Wave 3

1620 Words
Excited si Felicity sa fieldtrip na gagawin kaya naman maaga pa ay nakahanda na ang kanyang mga gamit. Bubuhatin na lang paglabas niya ng kanyang kwarto. Ito ang unang beses na sasama siya sa mga ganung activity ng kanilang skwela. Gusto kasi niyang umabot siya sa mga required na grades at sa extra curriculum lang siya laging nagkukulang para makaabot sa top 1, kaya napagdesisyunan niyang sumama na. Habang hinihintay ang oras ng pag-alis ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Marivic. "Ano friendship, handa ka na ba?" Laman ng mensahe ni Marivic sa kanyang cellphone. "Naku friendship kagabi pa. Excited ako sobra!" Sagot naman niya. "Sige kita-kits na lang tayo sa school mamaya huh?" "Sige." Paglabas ni Felicity sa kanyang kwarto ay nasa pintuan na ng bahay ang ama na maghahatid sa kanya sa skwela at ang ina at si Aling Ason. "Nadala mo ba lahat ng gamit mo anak?" Tanong ni Aling Ason sa kanya. "Opo Nay. Mukhang napadami ko ata eh ang laki na nang bag ko." Masayang sagot naman niya. "Ano, sigurado ka bang sasama ka diyan sa fiedtrip na 'yan?" tTanong ng ina na nasa tabi. "Opo Ma." "Alam mo naman ang mga tao. Kaya hindi ka namin pinapayagan sa mga ganyang aktibidades sa paaralan. Baka mamaya uuwi ka na namang umiiyak." May pag-aalalang wika ng ina. Sa wikang 'yun ng kanyang ina ay lihim na napangiti ang puso niya. Ramdam niya ang pag-aalala ng ina na ngayon lang niya naramdaman. Kahit na ganon kababaw lang iyon ay masaya na siya. "Huwag po kayong mag-alala Ma, ako na po ang bahala." Ngiting sagot naman niya. "Sige bahala ka." Maikling sagot ng ina tsaka tumalikod na dito papasok sa bahay. Napapangiting sinundan lang ng tingin ni Felicity ang ina. Hindi niya alam ngunti kahit na medyo may pagsusungit ang pagkasabi ng ina, pakiramdam niya ay sobra ang pag-aalala nito sa kanya. "Oh 'di ba? Sabi ko sa 'yo eh, mahal ka ng Mama mo." Bulong naman ni Aling Ason na napansin ang pagngiti nito. Ngumiti lang si Felicity sa matanda saka nagpaalam. "Kayo na po ang bahala sa kanila Nay huh?" Bilin sa matanda. "Ikaw talagang bata ka! Parang ang layu layo naman ng pupuntahan mo, dalawang araw ka lang naman mawawala." "Kahit na po. Alam niyo naman po na ngayon lang ako malalayo sa inyo ng ganito katagal." paliwanang niya. "Hala sige! Ako na ang bahala dito. Batang 'to talaga." "Sige po, Nay. Aalis na po ako." Paalam niya sa matanda tsaka tuluyan ng sumakay sa kotse.. Nang makarating sila sa skwelahan ay halos nandon na lahat ng mga kaklase nilang naghihintay. Si Marivic ay nandon na rin. "Oh mag-ingat ka doon anak huh? Kapag may problema, eh tawagan mo lang kami ng Mama mo." Giit na bilin ng ama. "Opo Papa, 'wag po kayong mag-alala." Sagot naman niya at humalik na sa ama. Hinintay muna niyang makaalis ang sasakyan ng ama bago siya lumapit sa kumpulan ng mga kabigan. Si Marivic ang una niyang linapitan. "Handa ka na?" Tanong niya dito. "Naku friendship excited na excited ako!" Sobrang galak na sagot naman ni Marivic. Nag-uusap sila ng mapansin sila ng isang grupo ng kaklase nila. "Oh my God! Sasali ang pangit na 'yan?" Eskandalosang wika ni Virgie, ang isang anak mayaman na mahigpit na kalaban ni Felicity sa pagiging magna-cumlaude sa kanilang batch. Halos mapalingon ang lahat sa kinaroroonan nila Felicity at ganun din kina Virgie kasama ang mga katulad niyang mayaman na barkada. "Eh bakit? Hindi naman sinabing bawal si Felicity dun ah!?" Si Marivic ang sumagot sa winika ni Virgie. "Hayaan mo na lang siya, Marivic." Bulong na saway n Felicity sa kaibigan. "Hayaan mong ako ang haharap sa babaeng 'yan." Matapang na sagot ni Marivic sa kanya. "Oo bawal ang pangit na makihalubilo sa mga katulad naming magaganda! Baka maisalin pa sa amin ang kapangitang dala niyan!" Sabi ulit ni Virgie sa matapang na tono na animo'y isang nakakahawang sakit ang kapangitan ni Felicity. "Hay naku Virgie! Anong silbi naman ng ganda mong ipinagmamalaki kung ang isip at kalooban mo naman ay kasing pangit ng mukha ni Felicity na sinasabi mo." Matapang na sagot din ni Marivic. "Oh my Gosh Virgie, sinasagot sagot ka ng wirdong 'yan." Sabat ng isa sa mga kaibigan ni Virgie. "Hayaan mo siya. Pareho kasi silang pangit at looser!" Mapanuyang wika ni Virgie saka tumalikod sa kinaroroonan ng dalawang magkaibigan. "Looser is your character!!" Pasigaw na sabi ni Marivic kila Virgie ngunit hindi na sila lumingon pa. "Sabi kasi sa 'yo huwag mo nang patulan eh." Malumanay na wika ni Felicity sa kaibigang nagngingitngit sa galit nang makalayo na ang mga ito sa kanila. "Akala