Lumipas na ang isang buwan ngunit wala pa ring balita sa kung nasaan ang mga magulang ni Felicity. Minsan ay nawawalan na rin siya ng pag-asang mahanap pa ang mga ito ngunit hindi pa rin siya titigil. Alam niya sa kanyang puso a mahahanap din niya ang mga ito. Ang akala niyang magandang balita na dala ni Din Magno pagkagaling niya sa opisina niya ng umagang iyon ay tungkol sa magulang ngunit sa papeles pala nila. Binuklat niya ang iniabot na folder sa kanya ng Don. Doon nabasa niya na Sa makalawa na ang alis nila. "Oh, bakit parang hindi ka masaya, ngayong paalis na tayo?" tanong ni Don Magno sa kanya. "Wala pa rin kasing balita tungkol sa pinapahanap natin Sir,” malumanay na may bahid na kalungkutang sagot naman niya sa matanda. Halata ang lungkot at pag-aalala. "Hindi na natin pwede

