"Ano naman ngayon kung boyfriend ko nga si Jariz?" matapang kong tanong. Hindi naman siya sumagot bagkus ngumisi lamang.
"Mama, Papa, nag-aaway po ba kayo?" tanong pa ni Ysha.
"Hindi, sweetheart, nag-uusap lang kami ni Mama Helena mo."
Kaya naman tinignan ko pa siya ng masama.
"Ysha, behave ka kay Mama," bilin pa ni Trevor habang sa akin nakatingin.
Hinayaan ko lang silang mag-ama na magpaalam sa isat-isa. Bago tuluyan umalis si Trevor ay lumapit pa siya sa akin ng bahagya.
"You're mine..." mahinang bulong n'ya. At mabilis na sumakay ng sasakyan.
Nagpupuyos ang dibdib ko sa inis hanggang sa makapasok kami sa loob ng condo. "Napaka antipatiko! Sino ba siya sa akala niya? Siya lang ba ang may karapatan magkaroon ng bagong karelasyon? Ipagpapalit na lang ako, sa mukha pang bisugo na nalunod! Ang kapal!" sunod-sunod kong litanya.
"Mama, are you okay po?" nagulat pa ako ng biglang magsalita si Ysha sa tabi ko.
"Yes, Mahal ko. Get inside the room at i-surprise mo si Kuya Hale," nakangiti kong utos. Kahit pa asar na asar ako sa Tatay nyang impakto. Ngunit bago pa makapasok si Ysha lumabas na si Hale. Nagtatalon pa ang dalawang bata sa muli nilang pagkikita. Akala mo naman talaga, ang tagal nilang hindi nagkita. Napapailing na lang ako habang pinapanuod ko silang dalawa.
May binabayaran lang ako na na tagabantay ni Hale kapag wala ako. Uwian din ito dahil may mga anak din itong inaasikaso.
"Hale, kiss ko?" ungot ko pa. Yumuko pa ako upang maabot n'ya ang pisngi ko. Mabilis naman syang lumapit sa akin upang bigyan ako ng halik sa pisngi.
"Kamusta ka dito? Nagpasaway ka ba kay Ate Tere mo?" tukoy ko sa tagapagbantay n'ya.
"Hindi po, Ate. Behave po ako kanina," magalang nyang sagot.
"Oo, Helena. Mabait talaga si Hale," sabad pa ni Ate, paglabas n'ya galing ng kusina.
"How about me?" nakanguso pang tanong ni Ysha. Kaya naman natawa pa kami ni Ate Tere sa inakto niya.
"Syempre mabait at maganda!" pang-uuto pa ni Ate Tere sa kanya.
Naglulundag pa si Ysha sa galak dahil sa papuri ni Ate Tere sa kanya.
"Salamat, Ate Tere. Sige po pwede na po kayong umuwi. Ako na po ang bahala sa dalawang makulit na ito."
"Nagluto na pala ako, Helena. Alam kong pagod ka."
"Naku! Salamat, Ate. Nakakahiya naman sa'yo."
"Wala 'yon. Siya uuwi na ako," paalam pa niya. Hinatid pa namin s'ya hanggang sa pinto.
Saka ako pumasok muna sa kwarto ko upang makapag bihis. Iniwan ko muna ang dalawang bata sa salas.
Nagtuloy ako sa shower room upang makapag hilamos muna. Kailangan alagaan ang skin dahil isa ito sa puhunan ko.
Kumuha rin ako ng oversized na t-shirts at maikling short. Hindi ko maiwasan hindi mapatitig sa repleksyon ko sa salamin. Ibang-iba na ang dating Helena na tindera noon kesa ngayon. Masaya ako sa buhay ko ngayon, pero minsan pakiramdam ko may kulang pa rin.At bago pa ako magdrama, mabilis kong tinapos ang ginagawa ko upang pakainin na ang dalawang bata. Paglabas ko nga abala sila sa panonood ng cartoons.
Kaya sa kusina na ako unang nagtuloy upang tingnan ang pagkain na niluto ni Ate para sa amin.
Tinolang manok ang niluto n'ya tamang-tama gusto ko ng mainit na sabaw ngayon. Inayos ko na ang lamesa at tinawag ko ang dalawang bata.
"Ysha! Hale! Let's eat!"
"Mama! 5 minutes more please…!"
"Ysha, no. That's not nice. Dapat unahin ang pagkain."
Narinig ko pang sabi ni Hale, kay Ysha. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti sa tinuran niya. Big brother talaga s'ya kay Ysha. Nakakatuwa lang na sumusunod naman si Ysha dito. Matapos ang masaganang hapunan nagyaya si Ysha na manood ng movie. Kaya naman pinagbigyan namin siya. Hanggang sa matapos tuwang-tuwa silang dalawa sa pinanuod namin.
"Mahal ko, take a bath na. Tomorrow na kayo manood ulit," sabi ko pa.
Tumayo na rin si Hale at pumasok sa sariling kwarto.
"Mama, I love you," lambing pa niya. At mukhang alam ko na ang gusto niya. Magpapakarga lang s'ya kaya naglalambing.
Kaya naman binuhat ko na siya at tuwang-tuwa pa.
"Dinadaan mo ako sa pa ganyan, Mahal ko." Hinalikan ko pa siya sa pisngi habang naglalakad kami papasok sa kwarto. Napa bungisngis pa siya ng kilitiin ko s'ya sa tagiliran. Pagpasok sa kwarto mabilis ko syang pinaliguan at binihisan. Saka ako naman ang naligo.
Patapos na akong maligo nang bigla siyang sumigaw.
"Mama! Mama! Kuya Jariz is calling po."
"Yes, Mahal ko. I'm coming!"
Nagmadali akong naglagay ng lotion sa buong katawan. Hindi na muna ako nagbihis lumabas na ako na nakatapis lang ng tuwalya. Nagulat pa ako na may ka-video call si Ysha. At sigurado ako na Tatay niyang babaero 'yon!"
"Here, Mama." Sabay abot ng cellphone ko.
"Hello, Helena, I'm home na," bungad n'ya.
"Hi, Jariz. Sorry now ko lang nasagot."
"It's okay. I just want to ask if pwede kitang sunduin tomorrow morning?"
"W-why? Wag na nakakahiya naman. Ang layo ng bahay mo-"
"I don't mind," putol n'ya sa iba kong sasabihin pa sana.
"S-sure, Jariz," pagsang-ayon ko na lang sa kanya.
"Goodnight, Helena."
"Goodnight, Jariz."
Hanggang sa maputol ang tawag namin. Abala pa rin si Ysha sa pakikipag-usap.
"I'm done na po. Me and Mama, will sleep na po. Sayang, Papa, hindi ka pwede sa house ni Mama," narinig ko pang sabi niya.
"Soon, baby." sagot pa ni Trevor.
"Ang kapal talaga ng mukha! Pati bata pinapaasa!" inis ko pang bulong.
"Papa, look Mama." At iniharap pa sa akin ang camera ng cellphone na hawak n'ya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin dahil sa ayos ko ngayon. Dahil tanging tuwalya lang ang suot ko. Nagkunwari na lang ako na balewala s'ya para sa akin.
"Mahal ko, s-sige na magpaalam ka na. Matutulog na tayo," utos ko pa.
"Goodnight, Papa. I love you po." Hinalikan pa n'ya ang screen ng cellphone.
"I love you too."
"Mama, say goodnight to Papa, please…" muntik pa akong matumba dahil sa sinabi n'ya.
At kahit pa labag sa loob ko, wala akong nagawa kaya lumapit pa ako sa kanya.
"Goodnight," walang gana kong sabi. Kitang-kita ko pa ang mapang-asar nyang ngisi. Kaya naman inirapan ko pa s'ya
"Goodnight, Mama ni Ysha..." pang-aasar n'ya pa lalo.
Sabay pa kaming napalingon ni Ysha ng may kumatok. Kaya naman tumayo si Ysha upang pagbuksan si Hale. At sa akin naiwan ang cellphone n'ya.
Nahuli ko pang titig na titig si Trevor sa mukha ko.
"Patayin mo na nga! Matulog na kayo ng girlfriend, mong ipinaglihi sa sama ng loob!" saad ko pa.
Narinig ko pa ang halakhak n'ya sa kabilang linya kaya mas lalo akong nabwisit.
"See you in my wild dreams, darling," namilog pa ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Trevor.
"Wild dreams your face!" mahina ngunit mariin kong sambit bago ko pinatay ang tawag n'ya.
Kapal ng mukha ng ferson!