CHAPTER 4
Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi. Nakakagulat naman ang sinasabi ni Senyorito Leandro.
Sa tingin niya ba pagkain 'tong labi ko at gusto niyang tikman?
“P-po? Lasing po ba kayo?” nakakunot ang noong tanong ko. Humalakhak ito. Tinaas niya ang kanyang kamay at tinuro ang aking labi.
“No, I am not drunk. I was just curious about what your lips taste like,” namamaos na sabi niya.
Bakit curious siya? Anong meron sa labi ko? Mas mapula pa nga ang labi niya kesa sa akin. Hindi rin naman ako maarte sa mukha ko. Hindi nga ako marunong maglagay ng make-up. At sa tuwing pumapasok ako ay manipis na lipstick lang ang nilalagay ko sa labi ko para hindi naman maputla tingnan. Kailangan kasi maging presentable rin kami tingnan kapag pumapasok kahit ang dami ng gagawin. Napipilitan tuloy akong maglagay ng kahit manipis na lipstick man lang sa labi ko. Pero kapag lumalabas ako at wala man lang pasok ay hindi ako naglalagay. Pakiramdam ko kasi kapag may make-up ako ay ang bigat-bigat sa mukha ko. Hindi naman ako against sa mga babaeng nagsusuot ng make-up. Kasi doon sila kumportable. Ako kumportable ako sa walang suot kaya.
Naalala ko na 'yong lipstick na ginagamit ko ay galing pa sa ina ni Senyorito Leandro. Marami kasing nagbibihay sa kanya at ang ibang hindi niya naman nagagamit ay sa akin napupunta. Ako lang kasi ang dalaga sa mga katulong dito kaya pagdating sa mga pampaganda ay sa akin napupunta. Mapagbigay ang mga magulang ni Senyorito Leandro. Ibang damit ng Tatay ko mga branded dahil galing 'yon kay Don Mariano.
“Wala naman pong lasa 'tong labi ko, Senyorito,” kinakabahang sabi ko.
Sa tingin ko ay naramdaman niya ang kaba ko sa pamamagitan ng pagsasalita ko. Kinakabahan kasi ako sa presensya niya.
“I think it has. One day, I'm gonna taste those lips,”
Ilang araw na tumatak sa aking isipan ang mga sinabi niya.
Sa loob ng mga araw na ‘yon, palagi kong nahuhuli ang mga tingin ni Senyorito Leandro sa akin. Kapag malapit naman kami sa isa’t-isa, ang mga tingin niya ay nandoon palagi sa aking labi. Kahit nag-uusap kami, nakatutok ang mga mata niya sa labi ko. Pakiramdam ko ay gustong-gusto niyang tikman ang mga labi ko. Ano ba ang meron sa labi ko at natatakam siyang tikman iyon?
Nalibing na ang kanyang mommy. Akala ko ay babalik na siya sa ibang bansa pagkatapos ng libing ng mommy niya pero narinig ko sa mga kasamahan ko ay magtatagal pa raw dito si Senyorito Leandro.
Kasalakuyan akong nagpapakain ng mga alagang pusa ni Senyorito Alejandro. May dalawa siyang pusa na ang pangalan ay Black and White. Parehas iyong lalaki. At halata naman siguro sa pangalan kung ano ang kulay nila. Mga alaga sila ni Senyorito Alejandro na ako naman ang madalas na nagpapakain. Nakuha lang ‘to sa labas at inampon na niya. Ang arte pa ng mga pusang ‘to dahil gustong manok palagi ang kinakain. Mas masarap pa ang ulam niya kesa sa amin ng pamilya ko.
Hapon na ngayon at kakatapos lang ng klase ko. Dito na ako dumiretso kanina. Pero uuwi ako mamaya mga bandang alas otso ng gabi dahil may pasok pa ako bukas ng umaga. Isang sakay lang naman ng tricycle ang pauwi sa amin. Si Tatay ay wala rito dahil sinama ni Don Mariano sa meeting niya. Minsan si Tatay ay dito na siya natutulog.
“Ang sarap naman ng mga ulam n’yo. Ang swerte n’yo dahil napadpad kayo rito,”
Hinimas ko ang balahibo nito habang kumakain sila. Ang arte nitong mga pusa na ‘to. Palaging nakatambay doon sa kwarto ng amo nila dahil malamig doon. Lumaki ring mayaman ang mga pusa na nakuha lang sa labas.
“Ligaya,”
“Ay, palaka!” malakas na sigaw ko.
Muntik na akong atakehin sa puso! Bigla ba namang may kumalabit sa akin.
“Magandang hapon po, Senyorito. Pasensya na po, Senyorito Leandro. Nagulat lang po ako. May kailangan po ba kayo?”
Mabilis akong tumayo at yumuko para magbigay ng respeto sa kanya.
Wala siya kanina nang dumating ako. Ang gwapo niya tingnan sa suot niya. Black shoes, black slacks, white inner, at isang black coat. ‘Yan ang ang mga sinusuot ng mga pumupunta sa business meeting, ‘di ba? Si Don Mariano sa tuwing umuuwi ganyan ang suot niya palagi.
“Can you clean my room? The floor is a bit dirty,” mabilis pa sa alas kuwatro akong pumayag. Bakit pa siya nagtatanong kung pwede ko bang linisin ang kwarto niya? Trabaho ko ‘yon!
“Oo naman po!” sagot ko.
“Good. Then follow me upstairs,”
Nauna na itong umakyat sa akin dahil kumuha pa ako ng mga gamit panlinis sa stock room. Hindi naman ako maliligaw kung nasaan ang kwarto niya dahil kahit wala siya rito ay madalas namang ako ang naglilinis ng kwarto nila rito. Ilang beses na akong nakapasok sa mga kwarto nilang magkakapatid. Except lang doon sa kwarto ni Don Mariano na tanging si Manang Lilet lang ang nakakapasok at naglilinis nun. Kasama na rin ang office niya sa bahay na ‘to. Bawal kami sa area na ‘yon. Kahit silip hindi kami pwede doon. May isa akong naaalala na baguhan lang dito. Sinabihan na siyang bawal puntahan iyon pero aksidenteng niyang napasok dahil naligaw siya. Isang linggo pa lang siya nasibak na agad sa trabaho niya. Kaya takot kaming pumunta doon.
Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto. Nagtaka ako nang walang sumasagot. Umakyat na siya kanina, ah? Kumatok ulit ako ng dalawang beses at doon pa lang bumukas ang pinto.
“Senyorito!”
Hinawakan niya ang aking pulupulsuhan at mabilis akong hinila papunta sa loob kasama ang mga gamit panlinis na dala ko.
“Senyorito… anong ginagawa mo?”
Dumampi ang aking likuran sa likod ng pinto dahil tinulak niya ako para mapasandal doon. Naramdaman ko ang pagkuha niya sa mop na nasa aking kamay at natapon iyon sa sahig. Tumunog pa iyon ng malakas. Nasa itaas ng ulo ko ang isang kamay niya. Nakayuko ito ng kaunti upang magpantay ang mga mukha naming dalawa. Naduduling na ako sa sobrang lapit namin. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin at kaunting galaw ko lang ay paniguradong tatama ang ilong ko sa ilong niya. Pigil na pigil ko ang aking paghinga nang inilapit niya pa lalo ang mukha sa akin. Double ang naging t***k ng puso ko at parang lalabas na iyon.
“Senyorito… bakit ang lapit ng mukha n’yo?”
Nanghihina kong tinulak ang dibdib niya pero parang nagtulak lang ako ng pader. Wala iyong naging epekto. Matigas ang dibdib niya.
“Senyorito… ano-”
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil sa pagtama ng labi nito sa aking labi. Nanlaki ang aking mga mata. Kahit na nararamdaman ko ang paggalaw ng labi niya ay nanatiling nakamulat ang aking mga mata.
Siya naman, nakapikit pa ang mga mata. Ito ba ang tinutukoy niyang titikman niya ang labi ko? Ang lambot ng labi niya.
Nasa tatlumpong segundong nagtagal ang paghalik niya sa aking labi.
Hindi ako makapagsalita nang tumigil na siya. That was my first kiss. Siya ang unang lalaking nakahalik sa akin. Sa tindi ng bakod na nilagay ko sa sarili ng ilang taon. Siya lang ang nakawasak nun. Nakuha niya ang pinaka-iniingatan ko.
Nang tinitigan ko ang mga mata niya ay halos mapaso ako sa nag-aapoy niyang mga tingin. Dinilaan niya ang kanyang pang-ibabang labi bago lumabas ang ngisi niya. Pakiramdam ko ang nanghina ang aking tuhod na kailangan ko pang kumapit sa dibdib niya.
“Damn… your lips taste sweet and it’s fvcking addicting,” bulong nito. Tumatama pa sa mukha ko ang hangin na lumalabas mula sa labi niya nang magsalita siya. Ganoon kalapit ang mukha naming dalawa.
“Paano naging sweet ang labi ko? Wala naman akong flavor na nilagay d’yan. 'Wag n'yo po akong hahalikan. Bawal pong manghalik kapag hindi girlfriend,”
Nagtatakang tanong ko. Natawa siya sa tanong ko. Hinaplos niya ang labi ko gamit ang hinlalaki niya.
“Who said that? I can kiss you if I want to. And it has a flavor. Or maybe I am wrong. Should I taste it again?” hindi mawala sa labi niya ang kanyang pagngisi.
Hindi pa ako nakakasagot ay dumampi na naman ang labi niya. Mulat na mulat pa rin ako habang patuloy na gumagalaw ang labi niya. Mabagal lang, pagkatapos ay paminsan-minsan niyang kinakagat, at nararamdaman ko ang pagalaw ng labi niya doon.
Habol-habol ko ang aking paghinga nang tinigilan niya ang labi ko. Pakiramdam ko ay nagkasugat pa iyon.
Bakit ba halik nang halik 'to?
“Ganoon pa rin ba ang lasa, Senyorito? Matamis pa rin ba?” tanong ko.
Natatawang itong tumango sa akin. “It’s still the same,”
Naalala ko ang totoong pakay ko rito. Maglilinis nga pala ako! Bakit nauna pa 'tong halikan?
“Senyorito, pwede na po ba akong maglinis?”
“Let me taste it again,”