Rain POV
Kringggg.. Nagising ako ng wala sa oras dahil sa ingay na narinig ko laging naka silent ang cellphone ko ah bakit ang ingay? huwag mong sabihing... napabalikwas ako sa higaan ko at napatingin sa smart watch ko "Emergency call".
Dali dali akong tumayo at sinuot ang black suit ko kinuha ko yung silencer at ang smart watch ko at tingnan ko kung sino ang nag emergency call si uno sabe ko na nga ba eh tumakbo ako sa kwarto ni cash hindi ko na siya ginising chineck ko lang kung katabi niya yung pepper spray at saka nilock ko ang pinto at nagmamadaling sumakay sa motor ko.
Uno hintayin niyo ko....
Nasa tapat na ako ng malaking bahay kaninong bahay ba to? Dahan dahan akong umakyat sa pader at marahan na tumalon.
Dahan dahan akong pumasok sa may kusina at nang makarinig ako ng ingay sinilip ko ito sino ba tong lalaking to anak ba to ng may ari ng bahay na to nagmadali akong lumapit ng makita kong hahampasin ng b***l sa ulo yung lalaking nakaluhod.
Ngot? bulong ng lalaking nakaluhod.
Bakit siya nandito? bulong ko sa isip ko nag iwas ako ng tingin baka makilala niya ko kahit nakatakip ang kalahati ng mukha ko.
Nang matapos kong mapatumba yung dalawang lalaki hinampas ko sa likod si achilles.
Sorry goy. hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan yung pawis nya.
Saan ko ba to ilalagay ang bigat niya. Wag po wag po. napalingon ako kung saan galing yung boses na yun.
Achilles dito ka lang babalikan kita. itinago ko siya sa likod ng hagdan at dahan dahan kong sinandal ang ulo niya sa pader.
Pumunta ko sa pinanggalingan ng boses nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata dahil hawak hawak ng mga armadong lalaki ang kaibigan ko si Juno napatingin ako sa mga lalaking nakaitim din na nakasalampak sa sahig sila uno sana buhay pa sila sinabe kong hintayin niyo ko hindi kayo pwede mamatay.
Yung lalaki at babae na nakaluhod siguro ito ang mga magulang ni Juno pinagmasdan kong mabuti ang pulsuhan ng lalaki tama nga ako isa siya sa tatlo.
Arayyyyy! sigaw ni juno
Automatikong uminit ang ulo ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa kanyang pag sigaw.
Akmang susugatan niya ulet si juno kaya mabilis akong kumilos at hinawakan ang kutsilyo ng lalaking ito.
Skyler POV
Idinilat ko ang namamaga kong mata dahil sa narinig kong sigaw ng batang Dela Torre mabilis din na gumuhit saken labi ang mga ngiti ng makita ko kung sino ang humawak sa kutsilyo ni silencer nakatalikod man ito pero kilalang kilala ko kung sino ito kaya't nakaramdam ako agad ng awa sa mga lalaking pumasok sa mansion ng Dela Torre.
Alas. mahinang sabe ko alam kong darating siya ligtas na kame yun ang nasisiguro ko.
Sino ka? sigaw ni silencer
Itinulak ni alas yung batang Dela Torre palapit sa kanyang mga magulang.
Ako ang tatapos sayo. sagot ni alas
Humalakhak ng napakalakas si silencer ang Panganay na anak ng mga Daican.
Nagpapatawa ka ba nakita mo bang ako nagpatumba ng mga taong nakasalampak diyan sa sahig? tanong ni silencer
Hindi ako marunong magpatawa pero mas lalong hindi ako marunong magsinungaling. bored na sagot ni alas.
Dumukot ng b***l si silencer at mabilis na pinaputok kay alas ngunit mabilis din nakaiwas si alas at wala pang ilang segundo naagaw na ni alas ang b***l ni silencer.
Ngumisi si alas. Slow hand. pang aasar ni alas kay silencer.
Tinanggal niya ang bala ng b***l ni silencer at itinapon sa sahig alam ko na ang susunod na mangyayari kaya lumapit ako sa mga Dela Torre at itinabi sila dito sa gilid medyo malayo kay alas at silencer.
Sino siya skyler? tanong ni Mr. Dela Torre.
Hindi ko maaring sabihin hayaan niyo ho na siya ang magpakilala sainyo. sagot ko.
