CHAPTER 36 Tumingin ako kay Nanay upang icheck kung nakita niya ba ang ginawa ni Ninong pero nanatili siyang nakatalikod sa amin. Nilingon ko rin ang kapatid ko at hindi rin ito nakatingin sa amin. Kung saan-saan na lang dinadala ni Ninong ang kalandian niya. Hindi pa nakuntento sa ginawa naming dalawa sa loob ng sasakyan niya kanina at humalik pa talaga sa labi ko. “Umayos ka, Ninong. Wala tayo sa kwarto mo,” pabulong na sabi ko. Natawa ito at nagsubo ng cake niya. “She didn't notice it though,” pagrarason niya pa. Bumalik si Nanay na may dalang tubig para sa aming dalawa ni Ninong. “Senyorito, kumusta na pala ang pinapatayo mong clinic dito?” “Oh, baka sa susunod na linggo matatapos na 'yon. You can come to the opening,” Kinurot ko ang kamay niya nang pumatong ito sa ibabaw ng

