Rain POV
Potaena fiesta ba? si juno
Pano ba naman kase ang daming pagkaen binili ni achilles siraulo talaga.
Umupo na kayo at kumaen na tayo. si achilles
Seswang!!!. lumingon kame ni cash kay riri na nagsisisigaw.
Eksena lang ses? si cash
Kanina nasa classroom pa kayo bigla kayo nawala pagbalik namin. si riri na hinihingal pa
Hoy baklang ashleigh halika dito at magkwento ka saken ano yung mga eksenang may padala dala pa ng bag chi. ang ingay ng baklang to.
Riri kumaen na din kayo dito. si achilles
Yes King ikaw pa di kita tatanggihan. umupo siya agad sa tabi ni achilles.
Hoy bruha umalis ka diyan yang upuan na yan ay para sa may ari ng bag. kinutusan ni tala si riri
Oh ano nga mga bakla anong meron sa inyo king ina kinikilig pwet ko. si riri
King ina mo kumakaen tayo ses. si cash
Humalakhak silang lahat maliban saken.
Yang si achilles nauntog ata yung ulo yung dating galit na galit kay rain ngayon patay na patay na sa lola natin chi. si cash
Don't hurt her kuya achilles pls. tumingin kameng lahat kay kaizer na napakamot ng ulo nahiya ata dahil nakatingin kame sa kanya.
Makakaasa ka kaizer. ngumiti si achilles kay kaizer
Oo nga King pati ako makakalaban mo kapag niloko mo si Ash. si tala
Kahit kame ni kev makakalaban din niya kapag sinaktan niya si ash. si juno
Grabe naman yung banta oo guys hindi, hinding hindi alam ko yung pakiramdam ng niloko at hindi ko ipaparamdam yun kahit kanino lalo na kay ash. seryosong sabe nya
Awit. si cash
That's my bebe boy. si kev
Boom panes. si juno
Sana all my achilles. si tala
Thank you kuya. si kaizer
Tumayo si riri at lumapit saken. Bakla eto na sayo na ang korona ikaw na ang pinagpala sa babaeng lahat. nagtawanan sila at tumingin saken.
Oh ano tinitingin tingin nyo? no comment. sabe ko
Ano ba yan bakla wala ka man lang emosyon. si riri
Asa pa kayo diyan. tumingin si cash kay achilles. Hoy ikaw magpractice ka na hindi yan nadadaan basta basta sa mga pick up lines goodluck.
Natapos ang klase namin ngayong araw at kahit saan ako magpunta puro bulungan ang naririnig ko.
Rain bukas na daw resume ng sportfest naayos na daw yung pumutok na wire sa gym sayang ngayon sana laban mo. aniya
Oks lang yan laban na laban ka?. tanong ko
Charot lang excited lang ako ngayon lang kita makikita gumamit ng pana. aniya
Ayan yung malandi na nang akit kay King
Baka ginayuma nya sis
Patay siya kay sheena kapag nalaman yan
Hoy mga mukang hito mananahimik kayo o sasampalin ko kayo isa isa?. tumakbo yung mga babaeng nagbubulungan natakot kay cash
Well Well Well nandito naman pala ang bagong kinahuhumalingan ng Hari ng Sylance. si sheena
Ano pinakaen mo sa kanya? tanong nya
Wala ganda lang palag? manahimik ka dahil laos kana nakaraan ka na kaya wag ka ng umeksena mas di hamak na mas maganda tong kaibigan ko kesa sayo kahit gano kalinaw ang mata ko di ko makita kung saan ka banda nagustuhan ni achilles. natatawang sabe ni cash
I'm still the Queen bee of Sylance you better shut up slave. si sheena
Slave na palasagot gusto mo yon? pang-aasar ni cash kay sheena
Wag kang makealam etong kaibigan mo ang kausap ko stupid. akmang lalapit siya kay cash kaya nagsalita ako.
Touch her or taste the hell? medyo ayusin mo ugali mo masyado mo namang pinangangalandakan yung dahilan kung bakit hindi naging kayo. sabe ko
You shut up b***h!!! Lalapit siya saken hindi ako gumalaw hinintay kong sampalin niya ko ngunit nagulat kame ng biglang pumagitna si achilles at sya ang nasampal ni sheena
Hala nasampal niya si King
Omg si King
Ano ba naman yan si sheena sinasaktan si King
Ba--babe sorry bakit ka humarang?. si sheena
Shut up! Wag na wag mong sasaktan si ash ako ang makakalaban mo! galit na galit si achilles ngayon ko lang siya nakitang magalit dati kase galit siya saken pero nakakalokong galit lang yung tipong gusto lang mam-bwiset.
