Chapter 6: Congratulations!

1216 Words
*Briannah Cassandra* “Good morning, beautiful Cass.” Bati sa akin ng isang hator. Este! Katrabaho kong mahilig magpa cute sa akin mukha naman kalaban ng mga kawal sa Encantadia! Chariz! “Ahm, good morning din handsome!” Pangiwi kong bati. Syempre kailangan muna makisama bago pa lang eh. Pumwesto na ako sa aking cubicle habang naka sunod naman yung hator sa akin. Actually, may itsura naman si Billy pero ewan ko ba! Parang ibang mukha talaga ang hinahanap-hanap ko. “Good morning!” bati ko sa aking katabi s***h ka-chismisan ko. “Ayy, good morning din ses! Andiyan ka na pala. Ito pala yung mga paper works natin today. Medyo batak tayo today, pero laban lang!” Masiglang bati niya sa akin. Tsk. Parang nadiligan kagabi. Ano ba yan naiinggit na naman ako. Letseng Kel kasi yun eh. Ginayuma ata ang beauty ko! “Inaantok pa ako, parang gusto ko na umuwi at matulog mag hapon” Wika ko kay Alice. “Ayan tayo eh. May ka-trabaho talaga tayo na papasok lang para sabihin na gusto na niyang umuwi.” Parinig naman sa akin ni Alice. Inirapan ko na lang siya. May pagka prangka lang ang bruhilda na ‘yan pero mabait naman yan. Hindi naman na ngangagat. Ibang-iba talaga pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Parang lagi akong may gusto na hindi ko maintindihan. Laging masakit ang ulo ko at nahihilo. Kinulam na siguro ako ng Maria Elisse kabit na ‘yun. Tsk. Parang pagod na pagod ako ngayong araw. Malapit na kami mag out pero parang hindi ko na kakayanin pang umuwi. Balak ko sana magpa check-up ngayon dahil dito sa mga nararamdaman ko. Pinilit ko na lang tumayo at iligpit ang mga gamit ko para makapag out na. “Cass!” “Cassandra!” Mga huling narinig ko bago nag dilim ang paningin ko. “Tigilan mo nga kakatitnigin mo diyan sa salamin.” “Grabe ang cute cute ko talaga!” “Tsss! Kapal ng hator na ‘to.” “Ano yun?” “Wala!” “May tanong ako sa ‘yo” “Ano na naman?” “Pag gumulong gulong ba ako, ang tawag dun pai-cute i-cute? Kausapin mo kasi ako!” “Nyusko po! Pigilan niyo ko, sasakalin ko na ang hator na ‘to!” “HAHAHAHAHHAHA. Ito naman init agad ng ulo!” Narinig kong bardagulan ni Alice at Billy. Napa linga naman ako sa kapaligiran. Nasa isang kwarto ako. Palagay ko ay isang clinic. Agad naman lumapit sa akin si Alice pagka kita para alalayan ako umupo. “Anong nangyari? Sa pag kakaalala ko pauwi na dapat tayo.” “Bigla ka na lang hinimatay kanina. Pansin nga namin sa’yo na lagi kang maputla.” Si Alice. “Ano daw findings sa akin?” “Hindi pa nabalik ang doctor Cass. Pero nakuhaan ka na niya ng blood sample. Mamamaya malalaman natin.” Si Billy. Nag kwentuhan muna kami hanggang sa dumating ang doctor. “Hi! I’m doctor Dizon. Kamusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba or may strange feelings ba?” “Nahihilo na lang po dok. Ano ho bang sakit ko?” kinakabahan kong tanong. “Base sa result ng blood test mo, wala ka namang sakit pero…” “Pero ano dok? Sabihin mo! Tapatin mo kami dok! Mag salita ka dok!” Parang tangang sabi ni Billy -_- Agad naman binatukan ni Alice si Billy. “Ouchhh! It hurts!” “Tumahimik ka nga muna diyan! Napaka OA mo!” Kulang siguro sa bakuna ‘to nung bata pa. Tsk! “HAHAHA kayo talaga. So, ito na nga. Wala ka naman sakit Ms. Manlapaz pero nag dadalang tao ka. I suggest, you consult to an OB Gyne para mas mabigyan ka right medication. Bibigyan kita ng referral.” I was shocked! Hindi ako makapaniwala! Pinaghalong kaba, saya at excitement itong mga nararamdaman ko ngayon. Akalain mo yun? Isang gabi lang pero pasok sa banga! My gasshhh! That plus size talong of Kel! Na discharge na rin naman ako kaagad at kinabukasan ay hindi muna ako pumasok sa opisina para makapag pa check-up sa OB at makapag pahinga. Advice na rin ng doctor sa akin kanina. “Two heart beats. Congratulations! You’re having twins!” “Oh my! Really doc? Are you sure?” “Yes, 101% sure!” Omg! Grabe! Hindi ako makapaniwala. Samantalang noon hirap na hirap ako mabuntis tapos ngayon nabigyan ako agad ng dalawa! Ang lupit talaga ng plus size talong ng lalaki na ‘yun! Mga four to five months pa daw bago malaman ang gender ng mga baby ko. Sa ngayon, mag-aantay pa ko ng two to three months. I’m so excited! “Oh, God! Salamat! Salamat! Sobrang salamat sa napaka gandang blessings!” Walang akong ibang bukang bibig kundi pasasalamat. What a wonderful miracle! Indeed, nothing is impossible. Nawala man sa akin ang lalaking minahal ko, nagkaroon naman ako ng dalawang mamahalin ko habang buhay at mamahalin din ako ng tapat at totoo. “Mga anak, promise sa inyo ni mama na gagawin ko lahat para mabigyan kayo ng magandang buhay. Sa inyo ko ibubuhos ang buong pag mamahal ko.” Naluluha kong sambit habang hinihimas ang aking tiyan. I’m so happy. Nag uumapaw sa saya ang puso ko. “Basta ninang ako niyang babies mo ha!” Nakangusong sambit ni Alice. “Ako din ninong nila. Pwede din namang maging daddy nila” Sabi naman ni Billy. “Naku, hindi ka papasang daddy ng mga baby niya. Isa ka lang hator at si Cassandra naman ay isang maharlikang Diwata. Tse!” “Ito naman si Imao nag seselos agad. Wag ka na mag selos!” Natawa naman akong bigla sa pag tatalo ng dalawang ‘to. Hmm… I smell something fishy. Dinalaw nga pala nila ako dito sa apartment ko. Nangupahan muna ako ngayon simula ng bumalik ako galing Cabilao island. At pumunta lang sila dito para mag talo sa harap ng buntis. Tsk. Hindi pa kasi mag aminan eh! “Wag na kayo mag talo diyan, parehas ko kayo kukuning pangalawang magulang ng mga anak ko baka sakaling magka tuluyan na kayo. Haha” “Huyy, Briannah Cassandra! Bunganga mo naman pasmado!” Nag mamaktol na wika ni Alice. “Bakit? Bagay naman kayo ah? Naku bawas bawasan mo yang katarayan mo kay Billy ha? Sige ka baka ma-inlove yan bigla kay Ellenah.” Pang aasar kong turan sa kaniya. Noon ko pa napapansin na may gusto si Alice kay Billy. Ka-opisina din namin si Ellenah. Maganda at very jolly. Ewan ko ba parang familiar sa akin ang mukha niya. Parang nakita ko na siya noon. Ah, basta hindi ko na maalala! Ganito ata talaga pag buntis, nagiging makakalimutin! Nakangisi naman ngayon si Billy kay Alice. Napa ismid naman sa kaniya si Casseopea este si Alice. Ano ba yan! Naka tulala ako ngayon dito sa loob ng kwarto ko habang nag mumuni-muni sa mga nakaraan. Napapa isip ako kung sino kaya yung mystery sender na ‘yun? Ano kaya ang totoong motibo niya at bakit lagi niya sa akin sinasabi ang pag kikita ng ex ko ng kabit niya? *** “A baby is a miracle that never ceases to be miraculous.” – Dean Koontz End of chapter 6…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD