I Got Pregnant by Mr. Stranger:
The Miracle Babies
*Briannah Cassandra*
Four months na ngayon ang kambal ko. Kasalukuyan akong andito sa mall para mamili ng ilang pirasong gamit nila. Habang abala ako sa pag tingin-tingin sa mga gamit ng kambal ko, mayroon na lamang biglang nag salita sa tabi ko.
“Briannah? Ikaw ba yan?”
Nilingon ko siya. Isa siya sa mga dati kong katrabaho. In place where I feel betrayed.
“Elvisa?”
“Ahm, buntis ka?”
Stating the obvious? Char! Syempre sa isip ko lang yun. Naka tago sungay ko ngayon.
“Ah, yeah!”
“S-si Kurt ba ang ama?”
Nginitian ko lang siya. Hahayaan ko lang siya kung ano gusto niya isipin. Hindi ko kailangan magpa liwanag sa kanila.
“Ahm, pasensya na kung natanong ko. Hindi naman sa nakiki-chismis ako. Wala kasi ako ibang naiisip na Pwedeng maging ama kasi si Kurt lang naman ang alam naming naka relasyon mo.”
Pwes! Nagkakamali sila! Kaya ko rin maka kilala ng ibang lalaki. Hindi lang kay Kurt umiikot ang mundo ko. Mga echoserang frog!
“Kamusta na sa opisina nyo ngayon?” Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya.
“Ah, eh, ganun pa din. Nagpa kasal na nga pala si Kurt at Elisse. Balita ko buntis na rin siya, mga four months na siguro. Baka lang naman gusto mo malaman. Wala naman ako ibang intsensyon.” Mahabang paliwanag niya.
“Eh di, good for them. Atleast natupad na ang pangarap nila makasal at magka-anak.” Napahawak naman ako sa aking tiyan. Hindi naman ako sound bitter noh? Dinig niyo ba?
Totoo naman. Yung galit ko sa kanila nasapawan na ng nag uumapaw na saya dahil sa mga kambal ko. Very obvious ang belly ko dahil nga kambal sila kaya mas malaki sa normal.
Doon naman bumaba muli ang tingin niya sa tiyan ko.
“Ilang buwan na ba ang pinag bubuntis mo? Para kasing ang laki na masyado.”
Ngayon ko lang napansin na may konting hawig si Elvisa kay Elisse. Konti lang naman.
“Four months na. Kambal kaya mas malaki.” Nakangiti kong sabi. I’m just so happy right now.
Kahit feeling ko nakiki-marites lang ‘to si Elvisa sa akin eh sinabi ko pa rin. Feeling ko kasi malaking achievement yun eh. Agad na rin ako nagpa alam na aalis na para hindi na siya mag tanong pa.
Sa mga sumunod na linggo ay matiwasay naman ang lahat. Five months na rin ang tiyan ko. Yung akala ko matiwasay na araw sa pag bubuntis ko ay biglang nagulo.
“Good morning team! May bago nga pala tayong makaksama sa trabaho ngayon since nag resign na yung isang kasamahan natin.” Dinig kong sabi ng manager namin na si Mr. Cruz.
Hindi naman ako nag-aangat ng ulo para tignan kung sino man yun. Marami pa akong ginagawa.
“Magpa kilala ka sa kanila. ‘Wag ka mahiya, mababait mga ‘yan.” Natatawang wika ni Sir.
“Good morning, guys, I’m Kurt Aaron Peralta, your new team mate.” Malakas na sabi niya na parang sinasadya.
“OMG ses! Ang gwapo niya.” Mahinang bulong sa akin ni Alice.
Napakunot naman ang noo ko at doon ako napa angat bigla ng tingin. At mas lalong nangunot ang noo ko ng makumpirma ko na si Kurt na ex ko nga ang nasa harapan namin at nakangiting nakatingin sa akin na animo’y walang ginawang kasalanan sa akin.
Ugggh! The audacity! Kalma self, ang mga baby mo mai-stress din!
“Si Billy ang naka assign mag train sa kaniya. Kahit ganun tulungan niyo pa din siya sa ibang bagay-bagay dito para mas mabilis niya ma-adapt. And maging mabait din kayo sa kaniya ha?” Mr. Cruz said.
“Yes, Sir! No problem.” Sabi naman ng mga kasamahan ko.
“Oh, sige maupo ka na dun sa bakanteng cubicle. Diyan ang pwesto mo.”
Abot tainga naman ang ngiti ng gung-gong kong ex na cheater. Katabi ko lang naman siya. Sa kaliwa ko si Alice at sa kanan naman siya. Katabi niya naman si Billy.
What the! Nayayamot ako sa ngisi niya. Hindi nila alam na mag ex kami at ayaw ko na may maka alam. Nakakahiya!
Hindi ko siya pinapansin at nagpa tuloy na lang ako sa trabaho ko. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na naka titig siya sa akin.
Sinimulan na rin ni Billy ang pag tuturo sa kaniya. Umalis saglit si Billy dahil may Dadalhin daw itong papeles sa ibang department na kailangan papirmahan. Ganun din si Alice.
Nag lalampungan na naman siguro mga ngayon sa pantry!
“So, it’s true. You’re pregnant. Am I the father? I’m know it’s mine.” Kurt cheater said in a serious voice.
Napalingon ako sa paligid baka may makarinig.
“Itikom mo nga yang bibig mo. Baka ano pa isipin sa atin. At tsaka wala kang pag-aari dito kaya manahimik ka diyan at gawin mo ng maayos trabaho mo.” Pero ang loko parang walang narinig.
“Naniniwala akong sa akin ang ipinag bubuntis mo. Maraming beses na may nangyari sa atin at ako ang nakauna sa’yo. Gagawin ko ang lahat para bumalik ka lang sa akin. Nag sisisi na ako sa nagawa ko sa’yo. Ikaw talaga ang mahal ko, Cassey.”
“Hoy, lalaki. Diba kasal ka na at magka-kaanak na kayo? Ayun na. Natupad na ang pangarap mo. Bakit mo pa ako ginugulo ngayon? At hindi nga sa’yo to!” Mahina pero nang gigigil kong bulong sa kaniya para iwas chismis.
Tumayo na ako at nilayasan siya. Ang kapal naman niya umangkin ng anak ng iba. May sarili na nga siyang anak kay Elisse bakit hindi yun ang pag tuonan niya ng atensyon? Gigil niya lamang loob ko!
“Sorry mga anak kung pati kayo na stress. May isa na naman kasing hator ang nakapasok sa kaharian natin!” sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko.
Nang bumalik ako sa pwesto ko nakita ko naman na seryoso siyang nakikinig sa mga sinasabi ni Billy. Matalino naman si Kurt kaya alam ko mabilis lang niya lahat matututunan. Yun nga lang minsan yun talino niya, ginamit sa kalokohan. Hmmp! Damuho siya.
Nag presinta siya na ihahatid niya ako umuwi pero mariin akong tumanggi. Mahirap na noh, ma-chismis pa kami! At ayaw ko din malaman niya kung saan ako tumutuloy ngayon. Hindi na dapat. Pamilyadong tao na siya.
Nag papahinga na ako ngayon. Napa buntong hininga na lang ako. Hanggang kailan ko kaya makakasama sa iisang trabaho ang manlolokong ex ko na yun?
Sa totoo lang hindi ako komportable at mas okay ako kung hindi ko na siya makikita pa. ilang buwan pa lang ako dito at maganda din ang pasahod, ayaw ko naman mag resign agad. Hayst! Bw*sit na lalaking yun! Bakit kasi nagpa kita pa!
***
“A mistake repeated more than once is a decision”-Paulo Coelho
End of chapter 7…