"Good morning, Mahal ko," bati ko pa kay Ysha. Pero hindi siya sumagot bagkus sumiksik lang sa tagiliran ko. At muling yumakap habang nakapikit pa rin. Hinalikan ko pa ang buhok n'ya.
"Hmmm, namiss mo ba ako?"
"Tumango lang siya at hindi pa rin nagsasalita.
"Mama, needs to go sa work n'ya. Baka ma-late na si Mama."
"M-mama…" inaantok nyang tawag at umayos ng higa.
"Yes, mahal ko?"
"I want to go with you..." Humikab pa siya.
"Mahal ko, mabilis lang ang work ni Mama today."
"But-"
"Don't worry, Mahal ko, after ng work ko, pupunta tayo ng Zoo. Gusto mo ba 'yon?"
Namilog pa ang mga mata niya nang marinig ang Zoo. Ysha loves animals so much.
Bigla syang bumangon at naglulundag pa sa kama.
"Yehey! Yehey! I love you, Mama." Saka umupo at pinupog ako ng halik sa pisngi. Isa ito sa ipinagpapasalamat ko kay Trevor. Ang bigyan n'ya ako ng oras kay Ysha na makasama ito. Ibang-iba ang dalang saya sa buhay ko ni Ysha.
Bago ako bumaba pinakain mo muna sila ng breakfast. At saka ako naligo. Isang denim pants at white tees lang ang suot ko. Nagpahid lang ako ng lip balm at nag-spray ng pabango. At hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba kong buhok. At saka ako lumabas ng kwarto. Hinintay ko muna na dumating si Ate Tere. At maya-maya nga ay dumating na rin siya kaya naman tumayo na ako at inabot ko ang bag ko.
"Ysha, Hale, behave lang mga, Mahal ko. Wag pasaway kay Ate Tere." Sabay pa silang lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.
"Ate Tere, later pwede kang mag-half day. Maaga po akong uuwi para ipasyal sila.
"Tamang-tama, Helena. Kaarawan kasi ng anak ko ngayon."
Dumukot ako ng isang libo sa wallet ko at inabot ko sa kanya.
"N-naku… Helena, nakakahiya naman."
"Para sa anak mo, Ate," nakangiti kong sambit.
"Bye, Mama. I love so muchhhhh!" sambit pa ni Ysha.
"I love you too!"
At tuloy-tuloy akong lumabas ng bahay. Nagulat pa ako nang matanaw ko ang kotse ni Jariz na naka-park sa harapan.
"Good morning, Helena," bati n'ya nang makalapit ako sa kanya.
"Good morning, Jariz. Nahihiya ako sa'yo nag-abala ka pa talaga. Out of way pa naman ang-"
"I don't mind. Kahit pa sa kabilang bundok ang bahay mo..." nakangiti n'ya pang saad.
Kaya naman natawa na lang ako sa kanya at pumasok na kami sa loob sasakyan. Hindi naman ako magtatagal sa trabaho. Ilang oras lang ako.At igagala ko kasi ang mga bata ngayon. At katulad nga ng pangako ko sa kanila na pupunta kami ngayon sa Zoo.
"For you." Sabay abot ni Jariz sa akin ng dilaw na tulips.
"S-salamat pero anong meron, Jariz? Hindi ko naman birthday ngayon." sambit ko habang sa bulaklak ako nakatingin.
Narinig ko pa ang tawa n'ya kaya naman napaangat pa ako ng tingin.
"Hmmm... Wala naman. Gusto lang kitang bigyan ng flowers. Nagustuhan mo ba?" tanong n'ya habang nasa kalsada ang atensyon nito.
"Oo naman! Pero nahihiya ako sa'yo baka mamaya singilin mo ako bigla." Tumatawa kong biro sa kanya. Kaya naman maging siya ay natawa na rin.
"You're funny huh! You always make me laugh." natatawa pa nitong sambit.
"Mukha ba akong clown?" tanong ko pa.
"Nope. You look like my future..." sabi n'ya pa at hindi ko alam kung nagbibiro lang ba s'ya. Maya-maya pa narinig ko ang halakhak niya.
"I'm just kidding. Don't worry I'm willing to wait..." nakangiti nyang saad saka ako sinulyapan.
"Thank you, Jariz."
"No worries."
Pagdating namin sa loob ng studio kung saan gagawin ang photoshoot, nagulat pa ako. Hindi ko alam na may pa-surprise pala sila sa akin.
"A-anong meron? B-bakit may pa ganito?" tanong ko.
"Dahil sa biglang pagtaas ng sales simula ng maging model ka ng company," mahinang bulong ni Jariz sa akin. Present din si Mamu sa loob at niyakap pa ako ng mahigpit.
"Jariz, you're so unfair! Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?" maktol ko pa na mas lalo nilang ikinatawa.
"I'm sorry. Sila ang may pakana nito." Turo pa n'ya sa team namin. Kaya naman tawa sila sa ng tawa. Napaka-humble talaga ni Jariz kahit CEO siya nagagawa n'ya pa rin makihalubilo sa mga katulad namin. Bukod sa gwapo, maginoo at mabait madali pang pakisamahan.
"Hoy girl!" untag ni Rhea sa akin. Nakatitig na pala ako kay Jariz.
"B-bakit?"
"Bagay kayo ni Sir Jariz ayiiieee." Kiniliti niya pa ako sa tagiliran.
"H-ha? Paanong bagay mayaman sila. Ako maganda lang!" biro ko pa.
"Sabagay," sang-ayon niya sa sinabi ko saka ipinagpatuloy ang pagsubo ng cake.
"Hoy, Rhea! Bakit cake iyang nilalantakan mo? Pagalitan ka ni Mamu. Next month diba summer collection ang ilalabas natin? Baka hindi magkasya sa'yo," buska ko pa sa kanya. At kaagad naman syang napatingin sa katawan niya.
"Isang slice lang naman, agad-agad hindi kasya?" himutok n'ya pa.
"Isang slice mamatay ka man?"
"Oh, edi makilibing ka na lang!" Sabay tawa niya ng malakas.
"Sira ka talaga."
Matapos ang photoshoot namin nagpaalam na ako sa kanila. Hinihintay na kasi ako ng mga bata.
"Helena, hatid na kita," alok ni Jariz.
"Wag na. Mag taxi na lang ako pauwi," tanggi ko pa sa alok niya.
"Sure ka?" pangungulit pa niya sa akin.
"Oo naman. At saka busy ka diba?"
Tumango naman siya at tumingin sa suot nyang relo.
"Pero--"
"Una na ako." Kumaway pa ako sa kanya. At naglakad na palabas ng studio upang mag abang ng taxi. Pero ilang minuto na akong naghihintay, wala pa rin dumadaan.
Nagulat pa ako nang may bumusina sa harapan ko. Kahit hindi ko nakita kung sino ang driver nito, pamilyar naman ang sasakyan sa akin. Hindi ko siya pinansin. Bakit naman kasi tanghali pa lang punuan na agad ang mga taxi? Nakakainis! Sunod-sunod na busina ang ginawa niya kaya naman nakaagaw na sa atensyon ng ibang mga dumadaan.
Binaba nito ang bintana at sumilay ang nakakabwisit na mukha ni Trevor.
"Hop in!" utos n'ya pa. Hindi ko naman siya pinansin nagpatuloy ako sa pag-aabang ng taxi.
"Helena! Helena!" tawag n'ya sa akin.
Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na siya. Inalis ko ang suot ko na shades at pinagkrus ko pa ang mga braso ko.
"Ano ba?! Pwede ba umalis ka na! Hindi ako sasabay sa'yo!" inis ko pang sambit sa kanya.
"Why not?" presko pa nyang tanong.
"Dahil ayaw ko! Lumayas ka nga sa harapan ko! Abala ka-"
"Helena!" narinig ko pang tawag sa pangalan ko. Kaya naman mabilis akong lumingon sa pinanggalingan nito.
"Let's go! Mahihirapan kang sumakay ngayon," saad pa ni Jariz. Kitang-kita ko pa kung paano magsalubong ang kilay ni Trevor.
Ano bang problema ng siraulo na 'to?
"Jariz, diba busy ka today?"
"Helena, I'm not busy pagdating sayo..."
Narinig ko pa ang mahinang mura ni Trevor at ang paghampas n'ya sa manibela.
"Thank you, Jariz." At naglakad na ako papunta ng sasakyan niya. At bago pa ako tuluyan makalapit sa sasakyan ni Jariz biglang pinaharurot ni Trevor ang kotse niya. Kaya naman naiwan akong nakaawang ang bibig.
Ano bang problema ng impakto na 'yon?