Achilles tama na yan. humarap siya sa akin tiningnan niya ko sa mga mata at hinawakan ako sa kamay at hinatak ako palayo doon.
Nasa loob na kame ng kotse niya ngayon at halata naman na galit pa sya.
Achilles kumalma ka kahit 5 mins lang wag ka muna mag drive. sabe ko
Ayokong tinatawag ka nilang b***h. aniya
Hayaan mo na yun wag na lang patulan palit tayo dito ka ako magmamaneho. tumingin sya saken at parang nagtatatlong isip pa.
Dito kana isa. matapos ko sabihin yon lumabas siya agad at lumipat na sa upuan ko.
Opo boss baby. nakangising sabe niya.
Boss baby? nandidiring tanong ko
Babe?
Honey?
Love?
Mahal ko?
Tart?
Fudge?
Cake?. abnormal sinong baliw naman ang magtatawagan ng cake.
Stop! tumahimik ka na nga lang diyan. singhal ko sa kanya
Ngot. mahinang sabe niya tumingin ako sa kanya na naka kunot ang noo
Ayaw mo ng sweet endearment eh so ngayon ngot muna tawag ko sayo short for busangot. natatawang sabe nya
Ngot? Gusto mong mabingot? tanong ko
Joke lang ito naman di mabiro. aniya
Bigay mo saken susi mo goy. tumingin siya saken na naka kunot ang noo
Goy? ano yan? ang baho naman ng tawag mo saken. aniya
Short for Unggoy dalian mo na baka mabigwasan kita. sabe ko
Oh teka hindi naman ito yung daan papunta sa condo niyo ah. nagtatakang tanong nya
Garden ba to? puro bulaklak ang daan ang ganda naman dito nasan ba tayo? tanong nya
Nasa Rial Garden tayo parking lot pa lang to mas maganda sa loob. sabe ko
Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganto dito sa Manesse Garden lang ang alam ko. aniya
Hindi ka basta makakapasok dito hindi to open for public. tumingin siya saken na naka kunot ang noo.
What? eh bakit nandito tayo baka mapagalitan tayo nakatingin na satin yung guard oh tara na. hinatak nya ko pabalik sa kotse nya
Ano ka ba dadalhin ba kita dito kung hindi tayo makakapasok. naglakad ako palapit sa gate ng garden at sumunod naman siya saken.
Good Afternoon Youn....huminto sa pagsasalita yung guard dahil nilakihan ko siya ng mata at tumingin ako sa gilid ko kung saan nakatayo si achilles buti naunawaan naman niya ang nais kong iparating.
Tuloy na po kayo. magalang na sabe nya
Achilles POV
Hindi tinuloy ng guard ang kanyang sasabihin lumingon ito saken at kumamot sa ulo. Tuloy na po kayo. Magalang na sabe niya kay ash
Pumasok kame sa loob at namangha ako sa ganda nito. Ang ganda naman dito kilala ka ba dito? kase parang kilala ka ng guard. tanong ko
Kaibigan ko yung may ari. aniya
Sino si cash? siya lang naman kaibigan mo teka Rial Garden ito diba wag mong sabihin pag mamay ari ito ng Rial Mall. napapatanong ako sa isip ko dahil hindi naman ito naisama ni kuya arlan sa mga nakalap niyang impormasyon patungkol sa Monteverde.
Oo kila cash. sagot niya pero hindi ako naniniwala itatanong ko nga ulet kay kuya arlan
Grabe halos buong pilipinas ay napapaligiran ng Rial Mall di na ko magtataka kung ganto kaganda yung Garden nila. sabe ko
Dito ko nagpupunta kapag galit ako o gusto ko mag isip. aniya
Wow sosyal ah kailangan sa marangyang garden pa? pag ako nag iisip bahay lang kahit nga sa banyo ok lang eh. natatawang sabe ko
Sinundan ko si ash na patungo sa isang glass garden ang ganda may fountain sa loob na-excite akong pumasok. Nilagay ni ash yung kamay niya sa bandang gilid ng pinto at bumakas ito.
Woah may access ka din dito? grabe napaka high tech naman ng garden na to. namamanghang sabe ko
Pumunta si ash sa may tulay na maliit at may tubig sa ilalim nito ang cute parang mini version lahat ng nandito.
