Wave 4

1643 Words
Karga-karg ni Aling Ason ang batang napulot niya sa kakahuyan pa-uwi sa bahay ng among sina Rodrigo at Eloisa. Pagdating niya sa pintuan ay kumatok siya agad. Si Eloisa ang nagbukas para sa kanya. "Oh manang, mukhang ginabi ka ah?" Tanong ni Eloisa. "Pasensiya na Eloisa,” sagot nito habang kalong ang isang bata na tahimik lang sa kanyang mga bisig. "Kaninong anak yang dala-dala ninyo?" Napansin ni Eloisa ang karga ni Aling Ason. Sa pagkawari iya ay isang sanggol. Bago sumagot ay pumasok muna sila para makapag-usap ng maayos. "Ang totoo niyan Eloisa, napulot ko siya sa may kakahuyan. Naawa ako kaya dinala ko na." Sagot ni Aling Ason habang tinatanggal ang nakabalot na tela sa bata. "Diyos pursanto naman!” Biglang napalakas ang boses ni Eloisa sa gulay. “Sinong ina ang mang-iiwan ng anak sa kakahuyan? Mahabaging diyos." dagdag niya habang nakatitig sa sanggol. Dahil sa walang anak ay dali daling lumapit sa kargang bata ni Aling Ason para kargahin. Ngunit, napatda siya ng makita ang itsura ng sanggol sa mga bisig ng matanda. "Diyos ko! Manang! Anong klaseng maligno yang inuwi mo dito sa bahay?!" Bulalas niya habang paatras palayo. Hindi siya makapaniwala sa itsura nito. "Eloisa, hindi ito maligno. Batang sanggol ito. Tignan mo ang amo ng mukha." kalma din ni Along Ason sa amo. "Maamo? Ano yang nasa mukha niya? Baka naman anak ng maligno yan Manang?" Nanlalaki ang mata ni Eloisa at napapaatras pa. Napabuntong-hininga si Aling Ason. Hindi niya tuloy maipagpilitana ang sinasabi dahil amo niya ang kausap. "Ibalik mo 'yan doon manang!" Utos nito sa kasambahay. Hindi siya makapaniwala na nag-uwi ito ng maligno at hindi siya makakapagyag na magtagal pa ito sa kanila. Narinig naman sila ni Rodrigo na kasalukuyang nasa loob ng kwarto. Agad niyang linabas ang dalawa para tignan kung ano ang nangyayari. "Ano ba ang nangyayari dito?" Tanong niya sa dalawa. "Rodrigo! Tignan mo naman ang dala ni Manang na bata? Nakakatakot ang itsura!" Ani Eloisa na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Tanging pagyuko lang ang ginawa ni Aling Ason. Alam kasi niya na ganon ang magiging reaction ng mga ito. Lumapit si Rodrigo para tignan ang bata at maging siya ay nagulat din. "Kaninong anak ba ito Manang?" Malumanay niyang tanong habang nakatitig sa tulog na tulog na supling. "Sa totoo lang, eh napulot ko lang siya sa kakahuyan,” panimula ni Aling Ason. LNaawa ako kaya dinala ko na kaysa naman lapain ng kung anong hayop doon kawawa naman at tsaka tignan mo oh, mukhang mabait." dagdag pa niya at subukang ilapit ang bata sa among lalaki. Dahil sa matagal nang nangungulila ng anak si Rodrigo ay hindi siya nag-atubiling kargahin ang bata. Dahan-dahan niya itong binuhat sa kanyang mga bising. Parang naaaliw naman ang bata sa pagkakakarga sa kanya dahil nangingiti ito habang sinusubo ang kanyang hinlalaki. Lubos na natuwa si Rodrigo. "Rodrigo! Anong ginagawa mo?" Tanong ni Eloisa na may bahid takot sa mukha. "Tignan mo oh, parang gustong gusto ang pagkarga ko. Tignan mo Eloisa." Natutuwa niyang sagot habang aliw na aliw siya sa sanggol. Hindi na niya pinansin ang nasa mukha ng bata dhil maging siya ay nagiliwan dito. "Kawawa ka naman. Gusto mo ako na lang ang Papa mo?" Sambit niya sa bata na animo'y naghihintay na sagutin siya nito. "Rodrigo!" Tutol ng asawa. Isang mumunting tinig ang lumalabas sa labi ng bata na parang nagsasabing sumasang-ayon siya sa wika ng kumakarga sa kanya. Hindi tuloy napigilan ni Rodrigo na lalong matuwa dito. Biglang padabog na iniwan sila ni Eloisa na pumasok ito sa kanilang silid. Hindi niya kayang matanggap na kukupkupin nila ang sanggol na pangit. "Manang pakarga muna siya. Kakausapin ko lang ang asawa ko." Aniya saka iniabot ang sanggol kay Aling Ason. "Kung ayaw niya, iuwi ko nlang siya sa bahay para alagaan ng mga anak ko. Naaawa din ako na ibalik siya kung saan ko siya nakiha." Malungkot na sambit ni Aling Ason. "Hindi. Tayo ang mag-aalaga sa kanya." Sagot naman niya. Tinungo niya ang kwarto nilang mag-asawa para kumbinsihin ito. "Eloisa mag-usap tayo." Bungaf niya. "Ayaw ko sa batang 'yun. Paano kung kamalasan ang dala niya? Paano kung anak pala 'yon ng maligno?" Sunod sunod na tanong ni Eloisa tanda ng matinding pagtutol nito. "Eloisa, pagkabuhat na pagkabuhat ko sa bata ay naramdaman kong mabait siya. Ilang taon na tayong nagsasama pero hindi pa rin tayo magkaanak anak. Baka ito na ang paraan ng diyos na maranasan nating magkaanak sa pamamagitan niya." Paliwanag niya. "Pero Rodrigo......" "Paki-usap Eloisa" Putol niya. "Para na lang sa akin." Nag-isip muna ang ginang. Minsan ay nagtataka rin siya kung bakit hindi sila magkaanak anak na mag-asawa at nararamdaman din niya ang kagustuhan ng asawa ng isang anak. Bumuntong hininga ito. "Sige, pero hindi ko maipapangakong matatanggap ko ng buo ang batang 'yan!" Wika niya. Napayakap sa tuwa si Rodrigo sa asawa sa pagbibigay sa kahilingan niya. Mabilis siyang bumaba sa kwarto patungo sa batang dala dala ni Aling Ason at sumunod naman ang asawa. Agad niya itong binuhat at tuwang tuwa na kina-usap ang sanggol. "Mula ngayon, ako na ang Papa mo." Magiliw niyang sabi sa bata habang kargakarga niya. Kitang kita ni Eloisa ang kasiyahan ng mister kaya kahit labag sana sa kalooban niya ay tinanggap niya ang bata. "Ano pala ipapangalan natin sa kanya?" Naitanong ni Rodrigo. "Habang karga karga ko ay may nakita akong naisulsi sa kanyang lampin "FELICITY" ang nakalagay." Sagot ni Aling Ason. Agad naman nila hinanap kung nasaan iyun at ayun nga, nasa malapit sa laylayan ng damit. Napatango si Rodrigo ng makita iyun. Napagpasyahan nila na iyun na ang ipangalan sa bata. Lumaki at nagdalaga si Felicity na hindi nila nalaman kung sino talaga ang mga magulang nito. ******END of FLASHBACK****** Napapailing si Aling Ason sa pagkaalala sa pinagmulan ni Felicity na hanggang ngayon ay hindi pa nila nalalaman at hindi rin nila balak sabihin. Napamahal na sa kanila ang bata lalong lalo na sa amang itinuring nito. SA KABILANG BANDA. Abala ang lahat sa unang umaga nila Felicity sa fieldtrip ngunit ang simoy ng hangin at ganda ng paligid ang nakakawala ng pagod nila mula sa magdamag. Matapos silang mag-agahan ay gagawin nila ang una nilang ipinunta dito, ang tree planting. Lahat sa kanila ay kukuha ng bawat partner nila. Napagpasyahan nila ni Marivic na sila ang magkasama ngunit hindi pwede dahil dapat daw lalake at babae. Dahil na siguro sa itsura niya ay walang lalakeng gustong makasama siya. Lahat iniiwasan siya habang nagpipilian ng kasama. Napapayuko na lang siya habang pinagtatawanan siya ng grupo ni Virgie na hindi niya malaman kung saan nagmula ang galit dito. Siya na lang ang walabg kasama kaya naman ang natitirang lalake sa kanilang klase na wala pa ring partner ay sa isa't isa bumagsak. Si Darwin, ang tahimik, mahiyain at hindi napapansin sa klase. "Tanan tama na sila ang magkapartner! Parehong mga hindi kagandahan ang makikita sa kanila!" Bulalas ni Virgie. Napayuko na lang si Felicity dahil sa kantyaw at tawanan sa kanila. "Hi, ako ng pala si Darwin. Hayaan mo na sila mga walang magawa lang ang mga 'yan." Aniya kay Felicity. "Hindi ko na siguro kailangang sabihin kung ano pangalan ko dahil kilala naman ako dahil sa pangit kong itsura." Malungkot na sagot ni Felicity "At tsaka alam ko din pangalan mo noh iisang klase lang kaya tayo." "Baka kasi hindi mo ako matandaan. Alam mo ganyan din ang nangyayari sa akin noon, kinukutya, at pinagtatawanan pero hinahayaan ko lang kasi wala namang maidudulot na maganda kung papatulan mo." Payo ni Darwin. Napangiti si Felicity sa kasama dahil para itong Papa niya kung magsalita. ***** Naging madali ang ginawa nilang tree planting dahil naging at ease si Felicity kay Darwin. Hindi kasi niya naramdaman ang pandidiri sa kanya o takot dahil sa kanyang nasa mukha. Dumating ang tanghalian kaya nagpahinga na sila para na din kumain. "Uy! Kamusta kayo?" Tanong ni Marivic pagkalapit sa kinau-upuan nina Felicity at Darwin. "Okay lang naman. Enjoy din pala ang ganito." sagit ni Felicity. "Bakit, unang beses mo ba ito?" tanong ni Darwin. "Oo eh.Hindi ako sumasama dati. Umiiwas kasi ako sa mga tukso ng tao." sagot niya. "Aaaaahh. Kaya pala. Hindi mo naman kailangan na laging umiwas na lang sa mga tao. Wala na silang magagawa kung anuman ang mayroon kang itsura." pampalubag loob ni Darwin. Habang naririnig ni Maricic ang turan ng lalake ay napapangiti siya. May kagaya din pala siyang malawak ang pang-unawa tungkol sa kalagayan ng kaibigan.. "Alam gusto kita. I mean gusto ko yang mga sinasabi mo. Open-minded ka hindi kagaya ng mga tao dito na kung manlait eh akala mo na kung sino." ani Marivic. "Alam ko kasi ang pakiramdam ng i-bully ng iba kaya hanggat maaari ay ayaw kong maramdaman ng iba." sagot naman niya. "Bakit ka naman nila ibu-bully? Wala naman mali sa mukha mo?" tanong ni Marivic. "Wierdo daw ako dahil sa kapal ng salamin at ang pananamit ko eh ganito talaga ako eh. Hindi kasi ako naimik masyado." paliwanag niya. Nakikinig lang itong si Felicity sa dalawa. Naiisip niya, gusto niya ang way of thinking ni Darwin at hindi malayong maging magkaibigan silang dalawa. Sa mga natitirang araw nila sa fieldtrip ay silang tatlo nila Marivic at Darwin ang magkakasama at magkaka-usap. Tukso ang inaabot nila pero hindi na lang nila iyun binigyan ng pansin. Tama ang dalawang kaibigan, kapag pinapansin ay lalo lang nilang mas gawin. ●TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD