episode 1
prunes abay bilisan mo at ihahatid ka daw ng yong papa sa school.. sigaw ng aking mama erlinda!!
kaya nag mamadali ako kuhanin Ang aking bag bago ako sumagot sa pag tawag Niya!!
opoooo mama pababa na po!!
nasa second floor ako ng aming bahay Hindi naman kami mayaman dahil Ang second floor na aking sinasabi ay gawa sa kahoy lamang..
pero ginagapang ako ng aking magulang para matapos lang sa pag aaral!!!
kaya naman sinusuklian ko Ito ng mataas na grado ko sa school proud ako sa sarili ko at napapaligaya ko Ang aking mga magulang dahil sa aking pag sisipag sa pag aaral!!
agad ako bumaba sa hagdan kahoy at inabutan ko Ang aking mama na hinahanda Ang aking baon pagkain!!
mama aalis na po ako..
ito Ang baon mo ubusin mo yan ha at niyakap ako ng aking mama ng mahigpit!!
opo mama salamat po!!
Tara na at ma late ka school wika naman ng aking papa nakatayo malapit sa pinto!!
lumakad ako papalapit sa kanya at inakbayan ako ng aking papa!!
ganto kami mag ama dahil nag iisa akong anak Nila dahil ayaw na nila sundan pagkatapos ako ilabas sa mundong ibabaw dahil nag agaw buhay ang aking mama sa panganganak sakin at ayaw na iyon maulit ng aking papa!!
kamusta naman Ang school anak!! tanong nito habang nilalakad namin Ang sasakyan namin kakaragkarag!!
mabuti naman po papa Isang taon na lang po papa makaka graduate na ko makahanap ako ng magandang trabaho at papalakihin ko Ang munti nating negosyo!!!
wag mo muna isipin yon prunes kami muna ng mama mo Ang bahala doon Ang atupagin mo ngayon ay Ang pag aaral mo mahalaga makapasa ka sa lahat ng subject mo at nakatapos ng pag aaral!!
binuksan ni papa Ang pinto ng aming kotse 90s pa ata Ang kotse namin na ito mas matanda pa sakin!!
ang pag kakaaalam ko ay unang kotse ni papa ito regalo sa kanya ng kanyang mga magulang Wala ako kinagisnan na Lolo at Lola sa side ng aking papa Sabi ni papa ay Wala na daw Ang mga ito bukod doon ay Wala na siya ibang pang na kwento.. pero sa side ng aking mama ay nakakapiling ko Ang aking mga Lolo at Lola!!!
binabaybay namin Ang daan papunta sa aking school at magiliw ako nakipag kwentuhan sa aking papa close talaga kami at kung titignan mo ay parang hindi kami mag ama dahil napaka gwapo ng aking papa makisig Ang katawan matangkad at mukang British Ang muka nito makakapal Ang kilay at matangos Ang ilong sa tingin ko ay may lahi Ang angkan ng aking papa!!
kaya naman nag mana Ang ganda ko sa kanya na pinaghalo ng aking Ina!!!
take care anak wag muna mag boyfriend ha study first!!!
papa naman never ko po naisip yan!!
I promise I won't do that tatapusin ko muna pag aaral ko at mga tatrabaho para sa Inyo ni mama!!
ginawaran ako ng halik sa noo ng aking papa..
bye po papa !! at lumabas na ko ng kotse namin!!
nakita ko Ang ilang kaibigan ko at tumakbo ako papalapit sa kanila!!
hi unice ,iza at bell bati Niya sa mga kaibigan!!!
hi beshie hinatid ka ng papa mo!!
ah oo Kasi baka daw malate ako ng school!!
Ang pogi talaga ng papa mo beshie no kaya for sure may lahi kayo Americano!!
Yoon din nasa isip ko pero Sabi ng papa ay Wala dahil pinag lihi lang daw ni Lola sa mga nakikita nito gwapo artista sa tv..
Tara na baka mahuli Tayo sa unang klase natin wika ni bell!!
kaya nag mamadali sila pumasok sa loob ng university!!
maghapon naging productive Ako sa school madami kami e re-search palabas na ako ng university at nag hiwa hiwalay nadin kami mag kaibigan ng makita ko Ang Isang magarang kotse na nasa labas ng gate ng university namin pangarap ko bilihan ng ganyan Ang papa ko!!?
gusto Niya hawakan ito dahil sa na mangha siya sa kotse na yon.. kaya agad Niya nilapitan Ang kotse at nanalamin pa siya sa salamin nito!!! Wala siya maaninag sa loob kung may tao ba ito Doon o Wala!!
titignan lang naman Hindi ko naman gagalusan!!!
wow Ang ganda talaga magkano kaya Ang kotse na ito isip isip Niya!!
siguro nasa 1million aabutin ako ng ilang dekada bago makaipon ng 1million!!
natayo naman siya sa naisip na kalokohan !!