Itinutok ng mga tauhan ni silencer ang b***l nila kay alas. Tanga ka ba naagaw mo na ang b***l ko pagkakataon mo na yon para makalaban ka samin kahit papaano. nakangising sabe ni silencer.
Tss kahit wala kong hawak na b***l kaya kong lumaban ang lakas ko ay hindi nakadepende sa b***l mahihina lang ang umaasa sa mga armas na yan. kahit kailan talaga ay napakayabang ng alas namin.
Nagpaputok ang tauhan ni silencer at naiwasan ito ni alas mabilis siyang lumapit kay silencer at ipinangsalag niya si silencer sa dalawang bala ng b***l na patama sa kanya.
Arayyyyy mga punyeta! sigaw ni silencer na tinamaan sa balikat at sa hita.
Hindi ba't sinabe ko sa inyo na hindi ko kailangan ng b***l sige iputok niyo. hamon ni alas. Yang mga hawak niyong armas mismo ang gagamitin ko laban sa inyo.
Ibaba niyo b***l nyo! utos ni silencer
Oh bakit mo ipinapababa? ipapakita ko sayo kung pano ka patayin ng sarili mong tauhan. ngumisi si alas
Nasaan na yung nagmamalaki sakin kanina? naputol na ba ang sungay mo at naduwag ka saken? pahabol na tanong ni alas.
Sino ka ba ha? bagong tauhan nila uno? tanong nya.
Hindi sinagot ni alas sinuntok niya ang likod nito at nahimatay si silencer kaya nagsitakbuhan ang mga tauhan niya.
Lumingon si alas sa akin. Mabuti naman at buhay pa kayo ipadala mo ang katawan nito sa kanyang ama. Nagpatawag na ko ng mga gagamot sainyo.
Yung sugat niyo po. hindi ako nilingon ni alas umalis siya habang patuloy na tumutulo ang dugo mula sa sugat niya sa kamay at ilang segundo lamang ay bumalik din agad siya at may akay akay na lalaki.
Achiles?!. sigaw ng batang Dela Torre.
Nakita ko siya sa may kusina at nais kayong tulungan ngunit hinarang siya ng dalawang lalaki itinago ko muna siya sa may hagdan dahil nahimatay siya. Tumingin sa akin si alas bago siya tumalikod.
Sa---sandali. habol ni Mr. Dela Torre kay alas.
Lumingon si alas at lumapit sa kanya si Mr. and Mrs. Dela Torre.
Maraming salamat. si Mr and Mrs Dela Torre
Walang anuman po. sagot ni alas kay Mrs. Dela Torre at naglipat ng tingin kay Mr. Dela Torre.
Washiri. sabe ni alas kay Mr. Dela Torre.
Nagulat man siya pero mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mr. Dela Torre at tumango kay Alas.
Mag-iingat ka Due (Due pronounce as Duwe meaning pangalawa). lumingon si alas at nagtaas ng kamay si Mr. Dela Torre akmang sasaludo ngunit pinigilan siya ni alas.
Mag-iingat ako. ani alas tumalikod ito at umalis na.
Skyler tama nga ako sila ay iisa kanina ko pa pinagmamasdan ang bilis at liksi niya katulad ng kay Due nakakatuwang makita ko muli siyang lumaban matindi pa rin gaya ng dati walang kupas hindi ako makapaniwalang siya rin si Alas dahil alam niya ang sekretong lengguahe namin. masayang sabe nito sa akin.
Hindi natin maaring pagkwentuhan dito ang bagay na iyan Mr. Dela Torre. aniko at tumango naman siya.
Hindi ako sanay na tawagin mo kong Mr. Dela Torre skyler. nakangising sabe nya.
Hindi na lamang ako umimik at inasikaso ko na sila upang sila ang unang magamot.
Juno POV
Nandito ako sa kwarto ko at nakatitig kay achilles na walang malay. Gusto kong tanungin si dad kung bakit may mga tumulong sa amin at sigurado ako na kilala niya ang mga iyon ano nga ulet ang itinawag niya sa huling taong dumating upang tulungan kame kaboses niya si ash gusto kong tanungin siya kanina pero nabigla pa ko sa nangyare ano nga ang itiniwag sa kanya ni dad.
Due! oo nga due! , due ang itinawag niya dito. pasigaw kong sabe
Ang ingay mo naman Juno bakit nandito ka sa kwarto ko. napalingon ako kay achilles na lutang ata.
Hoy tumingin ka sa paligid kelan mo pa naging kwarto to?. tanong ko sa kanya.
Pinagmasdan niya mabuti bawat sulok ng kwarto ko. Spongebob? Puro Spongebob tss ikaw lang naman may gantong kwarto eh. kamot ulong sabe niya nagulat ako nang bigla siyang tumitig saken bumalik na siguro sa katinuan at bigla siyang tumayo at pilit ako hinahatak palabas.
Par ano ba baliw ka? kwarto ko to bakit ako ang pinapaalis mo. pagpupumiglas ko
Lintek kang babaero ka wag kang maingay baka marinig tayo ng mga lalaki sa labas. gusto kong matawa sa kanya dahil sa itsura niyang hindi maipinta.
Tukmol ligtas na tayo kalma mo na itlog mo. natatawang sabe ko
Tang ina ka gago! lumapit ito saken at inikot ikot yung katawan ko
Hoy nakakahilo. angal ko
Buo ka pa naman akala ko nawalan ka na ng paa ano ba nangyari kanina?. tanong niya.
Nilooban kame ng mga armadong lalaki. sabe ko
Naalala ko na nasa kusina niyo ako ng mahuli ako ng dalawang lalaki at may dumating na nakaitim din iniligtas niya ko parang kahawig niya si... di ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin.
Si Ashleigh. sagot ko
Oo pero nakatakip ang mukha niya at hindi ko rin masyadong nakita dahil hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. aniya
Nakita mo rin ba siya? tanong niya
Oo napakabilis niya pitong lalaking may b***l ni isa sa kanila ay hindi siya napatamaan ng bala ng b***l at kasing yabang niya rin si ashleigh alam mo yung level ng yabang na kapag sinabe niya ay totoo talaga si ashleigh lang ang kilala kong ganon pag sinabe niyang kaya ka niyang tapusin ng limang segundo ay tatapusin ka niya sa loob dalawang segundo ganun siya kalupet sa sobrang yabang niya tinatapatan niya yung yabang niya limang segundo mo magiging dalawa na lang kapag niyabangan niya yung yabang niya bwahahahahhaa kakaibang babae. sabe ko
Sino kaya yon par tanungin kaya natin si tito. aniya
Alam mo bang may sinabe rin na kakaibang salita yung huling taong tumulong samin. mabilis siyang napalingon sa akin alam ko na ang tumatakbo sa isip ng mokong na to dahil yun din ang hinala ko.
Katulad ba ng narinig natin nung naholdap tayo at si dad ang kausap niya?. tanong nya
Oo parang ganun din at nagtataka ako bakit dad mo at si daddy lang ang nakakaintindi si mommy hindi niya naintindihan yon ganun din si tita des diba? tanong ko
Oo wala naman kinuwento si dad about dun. aniya
Sa tingin ko may itinatago satin si dad at si tito at yun ang gusto kong alamin baka konektado din yon sa mga nangyayari sa atin ngayon ano sa tingin mo? tanong ko
Siguro kunin mo nga laptop mo. tumayo ako at inabot ko sa kanya ang laptop ko.
Ano bang gagawin mo? tanong ko at tumingin sa screen ng laptop ko kung ano ang hinahanap niya sa google.
Hexo? diba ayan yung sinabe ni ash?. tanong ko
Scrabble word? color of blood? ang weird parang wala naman connect sa sitwasyon natin nung maholdap si dad ano yung narinig mong word? tanong niya.
Ahhhh ano ahhhh ano ba yon Wa---Washiri oo tama Washiri. sabe ko
Wala rin meaning sa google yang washiri na yan ano bang klaseng lengguahe yan? inis na tanong niya
Parang may tinatago sila dad sa atin. sabe ko
Alamin natin par simula ngayon mamanmanan ko na si Ashleigh at Cashmere. sabe ko
Baka naman magalit sila sa atin lalo nako nanliligaw ako baka mabawasan points ko niyan. tanong niya
Hindi gago simpleng obserbasyon lang hindi naman yung obvious remember yung pagkatao ni ash ay hindi natin alam si cash ok pa kahit papaano ay may alam tayo sa kanya. sabe ko
Basta kahit ano pa siya mahal ko pa rin siya. aniya
Tang ina mo baduy. pang aasar ko
Binatukan niya ko at saka nagpaalam ng uuwe.
Rain POV
Nasa kusina ako at hinuhugasan ko yung sugat ko sa kamay na natamo ko kanina.
OMG! ano nanaman nangyare sayo Ashleigh Rainaaaaa!! si cash
Ano ba ang ingay mo naman. sabe ko
Napano yan? tanong niya habang nakapamewang
Wala to nasugatan lang. sagot ko
Lintek na nasugatan napakalalim halika nga dito. kinuha niya yung first aid kit namin at nilinis niya ang sugat ko
Pano na yan Archery mo bukas ngayon ka pa nagkasugat pwede naman sa sunday na lang. aniya
King ina akala ko pa naman ayaw mo kong magkasugat inadjust mo pa talaga yung araw ah. sabe ko
Eh gago mahilig ka sa ganyan diba sino nanaman ba binugbog mo? tanong niya
Wala nasugatan lang. sabe ko
Bahala ka sa buhay mo kumaen ka na diyan at ako'y matutulog na siguraduhin mong mananalo kayo bukas. sabe niya na inirapan pa ko
Oo bibigyan kita ng magandang laban tulok. sabe ko
Matapos kong kumaen dumiretso na ko sa aking kwarto maaga pala bukas 10 am ang laban ko makatulog na nga.
Ashleigh Rainaaaaa Imperialllll! gumising ka na anong oras naaaaa!! putang inang bunganga yan akala mo nakalunok ng microphone nawindang yung mundo ko sa bunganga niya.
Oo eto na. inis na sabe ko
Matapos kong magbihis at mag ayos dumiretso na kame sa parking lot.
Gusto mo umangkas ka na lang saken? makakapagdrive ka ba? tanong nya
Oo kaya ko at si dos naman tong kasama ko. sabe ko
Tss baka bumuka yung sugat mo nako rain lintek ka baka di ka pa makalaro niyan. inis na sabe niya.
Kahit may tama pa ko ng b***l ay kayang kaya kong gumamit ng pana. mayabang na sabe ko
Tss ang hangin. inirapan niya ko at saka sumakay na kay flamie
Oh see nandito na tayo sa school nakapag drive naman ako. sabe ko
Whatever. iniwan niya ko sa parking lot ng school.
Hoy tukmol hintayin mo ko. sigaw ko
Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin. Goodmorning Leigh. bati niya
Oh leo good morning parang ang saya mo ah. sabe ko
Syempre nandito partner ko sa Archery eh durugin natin silang lahat mamaya ah. taas babang kilay na sabe niya
Tss easy. sagot ko
Yan yan yan yan kaya sayo ko gusto mo sayo na lang talaga ko. binatukan ko siya
Aray naman wag mong naman sirain kagwapuhan ko. sabe niya
Gwapo saan? ang aga aga ang kati mo. pang aasar ko
Eto oh. nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Sabay kameng napalunok dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin itinulak ko siya at bigla siyang natawa.
Ang ganda mo talaga makapigil hininga. sabe niya
Ewan ko sayo tanggalan kita ng hininga tara na. aya ko sa kanya
Teka ano yan bakit nakatakip kamay mo may sugat ka? Pano ka makakalaro ng maayos niyan? Pano natin sila dudurugin?. sunod sunod na tanong niya
Si Ashleigh to kalma mo mukha mo. kinindatan ko siya at bigla siyang natawa at hinatak ako papunta sa gym.
Oh ash at kent nandito na pala kayo magsisimula na yung laban magpalit na kayo ng damit niyo. si coach
Sige po coach tara na leigh. hinatak niya ko at hindi ko alam kung saan kame papunta.
Hoy saan tayo pupunta? tanong ko
Magpapalit ng damit. sagot niya.
Eh bakit kailangan sabay tayo? tanong ko.
Oo ba kung gusto mo. binatukan ko siya
Sira ba ulo mo ang ibig kong sabihin bakit mo ko dito hinahatak doon sa kabila ang female restroom tulok. binatukan ko siya ulet
Aray naman Master ang narinig ko kase ay sabay tayo di ko na narinig una mong sinabe sige na bibihis na ko. tumakbo siya habang tumatawa
Oh here pala si ash oh panuorin ka namin ah. si kev
Oo ba. sagot ko napatingin ako kay juno at achilles na parehong nakatingin sa kamay ko.
Ah sige una na ko hinihintay na din ako ni coach. paalam ko
Juno POV
Nang makita ko yung kamay ni ash napatingin ako agad kay achilles at sabay kameng tumingin sa kamay ni ash na nakabalot ng itim na panyo.
Par nasugatan sa kamay yung taong sinasabe ko sayo kahapon. sabe ko
Baka naman naglagay lang siya ng panyo hindi naman natin alam kung may sugat siya. aniya
Hoy bakit nandito pa kayo tara hanap na tayo ng pwesto. si cash
Hi king and juno babe and baby kevin. si riri
Ano ba pinag-uusapan nyo? tanong ni kevin ngunit hindi ko siya pinansin dahil may gusto kong tanungin kay cash
Ah cash bakit may panyo kamay ni ash?. tanong ko
Ah nasugtan kagabe tara na mag uumpisa na oh. magtatanong pa sana kaso tumakbo na sila dahil magsisimula na ang game.
Achilles POV
Nakatingin ako kay ash na nakaupo katabi si Kent.
Oh par tama na selos manuod ka kaya ng laban napaghahalataan kang si ash lang pinunta mo dito. si juno
Ulol siya lang naman talaga. inis na sabe ko
Nag iinit ang ulo dahil sa nakikita ko bakit kase sila pa ang magkapareho.
Ok ang susunod na manlalaro ay ang section emerald at section sapphire.
Woooohh e-merald!!! eee-merald!!!!
Go sapphire!!!
Emerald for the Winnnnn!!!!
Nagsisigawan na ang lahat ng students dito sa gymnasium dahil simula pa noon sapphire at emerald na ang magkalaban sa archery si Kent at si Jiro ang dati naming pambato sa batch namin kaso umalis na si Jiro at nagpunta na sa states at sakto rin na itinigil na ang Archery hindi namin alam kung bakit.
Rain POV
Oh Hi ashleigh pati sa archery kinakalaban mo ko. si sheena
Pinilit lang ako isali dito. bagot na sagot ko
Pano ba yan kent baka ito ang unang beses na matatalo ka palpak yung binigay na kakampi sayo. si sheena
Bahagyang natawa si leo. Let's see remember hindi niyo pa ko natalo pang ilang laro niyo na ba to?. hindi sumagot si sheena inirapan lang ako tss.
Achilles POV
Bago tayo magsimula ipapakilala ko muna ang mga manlalaro natin
sa Section Emerald sina Kent Leo Avilez and Ashleigh Raina Imperial at sa Section Sapphire sina Sheena Alejandro at Raneel Raniego.
Woooooooh simulan na yan!!!!
Sapphireee!! Sapphiree!!!
Emeralddddd!!!! Emeralddd!!!
Unang sumabak sila Sheena at Raneel walang pinagbago smooth pa rin gumamit ng pana si raneel pangalawa siya sa magaling dito sa school si sheena siya lang ang babaeng marunong gumamit ng pana pero hindi masyadong magaling pero pwede na kaya tinawag siyang Queen bee ng school na to.
Tumayo na sila ash at kent gaya nang sa sapphire parehong bulls eye magkadikit lang ang laban.
Natapos ang round 3 pero tie pa din ang laban kaya magsisimula na ang one on one.
Par nakakakaba yung laban parehong magaling. si juno
Ash is so cool. si kev
Halimaw talaga yang kaibigan ko. si cash napatingin kameng lahat sa kanya
Bakit? sabay sabay naming tanong
2 years na siyang hindi naglalaro ng archery at ito ang unang beses ko siyang makita. aniya
Bakit naman ses? si riri
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maipagkakaila na namamangha nanaman ako kay Rain dahil sa lahat ng bagay ay magaling siya. aniya
Pinagpala si bakla tapos may achilles pa siya nako ashleigh yung buhok niya nasa room 20a umabot dito sa gym how to be you po?. nagtawanan silang lahat dahil kay riri
Pero iba yung ngayon akala ko ay hindi magiging maayos ang laro niya. dagdag niya
bakit naman noona? si kaizer
Kase ang lalim ng sugat niya sa kamay pero kung maglaro siya ngayon parang walang siyang iniindang sakit. aniya
Nagkatinginan kame ni juno lumapit siya sa akin at bumulong.
Tang ina sabe sayo par eh siya ata yung kagabe. mahinang bulong niya
Sumenyas na lang ako na wag siyang maingay.
Muling napunta ang atensyon namin sa mga manlalaro at nagulat kame sa ginawa ni Kent.