"Are you okay? You look tired?" untag ni Jariz sa akin habang nasa kotse kami pabalik na kasi kami ngayon mula sa dalawang araw na photoshoot sa Tagaytay. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Lahat ng pagod ko mawawala rin pag nakita ko na si Ysha at Hale sobra ko silang na-miss dalawa. Kaya naman pagkatapos ng shoot kanina pinilit ko na umuwi at hindi na pumunta sa party na inihanda ng team. Inalok rin ako ni Jariz na ihatid na pauwi sa bahay kahit pa tumatanggi ako sa kanya hindi siya pumayag.
"I'm okay. Salamat sa paghatid nakakahiya tuloy sa'yo. Imbes na nasa party ka ng team hinatid mo pa ako."
"Mas mahalaga pa rin na ihatid kita ng safe. Mahihirapan kang sumakay kung mag co-commute ka lang," aniya ng sulyapan n'ya ako.
"Salamat ulit," nakangiti kong sambit.
Nahuli n'ya pa ako hikab ng hikab kaya naman sinabihan n'ya akong matulog muna at gigisingin na lang n'ya ako pag nakarating na kami. Ilang saglit nga lang hinila na ako ng antok. At sa sobrang lalim ng tulog ko hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa tapat ng condo ko.
Mahinang tapik sa pisngi ang nakapag pag gising sa akin kaya naman unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nakangiting mukha ni Jariz naman ang nabungaran ko.
"We're here," aniya kaya naman umayos ako ng upo at tumingin sa labas.
"Sorry. Medyo napalalim ang tulog ko, hindi kasi ako masyadong nakatulog sa hotel, feeling ko namamahay ako," kimi kong paliwanag sa kanya.
"That's Okay. Helena, I have to go na rin, may biglaan kaming family dinner ngayon. Medyo nagtatampo na rin si Mom. Kaya hindi na rin ako pupunta sa party," natatawa n'ya pang saad.
"Sure, salamat ulit sa paghatid huh. Ingat ka sa pag-uwi."
Pagbubuksan pa sana n'ya ako ng pinto ngunit pinigilan ko na s'ya. Masyado na akong maganda para ipagbukas n'ya pa ng pinto. Atsaka baka kabahan bigla si Rapunzel dahil mas mahaba na buhok ko sa kanya.
"Bye, see you tomorrow," paalam ko ng makababa ako ng sasakyan n'ya.
"Take care. I will text you when I'm home." Kumaway pa s'ya bago tuluyan pinaandar ang sasakyan. Nang mawala na s'ya sa paningin ko saka lang ako pumasok ng condo at sigurado matutuwa si Hale pagnakita n'ya ako ngayon.
Balak ko, kasing maligo muna bago ko sunduin si Ysha at nangako ako sa kanya na pagdating na pagdating ko pupuntahan ko agad s'ya. Kahit kausap ko naman s'ya tuwing gabi bago matulog puro bukang-bibig pa rin n'ya, sobrang miss na raw ako.
Hindi nga ako nagkamali nagulat pa si Hale ng mapagbuksan n'ya ako ng pinto. Hindi ko kasi sinabi kung anong oras ako uuwi kaya wala syang idea.
"Ateeee!" Malakas nyang sigaw at sinalubong ako ng yakap.
"How's my baby? Na-miss mo si Ate?"
"Yes po. Ate, nag-behave po ako kay, Ate Tere," sabi pa n'ya ng makapasok kami sa loob ng bahay.
"Helena, kamusta?" nakangiting tanong ni Ate Tere.
"Okay naman, Ate Tere. Pasensya na po talaga at kailangan mong matulog dito."
"Ayos lang 'yon. Kumain ka na ba?"
"Opo, Ate. Kamusta po ang batang makulit?" tukoy ko pa kay Hale.
"Mabait pa rin syempre alaga ko 'yan," pagmamalaki pa ni Ate.
Kaya naman natawa na lang ako sa sinabi n'ya.
"Ate, pwede bang sunduin ko muna si Ysha bago ka umuwi?" pakiusap ko pa sa kanya.
"Oo naman, saka gusto ko rin makita si Ysha na-miss ko na rin ang batang 'yon."
"Salamat, Ate. Maliligo muna ako."
"Sige na," taboy pa n'ya.
"Hale, dito ka muna susunduin ko lang si Ysha."
"Opo, Ate," tipid nyang sagot atsaka muling itinuon ang atensyon sa binabasa nyang libro.
Hanga talaga ako sa kapatid ko bata pa lang s'ya hilig na ang pagbabasa ng libro malayong-malayo sa akin na numero ng jueteng ang pinagkakaabalahan noon.
Pumasok na ako ng kwarto ko upang maligo ipapasyal ko ang dalawang bata ngayon at sa labas na rin kami kakain. Balak ko na sunduin na rin sina Filipinas at Baby Janus.
Mabilis kong tinapos ang paliligo at hindi na ako nag-abala pang mag-ayos. Nagsuot lang ako ng maong short at isang simpleng blouse kinuha ko rin ang flat sandals at sling bag ko. Saka ako umalis ng bahay mabilis naman ang naging biyahe ko dahil maaga pa naman at hindi gaano ang trapik ngayon.
At dahil kilala na ako ng mga guards dito kaya naman mabilis akong nakapasok sa loob ng subdivision.
"Kuya, dito na lang po. Ito po bayad ko," Sabay abot ko ng bayad.
"Ma'am, sobra po," anito.
"Okay lang po," nakangiti kong sabi at bumaba na ako.
"Salamat, Ma'am," habol pa n'ya. Tumango lang naman ako at kumaway pa.
Nagtaka pa ako kaninong kotse ang nakaparada sa labas hindi naman ito kay Trevor. Hindi ko na lang pinansin ito baka nagkamali lang ng park.
Nasa tapat pa lang ako ng gate excited na excited na akong makita si Ysha. Kaya naman walang atubili akong nag-doorbell at naghintay ako kay Nanay Linda ngunit hindi s'ya lumalabas ng bahay kaya naman muli akong nag-doorbell nagtataka na ako dahil hindi pa rin s'ya lumalabas. Kaya naman binuksan ko na ang gate dahil hindi naman ito naka-lock. May naulinigan pa akong tila naiyak kaya naman nag- alala ako baka may nangyari kay Ysha. Habang papalapit ako na kompirma ko nga na umiiyak si Ysha, kung kaya naman mabilis kong binuksan ang pinto. Nang marinig ko ang iyak ni Ysha kaagad kong hinanap kung nasaan s'ya at mukhang sa kusina nanggagaling. Kung kaya naman mabilis akong naglakad papunta doon. At ganoon na nga lang ang gulat ko ng makita ko na hawak-hawak ni bisugo ang braso ni Ysha at pinapagalitan habang iyak ng iyak ang kawawang bata. Dito na sumabog ang galit ko ng muntik nang masubsob si Ysha sa sahig ng pabalya n'ya itong itulak. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat sa ulo dahil sal eksena na naabutan ko.
"Anong ginagawa mo?!" Malakas kong sigaw at bakas pa sa mukha n'ya ang matinding gulat nang lumingon s'ya sa akin.
"Mamaaaa!" tawag ni Ysha at mabilis syang tumakbo papunta sa akin at sinalubong ko naman s'ya ng yakap.
"M-mama… M-mama… b-bad s'ya. She's hurting me…" umiiyak nyang sumbong habang nakasiksik sa leeg ko.
"Sshhh, I'm sorry, Mahal ko, late ako.
Stop crying, Mama, is here." Hinaplos-haplos ko pa ang likod n'ya habang patuloy s'ya sa paghikbi. Tinitigan ko naman ng matalim si bisugo at tila ba balewala sa kanya ang nangyari. Na s'ya naman dating ni Nanay at humahangos pa.
"H-helena, bakit umiiyak si Ysha?" gulat pang tanong ni Nanay.
"Nay, nasaan po kayo kanina?"
"Inutusan kasi ako, ng babaeng yan. Upang hanapin daw ang hikaw n'ya sa theater room at pag hindi ko raw nahanap, babayaran ko raw," sumbong pa ni Nanay sa akin. At talagang sobra na ang pagiging bruha nito dapat ko na syang bigyan ng leksyon.
"Mahal ko, sama ka muna kay, Nanay."
"Nay, pakihanda naman po ang damit ni Ysha," ani ko.
At binaba ko si Ysha upang sumama kay Nanay sa kwarto n'ya. Nang makaalis na sila naglakad ako papunta kay bisugo at nakipagsukatan pa ito ng tingin sa akin.
Ngunit natigalgal s'ya ng isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa kaliwa nyang pisngi.
"Para 'yan kay, Nanay! Wala kang respeto sa matanda!"
"How dare you!" Sigaw n'ya habang hawak n'ya ang pisngi nyang nasaktan. Hindi pa s'ya halos nakakahuma sa unang sampal na binigay ko. Isang mas malakas na sampal naman muli ang pinadapo ko sa kanan nyang pisngi na halos ikabuwal n'ya sa kinatatayuan dahil sa lakas nito. At dahil maputi s'ya halos bumakat ang kamay ko sa pisngi n'ya habang nanginginig ako sa sobrang galit sa kanya. Paano kung hindi ako dumating? Paano si Ysha?
"Para 'yan kay Ysha! Wag na wag mong kakantiin ni dulo ng daliri n'ya, wala kang karapatan upang saktan s'ya! Punyeta ka-!"
"What's happening here?!" ani ng baritonong tinig at sigurado ako na si Trevor iyon.
Mabilis lumapit si bisugo dito at tila nagpapaawa pang yumakap kay Trevor.
"Why, Claire?" narinig ko pang tanong ni Trevor. At bigla naman itong umiyak at yumakap kay Trevor.
"T-trevor… h-hindi n'ya ako gusto dito sa bahay mo. N-nagulat na lang ako ng b-bigla n'ya akong sampalin. N-nagmamakaawa ako, sa kanya na tumigil na but, she didn't listen to me," umiiyak na sumbong n'ya. Naningkit naman ang mga mata ko dahil sa kasinungalingan n'ya.
"Helena, bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Trevor sa akin. Gusto ko pa syang murahin dahil dito at talagang pinamumukha n'ya pa sa akin na ako ang kontrabida dito.
"G-gusto ko lang naman magkasundo kami, p-pero ayaw n'ya," muling sumbong ni bisugo at mas lalo pang umiyak sa dibdib ni Trevor.
"Wag mong sabihin sa akin, Trevor... paniniwalaan mo ang kasinungalingan nyan? Sabagay dyan ka naman magaling!" pang- uuyam ko pa sa kanya.
"H-helena, ganyan ka ba talaga?" tanong pa ni bisugo.
"Oo! Gusto mo dagdagan ko pa 'yan?! Liar!"
"Helena, stop," mariing saway ni Trevor.
Pilit kong tinatago ang sakit ng harap-harapan ipagtanggol ni Trevor si bisugo. Kaya naman tumawa pa ako ng pagak.
"Sabagay bagay talaga kayo, isang tanga at isang nagtatanga- tangahan," pang iinsulto ko sa kanila.
Tinignan naman ako ng masama ni Trevor imbes na iwasan ko mas lalo kong sinalubong ang titig n'ya. Naglakad ako papunta ng lababo at naghugas ng kamay. Tinuyo ko muna ito ng towel bago ako naglakad paalis ng kusina at bago ako tuluyan lumabas tumigil muna ako, sa tapat nilang dalawa.
"Naghugas ako ng kamay baka kasi may maiwan na germs sa kamay ko, at mahawaan pa ng pagkatanga ng jowa mo na mukhang bisugo na puyat."
"One more thing bisugo, Subukan mong ulitin ang ginawa mo, hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin," banta ko pa at binangga ko pa ang balikat nilang dalawa at tuloy-tuloy akong lumabas ng kusina.
"Simula ngayong araw na ito buburahin na kita sa buhay ko Trevor. Katulad kung paano mo ako, burahin sa buhay mo," Mahinang sambit ko sa kawalan. Hindi ko namalayan ang pag-agos ng luha ko kaya naman mabilis ko itong pinalis at huminga ng malalim.
Susubukan ko na lang ibaling ang pagtingin ko kay Jariz. Pagod na ako na umaasa.