CHAPTER 78 “Kasal?” nagugulat na sigaw ko. “Tell her we're going to get married soon,” wika ni Ninong. Lumipad ang kamay ko kay Ninong. “Matagal pa 'yon!” sagot ko. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Makukurot ko sa singit ni Janella! Pinapatanong niya pa talaga! Wala siyang nakuhang sagot sa akin kaya inutusan pa ang kapatid ko para kay Ninong Leandro mismo magtanong? “Ikaw, Joy, 'wag kang sumunod sa mga sinasabi sa 'yo ni Ate Janella mo. Ang babaeng 'yon talaga,” Nakarating na kami sa bayan. Pumunta kami sa tindahan kung saan may nagbebenta ng mga foam. Nasa unahan namin si Joy. Nasa gitna namin ni Ninong si Alas at parehas kaming nakahawak sa magkabilang kamay nito. “Ito ayos na rin, Ninong. Hindi masyadong malaki at kasya lang sa bahay,” wika ko habang hinahaplos ang isang

