumapit sa akin si achilles Ah ash pwede ba tayong mag usap? tumingin ako sa kanya at sa mga kasama namin Guys una na ko ah. si kev Ako rin pala may pupuntahan pa ko. si juno Hoy cashmere halika na bakla diba may pupuntahan ka oo ka na lang kahit wala kang pupuntahan. si riri Hahahaha gago una na ko boy may pupuntahan pa ko kahit wala akong pupuntahan. natawa silang lahat lalo ni si riri rinig na rinig yung tawa niya sa parking lot Tara na saan ba tayo mag-uusap iniwan naman na din nila tayong lahat. sabe ko Sundan mo ko. aniya Pumasok siya sa kotse niya at sumakay ako sa motor ko saan ba ko dadalhin ng kumag na to. Huminto siya sa isang maliit na park Hoy nasaan tayo? tanong ko Sa coffee shop ni tito bestfriend ni mommy pero isa siyang tita. natatawang sabe niya Ano baliw ka? kunot noong tanong ko Kauri ni riri. sabe niya habang pumipilantik pa ang kamay tss baka kauri mo Ahh okay. inaayos ko yung motor ko at tinanggal ko ang jacket ko Magugustuhan mo dito kase may mga bulaklak at damuhan may pa Christmas light pa nga si tito ang ganda diba? tanong niya Oo vintage ang desenyo maganda nga kaso hindi ko gusto magkape ngayon. sabe ko Ok lang may ice cream sila dito you want? tanong niya Sige ang isang yan ay hindi ko matatanggihan. sabe ko Ok tatandaan ko ang mga paborito mo. aniya at pumunta sa cashier Nandiyan ba si tito? tanong niya sa cashier Ah sir wala po siya ngayon. Ah ganun ba sige bigyan mo ko nitong Mocha at isang ahhh ano sayo ash? tanong niya sa akin Cookies and cream. sagot ko at umupo ako bandang dulo malapit sa bintana na may mga bulaklak Oh eto yung iyo. inabot niya sa akin yung ice cream ko Ahh ash. tiningnan ko siya. Sorry pala sa nangyari nung isang araw. Ah wala na yon kalimutan mo na. Ano mo ba siya? tanong niya Ano ba ang sinabe ko sayo noon patungkol sa panliligaw mo? yon ang paniwalaan mo hindi na natin dapat siya pag usapan. sabe ko Sorry kung napakaseloso ko gusto kase kita sobrang gusto kita. aniya Nilakihan ko siya ng mata. Wag ka ngang maingay. may mga tao dito baka marinig siya. Tinakpan niya yung bibig niya at sinimulan niyang magsalita ng mahina. Buo na ang loob ko susugal ako kahit matalo pero umaasa ko na SANA sa muling pag sugal ko ipanalo na ko ng taong mahal ko. aniya na nakangiti pa sa akin makikita at mababasa mo ang senseridad sa kanyang mga mata Nginitian ko siya. Kumaen ka na nga lang diyan nag papacute ka pa sa harapan ko oo na apology accepted. Papasayahin kita sa sabado boss baby. aniya na taas baba pa ang kilay habang kumakaen ng ice cream Ano nanaman kaya ang kalokohan na binabalak nito sa sabado tss. Achilles POV Nakahiga na ko sa kama ko at nakatulala sa kisame paulet ulet na sumasagi sa isip ko yung ginawa ni ash kanina grabe naman tong kilig ko pang isang taon ata to ang angas angas niya nung batuhin niya si Renze. Napakaganda niya nung inalahad niya ang kamay niya sa akin parang niyayaya niya na ko magpakasal sa mga oras na yon bwahahahaha natatawa kong mag isa baka kung saan pa mapunta to kailangan ko na atang itulog to baka nga kulang lang ako sa tulog hahahaha. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD