"Helena, hoy! Kanina pa ako salita ng salita dito tulala ka dyan. Love life ba?" pangungulit ni Rhea sa akin. Isang umaga habang nasa photoshoot kami.
"H-huh? Ano 'yon? May sinasabi ka?"
"Wala ang sabi ko ang ganda mo kaso-"
"Bingi," tuloy ko sa sasabihin n'ya.
Sabay pa kaming natawa dahil sa usapan namin.
"Seryoso, Helena, napapansin ko madalas kang ganyan. Si Trevor ba?"
Napatingin naman ako sa kanya at umiling iling.
"Helena... umamin ka nga sa akin, mahal mo pa ba?"
Bigla naman n'ya akong nasukol dahil sa tanong n'ya. At hindi ko alam ang maaari kong isagot sa tanong n'ya. Kinapa ko ang sarili ko kung ano nga ba ang lagay ni Trevor sa puso ko. Hanggang ngayon kasi nalilito pa rin ako sa mga pinapakita ni Trevor.
"H-hindi na... t-tapos na kami," nauutal kong sagot
"Pero iba ang nakikita ko sa'yo, at iba ang sinasabi ng puso mo."
Dinampot ko ang tumbler ko upang uminom ng tubig pakiramdam ko kasi natutuyuan ako ng lalamunan. "Ano ka ba! Balak ko na ngang makipag-date kay, Jariz," ani ko at pilit ngumiti sa kanya habang mataman n'ya lang akong tinignan. Kaya naman nag- iwas ako ng tingin at muling uminom ng tubig habang nakatingin lang s'ya sa akin.
"Talaga ba? Pero sana wag mong paasahin ang tao."
"O-oo naman!" Mabilis kong sagot sa kanya.
Ilang minuto lang sumabak na kami muli sa harap ng camera kaya naman hindi na ako nausisa ni Rhea tungkol kay Trevor. At pinagpapasalamat ko 'yon dahil nabawasan ng makulit.
"Helena! Focus! Eyes on here!" Sigaw ng photographer sa akin. Kaya naman nagulat pa ako at bigla akong napatingin sa kanya first time lang n'ya akong nasigawan.
"Sorry po."
Kaya naman muli kong itinuon ang atensyon ko sa ginagawa ko at nakinig sa instructions ng photographer namin.
"Helena, anong problema?" tanong ni Mamu sa akin ng matapos ang photoshoot namin.
"Sorry, Mamu. Hindi na po mauulit promise." Tinaas ko pa ang kanang kamay bilang tanda na nangangako ako.
"Focus, basta kung may problema pag-usapan natin, lalo na kung tungkol sa tarugo!" biro n'ya pa kaya naman natawa na lang ako sa sinabi n'ya.
"Helena, gusto mo bang ma-relax?" tanong Rhea nang palabas na kami.
"Bakit mukha ba akong stress?"
"Gaga ka talaga! I mean pumunta tayo sa bar."
"Ayaw ko-"
" Libre ko!"
"Sure. Pero saglit lang tayo baka hanapin ako ng mga bagets."
"Pag libre ang bilis mo, talaga!"
"Kita na lang tayo mamaya. Chat mo sa akin kung saan bar," ani ko at naglakad na kami papunta sa sakayan ng taxi. Pumayag na rin ako tutal nasa bahay naman si Filipinas ngayon kaya pwede akong umalis.
"Mama, sasama ako, please..." pangungulit ni Ysha pagdating ko sa bahay. Yumakap pa s'ya sa leeg ko habang nakaupo ako sa harap ng salamin at nagpapahid ng make up.
"Mahal ko, kids are not allowed there. Makipag-play ka na lang kay, Baby Janus," malambing kong sagot sa kanya. Habang patuloy ako sa paglalagay ng blush on.
"Pero, Mama..." maktol n'ya pa. Kaya naman tumigil muna ako sa paglalagay at inutusan ko syang umupo paharap sa kandungan ko.
"Mahal ko, mabilis lang promise." At hinalikan ko pa ang magkabilang pisngi n'ya ngunit nanatili syang nakasimangot.
"Smile na, Mahal ko," pangungulit ko naman sa kanya.
"Tatawa na 'yan," ani ko.
"Mama..." ungot n'ya pa
"Yes, Mahal ko?"
"Don't talk to other boys. I don't like it, Mama.
Napaawang pa ang bibig ko dahil sa sinabi n'ya ayaw n'ya lang pala akong makipag-usap sa iba. Kaya pala everytime na may lalapit sa akin at kasama ko s'ya nakasimangot.
"Opo, Mahal ko. Wala akong kausapin kahit sino," saad ko pa.
"Okay, Mama," nakanguso n'ya pa rin sagot. At yumakap pa sa akin ng mas mahigpit na akala mo aagawin ako sa kanya.
"Mahal ko, I love you," sambit ko
"I love you too, Mama." At s'ya na ang humalik sa labi ko.
At nagpatuloy ako sa pag-aayos habang nakaupo s'ya sa kandungan ko at ayaw umalis.
"Mama, ang ganda mo!" bulalas n'ya ng matapos akong mag-ayos.
"Mas maganda ang, Mahal ko."
Narinig ko pa ang bungisngis n'ya dahil sa sinabi ko. Tumayo ako at nilapag ko s'ya sa kama upang kumuha ako ng damit sa cabinet. Isang white mini skirt ang napili ko at black spaghetti straps kinuha ko rin ang black ankle strap short heels. Pinakita ko pa ito kay Ysha kagaya pa rin noon nakasimangot na naman sa pinili kong damit. Pero pumayag din naman sa huli kahit pa labag sa loob n'ya. Napapailing na lang ako habang papasok ng CR upang magbihis habang nakasunod pa rin si Ysha sa loob.
"Mama, Look." Sabay turo sa hita ko na exposed dahil sa suot kong mini skirt na hanggang kalahati ng hita ko ang haba. Ngumiti lang ako sa kanya at yumuko upang halikan s'ya sa pisngi.
Hawak-kamay kamay pa kaming lumabas ng kwarto natawa pa ako sa reaction ni Filipinas parang ngayon lang n'ya lang ako nakita na nakaayos sa personal.
"Filipinas, ikaw na muna bahala dito hindi ako, magtatagal." Hinalikan ko si Janus habang tulog sa sofa at binabantayan ni Hale.
"Mag- enjoy ka, Hilina. Para naman kahit paano malibang ka naman," nakangiti nyang sabi.
"Hale, aalis muna si Ate."
Lumapit naman si Hale at yumakap sa akin.
"Okay po. Take care, Ate."
"Mahal ko, pa-kiss na," tawag ko kay Ysha. Mabilis naman syang tumakbo sa akin at tinaas pa ang dalawang kamay upang magpabuhat. Sumiksik pa sa leeg ko at yumakap ng mahigpit.
"Paano ba ako aalis nito? Pinipigilan ako ng batang makulit," natatawang saad ko saka ko pinisil ang tungki ng ilong n'ya.
Maging si Filipinas, ay natatawa na lang sa amin dalawa ni Ysha. Palagi kaming ganito sa tuwing may lakad ako, para bang ayaw na ayaw n'ya akong mawawala sa tabi n'ya.
" Mama, Don't forget your promise," bulong n'ya pa.
I will, Mahal ko. Behave lang po okay?"
Tumango-tango naman s'ya at ng marinig nyang umiyak si Janus kaagad din syang nagpababa sa akin upang daluhan ito.
Umalis na ako ng bahay dahil kanina pa raw si Rhea sa bar. Mabilis naman akong nakasakay ng taxi kaya naman nakarating kaagad ako sa bar. Sinubukan kong tawagan si Rhea upang sunduin n'ya ako sa labas ng bar. Ngunit hindi n'ya sinasagot ang tawag ko dahil sigurado maingay sa loob kaya hindi n'ya naririnig. Kaya naman pumasok ako sa loob ng bar. Nahirapan akong makapasok ng tuluyan sa loob dahil sa medyo crowded ang paligid. Nagpalinga linga ako sa paligid at mabuti na lang nakita ko si Rhea sa harap ng bar counter na abala makipag-usap sa bar tender. Naglakad ako papunta sa kanya at ginulat ko pa s'ya.
"Hoy!" gulat ko sa kanya.
"Ay bayag mo!" gulat nyang bulalas. Kaya naman napahagalpak ako ng tawa maging nag bar tender sa harapan namin.
"Hoy ang ganda mo!" sambit n'ya.
"Matagal na akong maganda. Nakakapagod na nga pero kinakaya ko pa naman," pagyayabang ko pa.
"Tse! Uminom na nga tayo. Kuya, anong alak n'yo ang matapang yung kaya kang ipaglaban?" tanong n'ya pa.
"Rhea, tumigil ka nga," natatawa kong saway sa kanya.
"Cheers!" Sigaw namin dalawa.
Mabilis kong nilagok ang laman ng baso ko kaya naman natawa pa si Rhea sa akin.
"Hoy, Helena! Ano 'yan isang tagay ginawa ko naman ang lahat?!" pambubuska n'ya pa sa akin.
"Uminom ka na lang ang dami mong alam!" ani ko at muli akong humingi ng alak sa bartender. Kahit ngayon lang mawala sa isip ko si Trevor.
Hindi namin napansin nakarami na pala kami ng inom. Pero kay Rhea parang baliwela lang ang alak.
"Helena, hinay-hinay lang baka pagalitan ka ng anak- anakan mo. Pati ako pagsabihan pa ng batang matured pag umuwi ka ng lasing.
"K-konti pa lang n-naiinom ko, tanong mo p-pa kay Kuya." Turo ko pa sa bar tender.
"Tama na 'yan, magsayaw na lang tayo," yaya n'ya. Napangiwi naman ako sa sinabi n'ya mukhang hindi n'ya alam na wala akong talent kundi tumula.
"H-hindi ako marunong," tanggi ko pa.
"Madali lang 'yon! Tara na!" Sabay hila sa akin sa gitna kung saan maraming nagsasayaw.
"H-hindi ako marunong babalik na ako doon," akma akong maglalakad pabalik sa pwesto namin kanina ng makaramdam ako ng pagkahilo. Kaya naman napatigil ako sa paghakbang pabalik. Napapitlag pa ako ng may brasong pumulupot sa bewang ko.
"Bitawan mo ako! Bastos ka!" bulyaw ko sa kanya at pilit kong inaalis ang braso s'ya sa bewang ko. At ganoon na lang ang gulat ko ng mapatingin ako sa mukha ng lalaki. Walang iba kundi si Trevor kaya pala pamilyar ang amoy n'ya. Pilit ko syang itinutulak palayo ngunit mas lalo n'ya akong hinapit sa bewang kaya naman napatuon ang mga kamay ko sa malapad nyang diddib. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ng pasadahan n'ya ang suot ko habang salubong ang kilay.
"Who told you, na pwede kang magsuot ng ganyan sa ganitong lugar?" mariin nyang tanong.
"Wow! Sino ka ba sa akala mo?"
"Lasing ka ba huh?" inis nyang tanong.
"Umalis ka nga dito, bumalik ka sa bisugo mo! Simula ngayon binubura na kita sa buhay ko! Dahil-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng walang babala nyang angkinin ang labi ko hinawakan n'ya pa ang ulo ko upang mas lalong mapadikit ang labi n'ya sa labi ko. Dahil sa madilim alam ko hindi kami mapapansin dito. Pilit ko syang tinutulak ngunit mas lalo n'ya pang pinagbuti ang ginawang paghalik sa akin.
Iba ang naging epekto ng halik n'ya sa buong pagkatao ko, pero hindi tama ito. Kaya naman inipon ko ang lahat ng lakas ko at tinulak ko s'ya palayo. Kapwa pa kami naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin dalawa. Isang sampal ang binigay ko sa kanya at iniwan ko na s'ya mabilis akong tumakbo palabas. Dahil sa nakakaramdam ako ng hilo muntik na akong matumba kung hindi lang may braso na sumalo sa akin.
"Sa akin ka lang babagsak, remember that Darling."
Nagpupumiglas pa rin ako hanggang ipasok n'ya ako sa loob ng sasakyan n'ya.
"Pag hindi ka tumigil, aangkinin kita dito sa loob ng sasakyan ng paulit-ulit," nakangisi nyang banta sa akin.
Natahimik ako bigla dahil sa sinasabi n'ya paano kung totohanin nga n'ya?