Hoy ngot wait mo ko. sigaw ko habang hinahabol sya.
Dito sa tulay na to masarap mag isip nakakagaan din ng pakiramdam panuorin yung mga isdang lumalangoy sa ibaba. tumingin ako sa mga isda na narito.
Tama ka nakakarelax kahit yung tunog ng tubig ay nakakarelax din. sabe ko
Tara labas tayo punta tayo sa lugar kung saan ako nagpapahinga. sinundan ko kung saan siya papunta.
Nagulat ako sa nakita ko. Woah ang ganda ang laking puno naman nito sa itsura nito mukang matanda na. sabe ko
Isigani . nabasa ko sa nakaukit sa malaking punong ito.
Ito ang pinakapaborito kong spot dito. humiga siya at ako ay nakatingin lang sa kanya.
Humiga ka din masarap magpahinga dito nakakarelax din. aniya
Nahihiya pa akong lumapit sa kanya at dahan dahan pa kong sumalampak sa damuhan bago ako sumandal sa puno pinagmasdan ko muna si ash na nakapikit nagulat ako ng magsalita to.
Wag mo na kong titigan dahil madali lang kabisaduhin ang mukha ko kahit isang sulyap pwede na nag iisa lang tong gantong hulmahan ng mukha. aniya
Anong tinititigan hindi ah. sabe ko na nag iwas ng tingin.
Sumandal ka na subukan mong pumikit yung galit na nadama mo kanina mawawala yon agad. sinandal ko ang ulo ko sa puno na ito.
Masarap nga sa pakiramdam at napakapresko dito yung dampi ng hangin sa mukha ko ay nakakarelax din pero kahit wala ng ganto ok naman na ko. sabe ko
Huh? takang tanong nya
Dinala mo ko dito para kumalma hindi ba? tanong ko
Oo bakit hindi mo ba nagustuhan?. tanong nya
Nagustuhan ko lalo na't kasama kita pero kanina nung nasa campus tayo at sinabe mong "Achilles tama na yan" kalmado na ko nun lalo na nung humarap ako sayo boses mo pa lang napapa-amo na ko. sabe ko
Tss korni mo. inirapan niya ko at pumikit na siya.
Wala kang emosyon eh noh. nagdilat siya ng mata at binatukan ako.
Aray naman magandang mapanakit. Nagulat ako sa biglang pag angat ng ulo niya kasabay ng paglingon ko sa kanya sobrang lapit namin sa isa't isa
Manyak. itinulak niya ko at tumayo na sya
Hoy ngot saan ka pupunta hintayin mo nga ko!! sigaw ko
Gutom na ko. aniya
Saan mo ba gusto kumaen?. tanong ko
Kahit saan. sagot nya
Pizza hut na lang or Zarks?. suhestiyon ko
Ayoko dun. sagot nya
Mcdo o Jollibee? tanong ko
Ayoko nag jollibee na ko kahapon ayoko sa Mcdo di ko trip kumaen ngayon doon. ang g**o niya kumalma ka self mahal mo yan remember?.
Eh saan nga?. tanong ko
Ikaw bahala magdrive ka na. hays di ko na din alam kung saan gusto niya sabe niya ako bahala ang g**o naman ng mga babae pumasok ako sasakyan ko at di ko alam kung saan kame pupunta.
Boss baby saan nga tayo? tanong ko
Uhhmm I want coffee and pasta. aniya
Hays buti naman nakapagdesisyon ka na pero sa dame ng restaurant na may pasta and coffee saan kaya don? tanong ko
Uhmm wag na lang pala sa condo na lang ako kakaen. aniya
Ok sige ihahatid na kita. Nagmamaneho ako at isang kanto na lang malapit na kame sa condo nila
Wait gusto ko talaga ng pasta and coffee. aniya
Ngot seryoso ka na ba? sure na yan ah. Tumango siya saken kaya pinihit ko yung sasakyan ko pabalik
Ngot isang kanto na lang malapit na tayo sa Rial Mall wag ka ng magbabago ng desisyon parang awa mo na. hindi siya sumagot
Ngot nakapag park na ko bumaba ka na diyan don't tell me gusto mo ng umuwe? tanong ko
Tss ingay mo gutom na ko tara na. grabe naman yung mga girls ganto pala sila pag sinumpong.
Sinundan ko lang siya at huminto siya sa tapat ng Bo's coffee dito lang pala gusto niya di nya pa masabe kanina.
So ito pala yung kahit saan at ikaw na bahala? tinuro ko yung karatula na nakalagay sa labas ng bo's coffee
Hindi niya ko pinansin pumasok siya sa loob at dumiretso siya sa counter.
Ako na magbabayad order mo din ako ng brownies bakit ikaw lang meron?. tanong ko
Ah sir last na po kase yang brownies. yung cashier
Ah ganon ba? ngot upo ka na dun ako na bahala dito. Umupo si cash sa itinuro kong pwesto.
Dumating na yung order namin at ang takaw niya talaga kumaen. Matapos niyang maubos yung carbonara niya sinimulan naman niyang kainin yung brownies.
Stop staring at me. kunot noong sabe nya
Ang daya siya lang may brownies. bulong ko pero narinig niya pala
Gusto mo? tanong niya habang winawagayway yung brownies sa harap ng mukha ko.
Tumango ako at akmang puputulin ko na yung kalahati ng brownies niya ng magsalita si busangot
Pumutok nguso mo? aniya
Tss Damot mo. nag focus na lang ako sa carbonara ko napakatakaw niya pero cute.
Matapos namin kumaen dumiretso na kame sa parking lot. Sa buong biyahe namin kwento ako ng kwento pero wala pala kong kausap tulog na pala siya. Napaka amo ng muka pero kilos mandirigma. natatawang sabe ko
Ash gising na dito na tayo. tinapik ko siya para magising pero ayaw niya talaga magising.
Ngot gising na. tulog mantika pala to akala mo pinagkaitan ng tulog eh.
hmmmm. gumalaw siya hinatak ang kamay ko at niyakap ang braso ko napalunok ako dahil sa sobrang lapit ko sa kanya.
Ashhhh gising na. binuhat ko na lang siya paakyat sa condo nila
Hoy anong ginawa mo diyan? si cash na nakapamewang
Wala kong ginawa diyan nakatulog sa sasakyan ang hirap gisingin kaya binuhat ko na lang. lumapit sa akin si cash at tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng nakataas ang kilay.
Ok makakauwe ka na. weird nito akala mo pinapatay na niya ko sa isipan niya.
Lumabas na ko ng condo nila dumiretso sa kotse nang bigla akong nakareceived ng tawag.
Junie boy Calling....
Hello Par baki--- hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makarinig ako ng sigaw
Par hoy! sumagot ka anong nangyayari?. nag aalalang tanong ko
Par tu---tulong. nawala siya sa linya kaya dali dali akong nag dial ulet pero di ko na siya matawagan.
Mabilis kong pinaandar yung kotse ko at ng makarating ako kila juno walang ilaw sa kanila sa likod ako nag park.
Tinawagan ko ulet yung no. ni Juno. Par lintek ka sumagot ka. nagring lang hindi nya sinasagot kinakabahan na ko mga trenta minutos kong ng dina-dial yung number niya hindi ako pwedeng pumasok sa front door nila malakas ang kutob ko na nalooban sila juno kaya delikado kung sa harap ako dadaan saan ba dapat alam ko na sa back door tama doon dapat palinga linga akong naglakad papunta sa back door nila juno.
Bakit ang dilim bwiset binuksan ko yung ilaw sa kusina ng may narinig akong kaluskos nagtago ako sa gilid ng ref nila juno wrong timing naman pag bukas ko ng ilaw baka makita ako dito.
May tao ata dito may nag bukas ng ilaw hindi pa ba nakukuha nila Silencer yung documents baka nakatawag na sila ng pulis. yung dalawang lalaki na nakaitim at nakatakip ang mga mukha.
Oo nga pala sa sobrang kaba ko at kakamadali bakit hindi ako tumawag ng pulis dali dali akong nagdial para humingi ng tulong ngunit hindi ako makatawag bakit ganun.
May ginawa si silencer para hindi magamit ang cellphone ng mga taong nandito sa loob ng bahay. sabe ng isang lalaki.
Dapat nung nasa labas ako tumawag nako tang ina sorry juno tsk. napalakas yung huli kong sinabe.
Sino yan sabe sayo may tao dito eh magpakita ka na. kinakabahan na ko ang tanga ko
Nagulat ako ng may sumabunot saken.
Oh iho anong ginagawa mo diyan? akmang papaluin ako sa ulo ng b***l nang may humarang na kamay sa tapat ng ulo ko upang hindi ako tamaan.
Sa pag dating ng presensya niya hindi ko alam kung bakit yung taong yun ang nasa isip ko.
Ngot? mahinang sabe ko.