Sino kaya may ari nito siguro ay Isang ama din na nag aantay ng anak Niya galing sa university namin!!
Sana balang araw ganto din kotse Ang mabigay ko sa aking papa!!!
paalis na siya ng biglang bumaba Ang pinto ng kotse ilang sandali pa siya nagulat ng makita Ang nakaupo lalaki Doon!!!
hey miss !!! baka mabasag Ang salamin at dito kapa nanalamin!!
ay sorry po akala ko po Kasi walang tao sa loob!!!
natulala siya sa lalaki nakaupo sa driver seat kahit naka shade ito na itim ay kitang kita Niya Ang maganda nitong mata!!!
makapal na kilay at matangos na ilong makikipot na labi na mamula Mula!! maputi ito at sa palagay Niya ay makisig din ang katawan!! ang Boses nato na kahit parang galit sa kanya ay tila magandang timbre ng musika sa kanyang Tenga!!
DAY DREAMING HUH!!
nawala Ang kanyang pagkatulala oo nga at gwapo pero mukang mayabang at hambog!!!
sorry at yumuko siya ng tingin dito!!
always saying stupid sorry!!!
Wala kanaba ibang alam sabihin!!!
prunes dinig Niya mula sa kanyang likod oh Carmela classmate Niya ito at kaibigan din!! mabait at masipag din mag aral!!
lahat naman ng classmate Niya ay kasundo Niya kaya walang Hindi nakakakilala sa kanya!!!
hindi kaba sunduin ng papa mo!!
hindi ata mag biyahe na lang ako pauwi!!!
sumabay kana samin wika nito!!
san siya sasabay!!!
Carmela hop in I'm on hurry!!!
boyfriend mo tanong Niya!!
nope that is my brother!!
ah kuya mo pala bakit parang kabaliktaran ng ugali mo masungit!!
ganyan talaga yan masanay kana!!
kuya pwde ba natin isabay si prunes along our way naman Ang bahay Niya!!
bigyan mo na lang siya ng pamasahe AYOKO mag sakay ng ibang babae sa kotse ko!!
Carmela wag na ayaw ata ng kuya mo.. mag biyahe na lang ako.!! and mister yumuko pa si prunes sa harapan nito Hindi ko kailangan ng pamasahe galing sayo may sarili akong pera..
salamat Carmela see you tomorrow..
at tumalikod na ito..
ang yabang akala mo kung sino-!!
bulong ni prunes sa hanging habang nag aantay ng jeep pauwi!!
ang sungit mo naman Kay prunes she's my friend!!
what ever I don't like her!!
wag ka masyado makipag close Doon baka utuin ka lang nun !!
hindi siya ganun Ang dumi ng isip mo!!
minsan nga Simi share Niya Ang pagkain Niya sakin-!!
matalino at masipag pag aral si prunes-!!
kaya wag kang mag isip ng hindi maganda sa kanya!!
Wala ako pakialam kung masipag at matalino sya basta I don't like her..
mabilis na pinatakbi ni Adrian Ang kotse dahil sa inis na nikikipagtalo siya sa bunsong kapatid!!
ng marating Nila Ang mansyon Nila ay agad na pinababa ni Adrian Ang kapatid at sumunod din siya tumungo siya sa kwarto at Isa Isa hinubad Ang damit kailangan Niya maligo dahil init na init siya sa pakiramdam Niya..
binuksan Niya Ang pinto at tinapat sa shower.. bahagya siya yumuko at kinabig Ang faucet bumuhos nag tubig sa kanya ulo at bahagya siya napapikit nakita niya Ang muka ng babae nakausap kanina!!
classmate ni Carmela!!
agad Niya minulat Ang mata at inalog along pa Ang ulo..
this can't be!!
agad siya lumabas sa cr ng naka towel nakita Niya medjo nabuhay ng bahagya Ang sandata Niya nasa gitna ng hita..
muka pa lang ng babae na iyon ay nagkaganyan na siya pano na lang kaya kung Hindi lang Yoon Ang maisip Niya!!