CHAPTER 71 Sa unang tawag ko ay hindi sila gumising. Dahil ayaw kong masira ang tulog nilang dalawa ay hindi na ako gumawa pa ng anumang ingay. Nakatingin lang ako sa kanila dalawa. Hindi ako magsasawang tingnan ang ganitong imahe. Ang sarap makita na magaan na agad ang loob ni Alas sa ama niya at hindi na nito kailangang mag-adjust pa. Kumikirot pa rin ang aking likuran. Salamat sa Diyos at binigyan niya pa ako ng panibagong buhay. Pangalawang buhay ko na 'to. Ibig sabihin lang nito, dahil binigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon ay may kailangan pa akong gawin dito sa mundong ibabaw. Sinabi siguro ng Diyos na kailangan ko pang mabuhay dahil hindi ko pwedeng iwan ang anak ko. Dahil mabubuo pa pala ang pamilya ko at kailangan ko itong makita. May purpose pa ang Diyos kaya binuha

