Tumuntong na si Felicity sa kolehiyo ngunit mas tumindi pa ang panlalait sa kanya. Lahat ng nakakakita sa kanya ay parang nandidiri sa kanya kung hindi naman ay nagbubulong bulungan ang mga tao.
"Ano ba yan! Saang mundo ba galing 'yan? Bakit ang mukha niya ay ganyan? Nakakatakot at nakakadiri!" 'Yan ang mga sinasabi ng mga kapwa niya estudyante kapag nakikita siya. Minsan ay parang gusto na niyang mawala na lang sa hiya at sa sakit ng mga sinasabi ng iba, mabuti na lang ay kasama pa rin niya si Marivic.
"Alam mo, huwag mo na lang sila bigyan ng pansin. Ang mahalaga ay nag-aaral ka at mataas ang mga grades mo. Kung laitin ka nman ng mga taong 'yan kala mo kagandahan! Maganda nga wala naman laman ang utak paano 'yun?" Wika sa kanya ni Marivic na may halong inis sa mga nanlalait sa kaibigan dahil napansin na naman ang kalungkutan nito.
"Minsan kasi nasasaktan na ako Marivic, ang hirap ng pangit at tratuhing salot ng ibang tao. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na huwag pansinin, dito sa puso ko ang sakit sakit na." Malungkot niyang sagot. Pinipigil ang mga luha niya.
"Nandito naman ako friend kaya huwag ka ng malungkot." Yakap naman sa kanya ng kaibigan.
"Pero teka saan mo ba kasi talaga 'yan nakuha?" Biglaang tanong ni Marivic dahil maging siya ay ngtataka kung bakit ganun ang nasa mukha ng kaibigan.
"Sabi ni Papa mayroon na daw ako nito nung bata ako, kapag tinatanong ko naman noon kung saan nanggaling 'yan lang naman ang sinasabi." Sagot niya.
Pinagmasdan ni Marivic ang parte ng mukha na 'yun ni Felicity. Walang sabi sabi na hinaplos ito na ikinagulat ni Felicity.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sabay iwas sa mukha.
"Birthmark ba 'yan? Parang kalyo kaso malambot naman."
"Sabi ngang hindi ko alam. Ano ka ba!" Sagot niya sabay ibinalabal ulit ang banda sa ulo para kagyat na matakpan ang mukha niya. Yan lang kasi ang tanging paraan para hindi gaanong kita kung anong mayroon siya.
Si Marivic lang ang kaibigan ni Felicity. Dahil sa masayahing tao si Marivic at palaban, siya ang nagiging karamay niya at tagapagtanggol sa skwela. Halos lahat ng mga tao kasi ay iniiwasan siya sa takot na mahawa sa kanyang itsura.
Minsan ay napapaisip din aiya kung bakit ganito ang kanyang itsura. Ayaw naman niyang palaging tanungin ang ama dahil alam na alam na niya ang isasagot nito. "Hindi niya alam at may ganyan na siya nung bata pa."
Tampulan man siya ng tukso hindi pa rin iyun ang naging dahilan para tumigil si Felicity, mas inigihan pa niya ang kanyang pag-aaral para ipakita sa lahat na kahit ganun man ang itsura niya ay may laman naman ang isip niya. At gusto rin niyang matuwa ang kanyang ina sa kanya na mula noong pagkabata ay malayo na ang loob sa kanya.
"Ay oo nga pala Felicity may field trip tayo sa susunod na linggo, nakapagpaalam ka na ba sa Mama at Papa mo?" Tanong sa kanya ni Marivic.
"Baka hindi na ako pumunta."
"Huh? Bakit naman?" Takang tanong ng kaibigan.
"Siguradong maa-out of place na naman ako dun noh." Sagot naman niya.
"Eh nandun naman ako paanong maOP ka? Saka pandagdag na rin 'yan sa extra curricular activities mo. Naalala mo ba na diyan ka nagkulang nung nasa second year tayo?" Paalala ni Marivic.
Napaisip si Felicity. Tama ang kaibigan, siya sana ang top one sa klasw noon kung may sapat lang aiyang grado para sa extra curriculum niya.
"Sige, magpapaalam ako kina Mama at Papa mamaya." Sagot naman niya.
Kinahapunan ay napagpasyahan.nga niyang magpaalam sa mga magulang.
"Ma, Pa may field trip pala kami sa susunod na linggo gusto ko sana magpaalam." Mahinanh wika noya habang nasa harap sila ng hapag kainan.
"Ano naman ang gagawin mo dun? Huwag ka ng sumali pa, dito ka na lang sa bahau. Tumulong ka na lang kay manang." Agad na sagot ng ina habang si Freda ay mapanuyang ngumingiti lang.
"Pero Ma, pandagdag na rin 'yun para makahabol ako sa honors." Giit niya.
"Aanhin mo ang pagiging honorol mo kung hindi mo naman magagamit 'yan 'pag naghanap ka na ng trabaho! Sino ang magha-hire sa 'yo sa itsura mo na 'yan?" May halong panlalait na singhal ng ina.
Napayuko na lang siya saka sumubo.
"Eloisa! Imbes na palakasin mo ang loob ng bata eh ikaw pa ang nagbibigay ng pagkawala niya ng tiwala sa kanyang sarili!" si Mang Miguel ang sumagot.
"Huwg mo na lang isipin ang sinabi ng Mama mo. Ako na ang nagsasabi na sumama ka." Baling sa kanya ng ama.
"Talaga Pa?" Bigla siyang nabuhayan ng loob.
Tumango lang ang matanda habang ang dalawa ay nakairap sa kanya.
"Maraming salamat po." Masaya niyang wika.
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit ng kanyang kapatid lalong lalo na ang ina niya.
Matapos ang kanilang hapunan ay tumulong na siya sa kanilang kasama sa bahay na maghugas.
"Naku Felicity ako na diyan." Saway sa kanya ni Aling Ason. Si aling Ason ang kasambahay nila mula.ng mga bata pa sila. Siya ang isa sa nagpalaki sa kanila ni Freda at itinuting ng parte ng kanilang pamilya.
"Okay lang po Nay. Para na rin makapagpahinga kayo ng maaga." Sagot niya. Nay ang tawg nila sa kanya dahil para na nila itong pangalawang magulang.
"Sige ikaw ang bahala."
"Alam niyo Nay, kailangan.magpahinga kayo ng maaga. Nagkakaedad na kayo dapat sana hindi na kayo nagtatrabaho eh." Wika niya sa matanda habang nagpupunas sila ng pinggan.
"Ako? Matanda? Sinong matanda?" Nakangiting sagot ni Aling Ason. "Alam mo 'nak sanay na ako sa trabaho saka wala na rin naman akong pamilya na uuwian. Bakit, ayaw mo na ba ako dito?"
"Naku Nay! Hindi naman po sa ganun. Ikaw na ang second Mama ko kaya hindi po mangyayari 'yun. Nag-aalala lang po ako sa kalusugan ninyo."
"Huwag mo akong alalahanin. Basta kasama ko kayo dito ay okay na ako. Dito lang ako sa inyo at gusto kong makita na maabot ninyo ni Freda ang mga pangarap ninyo."
Lumapit si Felicity sa kanya.
"Salamat Nay." Yakap niya dito. "Hayaan mo po, kapag po ako ay yumaman na, patitigilin na kita sa trabaho at ako na mag-aalaga sa 'yo. Ano sa palagay ninyo?" ngiting turan ni Felicity.
"Haha ang dami mo talagang alam na bata ka. Ano pa ba ang gusto mo aa buhay mo ngayon eh hindi naman kayo nagkukulang?"
"Siyempre 'yung sarili ko na Nay ah. Yung sariling hirap ko na ang binubuhay ko."
"Kung ganun eh kailangan mong mag-aral ng mabuti." Sagot naman ng matanda.
"Oo nga pala Nay may itatanong ako." Biglang wika no Felicity.
"Ano 'yun?"
"Nagtataka po kasi ako sa itsura ko. Bakit po sa amin ako lang ang may ganito?" Tanong niya. "Kasama ka na po nila Mama at Papa nung hindi pa kami naipapanganak kaya siguro ay alam mo po ang dahilan bakit ganito ako." Dagdag niya.
Nagulat si Aling Ason sa biglang pagtatanong na 'yun no Felicity.
"Hindi ko alam anak eh, nung ipinanganak ka ng Mama mo ay may ganyan ka na." Sagot naman ni Aling Ason na halatang hindi makatingin sa mata ni Felicity.
"Bakit daw po ako mayroon nito? Hindi po ba nila ako pinatignan sa doktor?" Sunod ulit na tanong ni Felicity.
"Pinatignan ka naman nila pero walang makita daw ang mga doktor na dahilan. Bakit bigla biglang naitanong mo 'yan?"
"Kasi po mula pagkabata ko hindi po nila masagot ang tanong ko at jindi naman lingid sa kaalaman po ninyo na lagi akong tinutukso dahil sa itsura ko." Malungkot niyang sabi.
"Alam mo Felicity pangit ka man sa paningin ng iba para sa amin maganda ka at saka mahal ka namin lalo na ang Mama at Papa mo." Pag-aalo ni Aling Ason.
"Pero bakit po barang hindi ako mahal ni Mama?"
Hindi nakaimik ang matanda. Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ngayon ni Felicity.
"Huwag mong isipin na hindi ka mahal ng Mama mo. Mahal ka nun sigurado ako. Mas maganda pa ay pumasok ka na sa kwarto mo ng makapag-pahinga ka na." Utos ni Aling Ason.
Bumuntonghininga si Felicity. Hindi man siya sigurado sa sagot ng matanda pero dahil siya ang nagsabi ay naniwala siya agad.
Nagpaalam na si Felicity kay Aling Ason. Habang papalayo si Felicity ay nakatingin lang ang matanda rito. Tingin ng pagka-awa sa batang minahal niya mula noon hanggang ngayon na nagkakaedad na.