WAKAS “Wala kang dapat na ipagpasalamat sa akin. This is all because of you, Ligaya. Pinaghirapan mo lahat ng ‘to,” Umakbay ang kamay niya sa aking likod. Nakapaskil ang mainit na ngiti sa mga labi naming dalawa habang nakatitig kami sa malaking bahay. Nakapasok na sa loob ang mga magulang at kapatid ko kasama si Alas. Nangungulila rin ako sa buhay namin dito sa isla kahit ilang taon na ang dumaan. Kapag naririnig ko ang bawat hampas ng alon ay parang may yumayakap sa akin. Pinapakalma ako. Marunong na rin akong magdrive ng kotse ngayon. Ayaw na ayaw ni Ninong na turuan ako. Kasi ang sabi niya bakit pa raw ako magpapaturo sa kanya kung paano magdrive ng sasakyan kung nand’yan naman siya para ipagdrive ako araw-araw. Pero naging goal ko na rin sa buhay ‘yon. Bago natapos ang taon