mo naman kung sinong kagandahan. Kung wala lang yang nasa mukha mo paniguradong mas maganda ka pa sa kanya ng sampung liguan!" Sagot ni Marivic na galit pa rin. Inakbayan na lang siya ni Felicity tsaka pinakalma. Ilang sandali pa ay paalis na ang kanilang Bus patungong Tanay Rizal. Ilang oras din ang biyahe. Napagpasyahan ng magkaibigan na sa likod na lang sila uupo para hindi na sila gambalain pa ng mga mapanuring mga mata at isip ng mga kaklase nila. Hindi alam ni Felicity kung bakit ganun na langang pagtatanggol na ginagawa ni Marivic sa kanya pero ang alam niya ay mabait ito kaya ganun din ang pinapakita niya sa kaibigan. Ilang sandali pa ay narating na nila nag lugar. Kabisado na ng mga guro nila ang lugar kaya naman idiniretso na nila ang kanilang sasakyan doon. Sa isang masukal na bundok ang kanilang lokasyon kaya naman naglakad pa sila ng ilang minuto. Nang makarating sila ay kitang kita nila ang kabuuan ng maberdeng palikid na pinapalibutan ng iba't ibang puno. "Guys! Put up your tents na para may silungan na tayo tsaka tayo magstart sa mga activities natin." Utos sa kanila ng isa sa mga gurong kasama nila. Mabilis naman silang sumunod dito. ********** Habang nasa fieldtrip si Felicity ay maagang nagpahinga sina Freda at ang Mama nila. Naiwan sina Aling Ason at Papa ni Felicity sa may kusina. Si Aling Ason na ang halos nagpalaki kay Mang Rogelio mula ng mawala ang mga magulang niya. "Rogelio si Felicity nagtatanong na tungkol sa kung anong nangyari sa mukha niya." AniAling Ason kay Mang Rogelio habang nagpupunas ng mga pinggan at nagyoyosi naman ang isa. "Anong sabi mo sa kanya?" "Wala, sinabi ko na hindi ko alam. Hanggang kailan mo ba balak ilihim sa kanya ang dahilan ng pagkakaganon niya?" "Manang, hindi pwedeng malaman ni Felicity ang tungkol dito. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano ang bata at tsaka mukhang naniniwala naman siya sa mga sinasabi natin." "Pero nagtatanong na siya at habang nakakaedad na siya ay mas lumalawig na ang isip at mundo niya, lalo pa sa pinapakita ng asawa mo." May bahid sama ng loob na sabi ni Aling Ason. "Maayos naman ang trato ni Melda sa kanya ah." "Maayos? Nararamdaman nga ng bata na malamig si Melda sa kanya. Paano na lang kapag nawala na ako o ikaw, sino na lang ang dadamay sa bata?" "Manang, malayong mangyari na mawala ako na hindi maayos ang lagay ni Felicity. Tsaka , paano ko sasabihin sa bata na napulot lang natin siya noon sa kakahuyan?" Kunit noong sambit ni Mang Rogelio. Napabuntong hininga si Aling Ason at bumalik sa kanyang ala-ala ang gabing iyon. ******FLASHBACK********* "Uhaaaaa! Uhaaaa!" Iyak ng isang bata ang dinig na dinig ni Aling Ason sa kakahuyan habang naglalakad siya pauwi sa bahay ng mga among sina Rogelio at Melda. Ginabi kasi siya sa daan galing sa kanyang pamilya sa kabilang baryo. Nasa isang probinsiya sila nakatira. Palinga-linga si Aling Ason at hinahanap ng kanyang pandinig kung saan galing ang iyak ng bata. "Uhaaaaaa!! Uhaaaaa!" Paulit-ulit na iyak ang naririnig niya sa 'di kalayuan. Noong una ay may pangamba at takot siya sa naririnig dahil gabi na ay may mga sabi-sabi ng mga matatanda tungkol sa mga malgno o tiyanak sa paligid. Ngunit parang magnet ang palahaw ng sanggol na 'yun na humihila sa kanya papalapit. Paunti-unting lumalapit siya sa kinaroroonan ng pag-iyak hanggang sa nakikita na niya ang banda kung saan nakalagay ang bata. Nakapatong ito sa may damuhan at tanging ang saplot lang nitong lampin ang nakasuot sa kanya. "Diyos na maawain! Sinong nilalang naman ang mag-iiwan ng bata dito sa kakahuyan na ito." Nasambit niya habang pinagmamasdan ang batang pumapalahaw sa iyak. Dahil sa sinag ng buwan ay agad niyang napansin ang mukha ng bata. May itim ito at bahagyang nababalutan ng balahibo ang itim sa kanyang mukha. Sa unang kita niya ay kinabahan siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Akmang tatakbo na sana siya ngunit biglang tumigil ang bata ng makita siya. Para na itong maamong tupa na isinisipa sipa ang mga paa atkamay na animo'y gustong magpakarga sa kanya. Natigilan si Aling Ason. Lumapit siya dito at agad na binuhat ang bata. Isang batang babae. Naawa siya dito kaya napagpasyahan niyang kunin na at iuwi sa bahay ng kanyang mga amo na taman tama naman ay hindi magkaanak anak sa ilang taon na nilang pagsasama. “Iu-uwi na kita huh? Kawawa ka naman eh." Wika niya sa sanggol habang karga karga niya ito. Para ring nakahanap ng bagong ina ang bata dahil lalo itong naging magiliw. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD