Naging successful ang fieldtrip na ginawa ng klase ni Felicity hindi lang dahil sa naranasan niya kundi dahil nag-gain din siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Darwin. Sa ilang araw nilang magkakasama ay naging maa malapit sila sa isa't isa pati na rin kay Marivic.
Bago sila umuwi isa-isa ay nagpaalam muna itong si Darwin sa kanila.
"Maraming salamat sa company sa fieldtrip huh. Nag-enjoy ako lalo." ani Darwin sa kanila.
"Kami nga dapat magpasalamat sa 'yo dahil ikaw ang naging kasakasama namin ni Marivic." sagot naman ni Felicity.
"Sige. Kitakits ulit sa school bukas." at umalis na si Darwin. Pinagmasdan lang ni Felicity ang bagong kaibigan saka naman ito hinintay ang ama na susundo sa kanya.
Nakasid siya sa mga tao sa paligid. Ito iyong namimiss niya. Ang makasalamuha ang ibang tao kahit na minsan ay kinukutya siya. Makalipas pa ang ilang sandali ay dumating na ang Papa niya dala-dala ang kanilang sasakyan.
"Kamusta ang fieldtrip niyo?" tanong ng ama pagkababa na pagkababa niya ng sasakyan.
"Enjoy pala Pa." masayang sagot niya habang palapit ang ama.
“Mabuti naman at nag-enjoy ka anak. Akin na ‘yang mga gamit mo.” Binitbit niya ang mga ito at inilagay sa likurang bahagi ng sasakyan.
Sa harapang bahagi naman umupos si Felicity. Matapos mailagay ang kanilang mga seatbelt ay Agad naman na pinaharurot ng ama ang kanilang sasakyan. Ilang minuto pa ay nakarating na sila. Ang ina ang una niyang nabungaran pagpasok na pagpasok niya ng bahay.
“Namiss ko po kayo Ma." masayang wika niya dito.
"Sige. Magpahinga ka na." sagot ng ina na parang hindi binigyang pansin ang pagsabi niyang miss niya ito. Hindi naman binigyan ng kahulugan ni Felicity iyun dahil nasasanay na siya sa ina, bagkus ay sumunod kaagad siya.
Nakita ni Rodrigo ang ginawa ng kanyang asawa. "Eloisa, bakit ba ganyan na lang ang turing mo sa bata? Dalaga na ah ganyan ka pa rin." saway sa kanya ng asawa ng makalayo si Felicity.
"Alam mo na ang dahilan kung bakit." iksing sagot niya.
"Hanggang ngayon ba eh hindi mo pa rin matanggap dahil sa kanyang itsura? Eloisa isipin mo sa ilang taon na pagsasama natin hindi tayo nabiyayaan ng anak peri nung dumating siya ilang buwan lang nabuntis ka na. Hindi mo pa ba masasabing swerte siya sa atin? Ang bait naman niya na anak."
"Rodrigo. Kahit kailan hindi ko talaga yan matatanggap pero dahil sa mahal mo siya, ginagawa ko ang lahat para hindi siya saktan kaya pwede ba? Tigilan mo ako sa mga sermon mo." may bahid galit naman niyang sagot.
Napabuntong hininga na lang si Rodrigo sa wikang iyun ng asawa. Pagkalipas ng ilang taon ay hindi pa nga niya natatanggap si Felicity.
********
Naging mas malapit naman sina Felicity at Darwin. Sa skwela ay lagi siyang nilalapitan ng lalake para makipagkwentuhan sa kanila ni Marivic. Natutuwa naman ang dalawa dito dahil sa angking kabaitan ng lalake.
Makalipas ang ilang buwan ay nagulat na lng si Felicity ng manligaw si Darwin sa kanya. Noong una ay nagtataka siya dahil bakit siya ang liligawan samantalang wala naman.siyang itsura.
"Darwin, baka nalilito ka lang o nibigla?" tanong niya sa lalake.
"Hindi. Gusto talaga kitang ligawan at sana hindi mo ako iturn down." sagot naman ni Darwin.
Umiling-iling si Felicity. "Alam mo na kung ano ang magiging resulta nito kapag nagkarelasyon tayo. Lalo lang tao tutuksuhin at lalo lang akong pagtitsismisan ng mga kaklase natin."
"Hanggang ngayon ba sila pa rin ang iniisip mo? Sarili mo naman ang isipin mo hindi lang ang ibang tao." giit ni Darwin.
"Pag-iisipan ko muna." tanging nasagot na lang niya.
Nang magkita sila ni Marivic ay ikinwento niya ang pinag-usapan nila ni Darwin.
"Eh bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon.Mabait naman yung tao saka nirerespeto ka naman." payo ni Marivic.
"Pero ano na lang ang asabihin ng mga tao?"
"Mas importante pa ba ang sasabihin nila?Kung may nararamdaman ka naman sa kanya then, why not give a chance malay mo mgwork."
"I told him na pag-isipan ko muna." sabi niya.
Pag-uwi sa bahay ay kumain siya kaagad saka tumulong kay Aling Ason sa kusina na lagi niyang ginagawa. Nagiging magaan ang trabaho ng matanda kapag nandiyan siya na tumutulong.
Matapos niyang tumulong kay Aling Ason ay pumasok siya agad sa kanyang kwarto. Pabagsak na humiga sa kama saka inisip ang sinabi ni Darwin. Napapangiti aiya dahil sa edad niya ay ngayon lang siya nagkaroon ng lalakeng gusto siyang ligawan.
Mabait naman si Darwin, hindi tinitignan ang oanlabas niyang anyo at lalong hindi siya hinuhusgahan nito. Mga katangiang iyun ang gusto niya sa lalake at hindi rin niya maitatanggi na nahulog din ang loob niya dito mula nung mga araw na naoapalapit sila sa isa't isa.
Kinabukasan ay nadatnan ni Darwin si Felicity na nakaupo sa isa sa mg bench sa may lilim ng kahoy sa kanilang skwelahan. Dahan dahan niya itong linapitan at umupo sa kanyang tabi.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya
"Ah wala. Nagrereview lang para sa exam natin bukas." sagot naman niya.
"Ang sipag mo naman. Bukas pa naman 'yan so mag-usap muna tayo."
"Tungkol saan?" namumula na ang pisngi niya sa hiya dahil alam na niya ang ibig nitong sabihin.
"Tungkol sa sinasabi ko sa 'yo." sagot naman ni Darwin.
Bumuga muna ng hangin si Felicity bago sagutin ang tanong ni Darwin..
"Sige, payag akong manligaw ka pero hindi ko ipapasigurado sa 'yo na sasagutin kita huh?" sagot niya.
"Talaga? Yes!" halos mapatalon si Darwin sa sinagot niya. Yayakapin sana niya ang dalaga ngunit pinigil siya niti.
"Hep! Hep!" sangga niya s kanyang kamay.
"Ay sorry. Nakcarried away lang."
Ilang linggo din na sinusuyo suyo siya ni Darwin. Minsan ay binibigyan siya ng kung ano ano para lang mapangiti siya. Minsan din ay sila lang ang magkasama na parang sinasadya ni Marivic na bigyan sila ng oras na dalawa.
"Malapit na tayong magtapos sa kurso natin. Hindi mo pa rin ba ako sasagutin?" pangungulit ni Darwin sa kanya habang nasa lilim sila ng isang puno. Nakahiga si Felicity sa damuhan habang nakapatong ang ulo sa lap Darwin.
"Nagmamadali ka ba?" ngiting balik-tanong naman niya.
"Siyempre gusto ko maging tayo na kapag magtapos na tayo. May panghahawakan na ako pag nasa labas na tayo ng school." sagot naman ni Darwin.
Bumangon si Felicity at hinarap si Darwin.
"Mabait ka, matalino at alam kong mahal mo ako, wala na akong mahihiling pa sa 'yo. Kaya sige, tinatanggap ko ang inaalay mong pagmamahal." wika ni Felicity.
"Talaga? Tinatanggap mo na?" hindi makapaniwalang tanong ni Darwin.
Matamis na ngiti at tango ang sagot ni Felicity.
Napayakap ng wala sa oras si Darwin dahil doon.
"Thank you. Maraming salamat. Hindi ka magsisisi.".tanging nasambit niya.
Sinuklihan naman ni Felicity ang mga yakap ni Darwin.
Masaya nilang ibinalita kay Marivic ang kanilang relasyon at kagaya ng inaasahan ay sobrang saya ng kanilang kaibigan.
"Nakuuu!! Sa totoo lang ay kinikilig na akooo." wika ni Marivic. "Sa wakas! May lablayp na ang kaibigan ko!" patuloy niya.
"Salamat Marivic. Pero sana huwag mo na idaldal huh? Alam mo naman mg kaklase natin. Kapag naggraduate na tayo siguro pwede na." ngiting paki-usap ni Felicity.
"Sige.. Sige.. Aaaaah.. Congrats my friend." napayakap si Marivic s kaibigan habang nangingiti lang si Darwin sa tabi.
Habang nasa bahay ay pansin na pansin ni Aling Ason ang ngiti ni Felicity.
"Mukhang masaya ang dalaga namin ah?" tanong niya dito.
"Palagi naman ako masaya Nay." sagot niya.
"Alam ko pero iba ang saya mo ngayon s totoo lang. Anong mayron?" pangungulut ng matanda.
"Wala po." nahihiya niyang tanggi.
"May inililihim ka na sa akin huh?" tampong wika ng matanda.
"Nay naman. Ganito kasi...." aniya tapos tumigil.
"Ay naku! May nililihim na nga. Dali ikwento mo na." pumilit ni Aling Ason.
"May boyfriend na po ako!" walang sabi-sabing bulalas niya na animo'y sobrang galak.
"Ano? May boyfriend ka na?" napalakas na tanong ni Aling Ason dahil sa gulat.
"Uummmm.. Mmmmmmm.." tango niya.
"Dalaga na talaga ang alaga ko. Akalain mo may nobyo na." nasambit na lang ni Aling Ason sa tuwa.
Narinig naman sila ni Freda.
"Ano? May boyfriend ka na? Sino naman ang malas na lalakeng 'yan?" sarkastikong tanong ni Freda.
"Freda!" saway ni Aling Ason.
"Bakit Nay? Totoo naman ah. Sa mukha niyang 'yan sino ang magkakagusto diyan?" walang prenong turan ni Freda.
Napayuko na lang si Felicity dahil sa tinuran ng kapatid.
"Minsan mag-isip-isip ka din." wika ulit ni Freda sa kanya.
"Mahal ako ni Darwin kahit ganito lang ang itsura ko." matapang naman niyang sagot.
"Mahal ka? Paano ka niya mamahalin sige nga?"
"Freda, huwag mo naman ganyanin ang at mo. Hayaan mo na lang siya sa kung anong mayroon siya. Masaya naman siya kaya huwag ka nang kumontra." saway ulit ni Aling Ason.
"Hay naku! Bahala kayo diyan." sagot ni Freda saka umalis sa kinaroroonan ng dalawa.
Mangiyak-ngiyak si Felicity dahil sa mga binitawang salita ng kapatid.
"Huwag mo na lang pansinin yun anak. Maging masaya ka lang saka isipin mo na lang ang pagmamahalan ninyo ng boyfriend mo." pag-aalo ni Aling Ason.
Bumuga ng hangin si Felicity.
"Hayaan niyo po Nay, papatunayan ko na mali lahat ng sinabi niya." turan naman niya saka yumakap sa matanda.
●TBC