bc

Sin Querer (Destined Series1)

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
possessive
age gap
second chance
independent
self-improved
campus
office/work place
betrayal
disappearance
first love
like
intro-logo
Blurb

NOTE: THIS STORY'S POVs ARE MOSTLY STARTED BY THE GIRL MAIN CHARACTER BUT IN THE END WE CAN ASSUME THAT IT'S FOR THE BOY MAIN CHARACTER. WE NEVER KNOW.

THIS STORY IS ABOUT TWO PEOPLE WHO MET BY ACCIDENT OR MAYBE BY THE DESTINY.

SIERRA LAIA EDRINA HAS A THOUGH AND DARK LIFE BUT DESPITE OF THOSE SHE REMAIN STRONGER AND INDEPENDENT TO STAND FOR HERSELF, BUT AS TIMES GOES BY AND MEETING DIFFERENT PEOPLE WILL SHE BECOME DEPENDENT AND SOFT FOR THE MEAN TIME? SIERRA HAS BEEN FIGHTING FOR HERSELF BUT IS IT BAD TO HAVE A PERSON YOU CAN RELY ON? HOW WILL SHE MET A PERSON OR PEOPLE THAT CAN APPRECIATE HER AND WILL VALUE HER? WILL HER LIFE BE MORE MISERABLE OR HER LIFE WILL BE MORE BETTER THAN WHAT IT SEEMS LIKE BEFORE.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
They said we shouldn't be too attached on what's in the present and we should think positive because there's a brighter side on our future that we should look forward too. "Seirra! Bumangon ka na r'yan kung ayaw mong sirian ko ang pinto ng kwarto mo!" maaga pa pero sigaw na ni mommy ang bubungad sa umaga ko. I sighed, lagi naman ganito di pa ako nasanay. "Baba na po, nakaligo na ako. Magbibihis nalang" sigaw ko pabalik ngunit dabog lamang ang narining ko. Habang nag aayos ako ng mga gamit ko para sa skwela narinig ko ang sigaw ni mommy, "Yara! jusmeyo naman ang liit nanaman ng grades mo? isa ka pa Yana umayos kayong dalawa!" sinisigawan niya siguro ang mga kapatid ko. I don't think it's bad to have a bad grades as long as hindi talaga as in bumagsak, they are trying their best naman. Pababa na ako ng hagdanan ng narinig ko ang sagot ni Yana, "Ano? Mommy naman we aren't like Seirra na sobrang talino pero tanga tanga at lampa 'no" kumunot ang noo ko sa narinig, bakit nasali ang pangalan ko. Sumilip ako sa kanila sa sala at naabutan kong naka irap sakin si Yana, she is our older sister and Yara na nakayuko at naiiyak is our younger sister, grade 5 palang ito. "Oh! andito na pala ang senyora, bakit hindi s'ya ang pagalitan mo?" saad ni Yara at tumayo para pagtaasan ako ng kilay. Kumunot ang noo ko sa kanya, sinasabi nito? "Ate stop, walang kinalaman si Ate Seirra kung bakit tayo... uhmm.. bobo" humina ang boses n'ya sa huling salita. Tinignan ko ito ng maigi, "Walang bobo na tao Yara, 'wag ka mag-alala tuturuan kita mamaya pag 'di ako busy" sabi ko dito ng naka ngiti, "Talaga ate? thank you so much" sabi nito na ngi-ngiti ngiti at umayos sa tayo. Humalakhak si mommy, "Ayan para naman magkasilbi ka Seirra hindi puro sarili lang iniisip" saad nito bago umalis papuntang kwarto n'ya para siguro kumuha ng pera. "Pabida ka talaga kahit kailan Seirra, bakit hindi nalang ikaw ang sumalo tutal mapapel ka" pahabol ni Yara bago sumunod kay mommy. I sighed at tinignan si Yana, nginitian ko lang sya to make sure na di ako naapektuhan sa sinabi ni ate. Bumalik na sina mommy at Yana, binigyan nya kami ng pera pero napansin kong ibang halaga ang binigay nya sa akin kompara sa kanila. Tinignan ko muna ito bago pinasok sa bulsa ko, "Oh? 'wag ka na magreklamo, buti nga binigyan ka pa e" sabi ni mommy at umalis na sa harapan namin. Tinignan ko ang pera ko, 100 pesos kasama na dito yung pamasahe ko. I sighed, di nalang ako mag s-snack. Nasanay na rin naman ako. Dati no'ng buhay pa si Daddy, yung baon namin pantay-pantay. 200 pesos at hatid sundo pa kami pero nung namayapa na si Daddy ay unti-unti namang nag bag-o ang ugali ni mommy sa akin, nung una akala ko dahil lang iyon sa stress at di pag tanggap na wala na si Daddy ngunit tatlong taon na simula no'ng nawala sya kaya hindi ko na alam bakit parang iba ako sa mga kapatid ko. "Ate, here oh. Sayo nalang tong naiwan kong pera kahapon" Sabi ni Yara at inabot sa akin ang 50 pesos nya, nginitian ko lang ito at umiling. "Naku, wag na ipunin mo nalang yan tsaka my ipon naman ako nasa kwarto nga lang" Nginitian ko ito bago sya pumasok sa sasakyan. May sasakyan kami, hindi nga lang ako sumasabay kasi ayaw naman ni Yara at ayaw ko rin ng away nakaksura kasi lagi nalang syang galit. Nakakasakay lang ako ron pag sinasama ako ni Manang sa grocery at kung busy ang mga katulong. No'ng buhay pa si daddy, hatid sunod kami lagi pero no'ng namayapa na sya ay hindi na dahil ayaw ni Yara at nagagalit naman si mommy, kailangan ko raw matutong mag-isa. No'ng nawala si daddy ako ang huli nyang hinanap, hindi ko alam kung bakit no'ng kinakausap ko sya ay may gusto syang sabihin kaso hindi nya nasabi ng buo dahil nawalan na ito ng hininga sa higaan sa hospital. Simula n'on mas lalong nagalit saakin si mommy at Yara, sinisi rin nila ako sa pagkawala ni daddy pero ang alam ko namatay si daddy dahil lumala ang sakit nya sa baga. Bumaba na ako ng sasakyan papasok ng school, this is a private school kaya expected na ang sunod sunod na mga mamahaling sasakyan. May mga nag tatanong sa akin bakit hindi raw ako sumasabay kay Yara at may mga tao naman na akala mo isa akong madumi para lapitan nila. Busy ako sa iniisip ko ng sumigaw, "SEIRRA! kanina pa kita tinatawag" bungad ni Cristine, nginitian ko ito "Pasensya na, diko narinig Cristine e" saad ko. Magkaibigan na kami since first year high school, nasa grade 11 naman kami ngayon. No'ng una ay ayaw nya talaga na makipagkaibigan dahil nalaman nyang Edrina ako, pinaliwanag ko naman na hindi hadlang ang estado ng buhay sa pagkakaibigan namin. Tinuturing nyang mahirap sila pero para sa akin ay mayaman sila sa kasiyahan at pagmamahalan. Nilingon nya ang kalsada, "Di ka nanaman pinasakay? Demonyita talaga yang kapatid mo" saad nito na may halong inis, nginitian ko sya. "Hayaan mo na gusto ko rin e" saad ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang cafeteria. "Kung andito lang sana daddy mo baka matagal ng napagalitan yang bruha na yan!" saad nito at may sinusundan ng tingin, tinignan ko rin ito. "Hala si Gray, mag ayos ka mag ayos ka" saad nito sa akin at siniko ito, tinawanan ko lamang sya. "Ano ka ba, crush mo yun diba?" inis na sabi nya, gusto nya talaga na magpansinan kami ni Gray. "Sayang wala yung kapatid nya 'no" sabi ng may halong panunuya, si Gray ay grade 12 student at amy kapatid syang kaedad namin si Red na gusto naman ni Cristine. Hinila nya ako at nangisay sya sa kilig no'ng lumingon si Gray saamin at kumaway, kinawayan ko rin to pero itong katabi ko ay parang mas kinilig pa kaysa sakin. Hinila ko rin sya papunta sa akin baka sakaling tumigil sya dahil papunta si Gray saamin ng may naapakan akong bato, akala ko sabay kaming babagsak ni Cristine ngunit nakawala ito sa akin. Pumikit ako para mainda ang sakit ng may naramdaman akong nabangga ko at nakasalo sa akin. Dumilat ako, his define jaw, his thick eye brow, pointed nose and- Hindi ko pa natapos na titigan ang mukha nya ng may humila sa akin, "I'm sorry about that, she's clumsy talaga e" boses ni Yana ang narinig ko. Lilingon ko na sana ang lalake na tumulong sa akin ng hinila ako ni Cristine papuntang cafeteria, ang liit lang ng nangyari pero andaming tao ang naki-usyuso. Nakita ko pa si Gray na parang may hinahanap. "Pasensya na talaga Seirra" pagsisi ni Cristine, kumunot ang noo ko. "Hindi mo naman kasalanan 'yon isa pa di naman natin 'yon sinasadya ano" saad ko sa kanya, "Yun na nga e, di sinasadya pero yung nabangga natin ay yung anak ng isang shareholder daw dito at strikto daw 'yon e naku." paliwanag niya at natawa naman ako, "kung ganon ano naman? di yun sadya ano" sabi ko at umupo nalang ako sa upuan namin para magpalipas ng oras. "Ano iniisip mo dyan?" tanong ko sa kanya, "Iniisip ko kasi pano kaya kung sabihin nya sa mga magulang nya na paalisin ka o tayo dahil nabangga natin sya? naku naman" pag aalala nito, tinawanan ko sya. "Alam mo ang liit lng nun hindi pa sadya, kaya kung paaalisin nya man tayo dito dahil lang do'n ang babaw nya namang tao kung ganon" saad ko at may umupo sa gilid ko, sa unang tingin akala ko nakikiupo lang pero tinitigan nya ang bag ko sa gilid. Kinuha ko ito at nilagay sa harap ko para makaupo sya. "Hi? so nakalimot ka na agad?" sabi ng katabi ko, nilingon ko ang nasa likod ko bago si Cristine na iling nang iling saakin, kumunot ang noo ko. "Ikaw ang kausap ko miss" sabi nito saakin, diko to kilala e. Sino ba to? "Uhm sorry, sino ka pala?" tinaasan ko sya ng kilay, tinignan ko si Cristine na napasapo sa noo nya. He chuckled, "Sya uhm sya yung tumulong sayo kanina Seirra" sabi ni Cristine bago bumuntong hininga at umiling. Tinignan ko ang lalake, "Uhm sorry diko alam. Thank you and sorry di namin sinasadya na mabangga ka kanina" sabi ko at nginitian ko lamang sya, tumango sya pero may bahid ng pagkabigla ang mata kaya tumayo nalang ako para umali, alam naman na siguro 'yon ni Cristine. Nakalabas na ako ng Cafeteria peri paglingon ko ay wala doon si Cristine, hinanap pa sya ng mga mata ko bago ako bumalik sa cafeteria para makita sya na kausap parin 'yong lalake. Nilapitan ko sila, "Tine, di ka pa ba papasok? 30 mins nalang first period na natin" sabi ko sa kanya, tinignan ako nito at tumayo na diko man lang matignan ang lalake. All I can remember are his thick eyebrow, dark eyes, pointed nose, define jaw and kissable lips that can make him look like a greek god. Pinilig ko ang ulo ko at umupo na sa upuan namin para hintayin ng teacher, nilingon ko si Cristine na ngiti nang ngiti habang nakatingin sa akin ng naabutan nya ang tingin ko ay umayos ito ng upo. Mabilis lang ang oras, mabilisan lang din naman ang duscussion dahil last sem na namin to kaya puro research lang kami. Papunta kaming cafeteria para kumain ng lunch kaso di pa ako ginugutom kaya sasamahan ko lang muna si Cristine nang nakasalubong namin sina Danica. She looked at us as if ang dumi namin, tinaasan ko sya ng kilay kaya pumalag sya. "Tinataasan moko ng kilay?" tanong nya, tinignan ko lang sya taas baba at ngumiti bago sya nilagpasan. Natawa naman si Critine. Danica is a bully, sobra yung pamamahiya nya sa mga studyanteng scholars at mga nakikipag kaibigan sa kanila kaya yung iba sila na mismo ang lalayo, "Saglit nga Seirra, porke ba Edrina ka akala mo matatarayan moko?" sabi nito at hinila ako, natawa ako sa sinabi nya. "Hindi sadyang hindi ka lang talaga nakakatakot" sabay ngiti ko sa kanya, napanga-nga ito at aambahan sana ako ng sampal ng dumaan si Gray at tinawag ako. "Seirra" lumapit ito saamin at tinignan sina Danica, nag ayos naman agad ito ng damit nya. Gusto nya talaga si Gray. "Gray! Hi, san kapatid mo?" tanong ni Cristine, di man lang sya tinignan ni Gray dahil nakatingin ito sa kamay ni Danica sa pulsohan ko. Binawi ko ang kamay ko at nginitian sya, "Hi, aalis na kami sge" paalis na kami bg marinig ko ang sinabi ni Gray kay Danica, "Nambubully ka nanaman ba Danica? Wag si Seirra!" inis na galit nito, narinig rin ata ni Cristine dahil siniko nya ako. Nginitian ko lang sya at pumasok na para makakain. Busy sya kakakain habang ako naman busy sa hinahanap ko na topic namin sa libro, gusto ko lang mag advance study nang may naglagay ng pagkain sa harapan ko, "Uhm di po ako nag order e" sabi ko sa nagbigay, "Ay hija may bumili nyan e, sabi sayo daw ibigay" saad nito sa akin, nilingon ko ang mga tao pero wala naman akong nakita na kakilala ko pero nakita ko yung tumulong kanina na medyo mayabang, may kasama syang babae na halos pumulupot sa kanya. Inismiran ko ito. "Oh? galit ka dyan?" natatawang tanong ng kasama ko, "I really hate cheaters and players Cristine, tignan mo sa likod mo oh. That guy, akala ko mabait kasi tumulong sa atin and my guts is right, hindi pala talaga" sabi ko sa kanya at tinuon ang pansin sa pagkain na nasa harapan ko. Nagpasalamat ako sa nagbigat kahit di ko kilala, sayang e. "Aw sinabi ko sayo kanina na ganyan yan e. Nga pala, bakit ka mag pagkain? sabi mo gutom ka" pinilig ko ang ulo ko at pinaliwanag sa kanya kung bakit ako may pagkain. "Aba may secret admirer ka na te" panunuya nya sakin at kumain na. Lagi kong nakikita yung lalake pero di ko alam ang pangalan nya, di ko na rin tinanong dahil wala naman akong interest sa kanya. Tapos na ang klase, nasa gate na ako ng bahay nakita ko na naka park na rin ang sasakyan na ginamit nina Yara pero yung kay mommy wala pa baka nasa opisina sya. "Seirra? Hija kumain ka na dali. Di ka nag agahan kanina" maligayang sabi ni Manang sa akin, andito na si Manang samin simula nung nawala si Lolo sa amin, tinuring ko na rin syang lola ko. Kumakain ako sa hapag at nakikipag kwentohan kay manang ng sumilip si Yara, "Aba naman senyorita kumakain ka? di ka man lang nagwalis sa labas?" padabog na tanong nito, "Kumakain ako Yara, mamaya na o baka gusto mo ikaw nalang." Sabi ko sa kanya at patuloy na kumain. Hinampas nya ang lamesa at sumigaw, "Linisin mo na ngayon din" saad nito sa akin. Bumuntong hininga nalang ako bago tinapos ang kinakain at lumabas na para magwalis, napaka simpleng gawain di man lang nya magawa. Busy ako kaka-walis ng nakita kong may dumaan na black BMW, di naman masyadong dinadaanan ng mga sasakyan dito sa amin lalo na kasi village to at kilala na namin ang mga sasakyan ng mga kapitbahay namin pero naisip ko na baka bagong bili lang. Pagkatapos ko magwalis ay naligo muna ako at nagbihis para tumulong sa pagluluto ni Manang, "Oh hija, umupo ka na lang roon tapos na ako e, kakain na kayo" sabi nito, tumango ako at papasok na sa dining area. Naabutan ko sina Mommy na nakaupo roon, "Seirra, mamaya ka na kumain. Tulungan mo nalang ni Stella" sabi ni mommy na hindi man lang ako tinignan, bumuntong hininga ako at tumingin kay Yana na nakangiti. Nagtitimpi lang ako dahil ayoko ng alitan, sigawan at sagutan. Tapos na sila kumain ng ako naman ang kumain sa hapag, mag isa nanaman ako. Hindi ko alam bakit at ano ang dahilan kung bakit sobra ang galit ni mommy sa akin, kahit noong buahy pa si daddy ay iba ang turing nya sa akin. Pumunta ako ng sala para sana magpahinga bago pumanhik sa kwarto at tawagin si Yara para tulungan sya sa assignment. Andoon rin si mommy at Yana, "I'll give your credit card na sa pasukan nyo sa college Yana at sana maayos grades mo" sabi nito bago ako nakaupo, tinignan nya ako. "Ikaw naman Seirra, tumulong tulong ka na sa bahay dahil mag aalis ako ng dalawang kasambahay." sabi nito ng inikabigla ko, ano naman rason nya? "wag ka na magtanong, echosera ka rin e" pag sabat ni Yana at nginitian si mommy. Nagtaka pa ako, ket di sila mag alis ng kasambahay ay tinuturing naman nila akong katulong dito. Pumanhik nalang ako sa kwarto ko, tinawag ko na si Yana kaso sabi nito ay tapos na raw sya dahil pagod ako ay nagpahinga nalang ako. Nakakatamad na araw talaga to pero kailangan ko umayos, binantaan na ako ni mommy na kung tututol ulit ako sa kanya ay di na nya susuportahan ang pag-aaral ko. Kinabukasan, ganun parin naman ang pangyayari. Magkakasalubong kami ni Cristine lagi sa may gate, sa ngayon naglalakad kami papunta sa room namin dahil pansin namin ay marami atang tao ngayon sa cafeteria dahil ando'n daw ang mga baskteball athletes. Habang naglalakad kami, ay may dumaan na black BMW sa harap namin at muntikan na kami masagasaan. Sa sobrang inis ko ay hinampas ko ang salamin nito. Lumabas naman ang may-ari, iyong lalake kahapon. Tinignan ko sya ng masama, akala nya ha. "What? I already accepted your thank you yesterday right?" ignorante nitong sabi, aba ang kapal ng mukha."Nah, Gusto ko bawiin. You almost hit us you moron." hindi ko rin alam bakit sobrang wala ako sa mood ngayon. "Tara na Sei, andami nakatingin." saad ni Cristine at hinila nya ako. "What? di yun sinasadya" paliwanag nys, nginitian ko sya. "Wala akong pakealam, mag dahan dahan ka kasi!" halos pasigaw kong saad sa kanya. "What the heck Seirra?Ang arte mo ha di nga sinasadya e" nilingon ko si Yana, kung ano man ang dahilan bakit sya napunta dito ay wala na akong pakealam. "I'm really sorry Zen, she's kinda crazy" sabinnito sa lalake at nginitian ito. Tinigna ko silang dalawa at inirapan, umalis na ako roon diko man lang tinignan kung kasama ko pa ba si Cristine. Nakapasok na ako sa room namin pero si parin maalis ang inis at pagtataka ko kung bakit sobra yung reaction ko kanina. "Te, te" takbo ni Cristine sa akin, "Dimo nakita ang sumunod na nangyari, nagalit si Gray te" kwento nito sa akin, tinignan ko lamang sya ng may pagtataka. "Nagalit si Gray, hindi ko alam saan nya nalaman pero nagalit sya dun kay Zen, sabi nya kung nabangga ka raw ay wag daw sila magsisihan sa susunod na mangyayari" paliwanag ulit nito, ano namab kinalaman ni Gray dito. Ang layo ng building nila nakasagap pa sya ng balita? Buong umaga ko inisip yung nangyari at sinabi ni Cristine, palabas na kami ng room papuntang cafeteria para sa lunch break namin, lagi talaga nami nadadaanan sina Danica dito pero sa di malamang dahilan ay hindi namin sya nadaanan pero ang mga tao sa hallway ay tingin nang tingin sa amin na akala mo namab may bitbit kaming patay na katawan. "Bakit ba sila tingin nang tingin?" pabulong kong tanong kay Cristine, "Hindi ko rin alam te e, wala namang nangyari after magalit ni Gray kanina"saad nito sa akin kay mas lalo akong nagtaka. "Willing ako magpasaga basta mapansin lang" tili nung isang babae, tinignan ko sila kaya annahimik sya. Kumunot ang noo ko, ano ba meron? naninibago talaga ako. "Di ko alam kung maaawa o maiinggit ako sayo Seirra" singit nung isa sa may pintuan ng cafeteria at tumili sya, anonv maaawa at maiinggit? baliw ba sila? sila kaya yung sagasaan ko ng literal. Kinalabit ako ni Cristine, "Ano?" inis kong tanong di sya sumagot pero tinuro nya lang ang likod ko. Nilingon ko ito at nagtaka.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook