CHAPTER 46 F O U R Y E A R S L A T E R Apat na taon na ang lumipas simula nang umalis kami sa dati naming bahay. Napadpad kami sa malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa amin. Sa lugar na 'to, walang signal, ang mga tao ay wala ring nga telebisyon at mga cellphone. Naging mapayapa ang apat na taon namin sa bago naming lugar. Nagsimula ulit kami sa wala. Mahirap, sobrang hirap. Sa islang ito, kaunti lamang ang mga tao. Ang pangunahing hanapbuhay nila ay pangingisda. Sa una ay sumasama lang si Tatay sa kanila dahil hindi pa siya marunong. Pero nang makapag ipon-ipon na kami ng konti ay bumili na rin kami ng sarili naming bangka para kay Tatay. Limang libo lang ang pera namin nung umalis kami. Binenta ko ang aking lumang cellphone sa halagang dalawang libo para na rin may panda

