Isang mala-mansiyon na bahay ang tinigilan ng sasakyang lulan ni Felicity kasama ng matandang tumulong sa kanya na hindi pa niya nakikilala ang pangalan. Mataas ang mga malarehas at de-remote nitong bakod. Pagkapark ni Mario ng sasakyan ay agad silang pinagbuksan ng pinto. Naunang bumaba ang matanda. "Salamat Mario." ani ng matanda sa driver niya. "Pakisabi na kay Manang na ihanda ang isa sa mga kwarto para sa lalagian ni.. Anong nga pala pangalan mo iha?" baling na tanong niya kay Felicity na pababa naman ng sasakyan. Ang batang namamangha pa rin ngayon sa nakikita. "Felicity po Sir." sagot agad naman ni Felicity. "Yun nga! Pakisabi na lang Mario at tsaka maghanda ng makakain." patuloy na utos ng matanda. Agad naman na tumalima ang driver sa uros ng kanyang amo. "Welcome sa bahay ko F

