Naging mabuti naman ang naging relasyon nina Felicity at Darwin 'yun nga lang ay lihim sa skwela. Tanging ang pamilya lang ang nakakaalam at si Marivic na bestfriend niya. Ginawang inspirasyon ni Felicity si Darwin at dahil doon ay mas lalo pang tumaas ang mga grado. Naungusan niya si Virgie na mahigpit niyang kalaban sa pagiging Magna Cumlaude. Nang malaman iyun ni Virgie ay nagngangalit siya sa galit. Halos gusto niyang sugurin si Felicity. "Aaaaaaah!! Natalo ako sa isang pangit nakagaya niya?" galit na galit na wika ni Virgie sa mga kaibigan. "Hahayaan mk na lang ba na maungusan ka sa lahat ng bagay ng pangit na 'yun?" sulsol pa ng isa sa mga kaibigan. "No way! Makikita niyo. Ipapahiya ko ang babaeng 'yan isang araw." inis na sambit ni Virgie. Halos magsalubong ang mga kilay niya.

