CHAPTER 6

1352 Words
CHAPTER 6 Naalimpungatan ako nang may kumatok sa kwarto ko rito sa mansyon. Nang buksan ko ang aking cellphone upang tingnan ang oras ay alas onse na ng gabi. Mahimbing na ang tulog ko kanina. Humihikab pa ako nang binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin si Manang Lilet. “Manang? Bakit po? May kailangan po ba kayo?” tanong ko. Pinunasan ko ang aking mukha. “Ihatid mo sa kwarto ni Senyorito Leandro ang paborito niyang wine. Kunin mo na lang doon sa kusina dahil nailabas ko. Simpleng utos lang 'yan at sana 'wag kang pumalpak, Ligaya,” Pinagkrus niya ang kanyang kamay sa dibdib niya. Nang dumating ako kanina ay wala ang magkapatid at lumabas daw. Alas onse na ba sila umuwi? Ang huling pagkikita naming dalawa ni Senyorito Leandro ay nung hinalikan niya pa ako. At kahapon iyon nangyari! Tinablan na ako ng hiya nang umalis ako kahapon pagkatapos kong maglinis ng kwarto niyang wala namang dumi. Hiyang-hiya ako sa kanya at hindi ko na siya halos matingnan sa mga mata niya. Kung hindi lang dahil sa trabaho ko ay hindi na ako magpapakita pa sa kanya. “Sige po, Manang. Ihahatid ko po sa kwarto ni Senyorito Leandro,” magalang na sagot ko. Kahit inaantok pa ako ay pumunta ako sa kusina. Hawak ko ang wine glass at bottle, umakyat na ako sa taas ng kwarto niya. Nakakapagod pa dahil ang taas ng hagdan nila. Nakabukas na ang pinto nang dumating ako sa tapat ng kwarto ni Senyorito Leandro. Kahit nakabukas na ang pinto ay hindi pa rin ako pumasok sa loob. Kumatok pa rin ako. Baka mamaya mapagalitan pa ako kapag basta-basta akong pumasok sa loob ng hindi kumakatok. Sumulpot na lang sa harapan ko si Senyorito Leandro at ang nakakagulat pa ang wala itong suot na pang-itaas na damit. Gusto kong takpan ang mga mata ko pero parehas na may hawak iyon. Ang ganda ng katawan niya. Kitang-kita ko ang abs niya. Paano kaya magkaroon ng ganyan kagandang katawan? Ang v-line niya. Bumaba pa lalo ang aking tingin at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang bukol nito sa gitna ng hita niya. Kahit may suot siyang slacks ay halata pa rin. Iniwas ko ang aking tingin nang tumikhim ito. “Ito na po ang wine n’yo, Senyorito,” Sinikap kong tumingin sa mukha niya pero makulit din ang mga mata ko at napapasulyap talaga ako sa katawan niya. Nagising ata ang buong diwa ko kahit na antok na antok na akong umakyat dito kanina. “Can you put it inside?” Napamura ako. Papasok pa talaga? Pwede niya namang kunin na lang ang wine sa akin para hindi ko na kailangang pumasok. Huling pasok ko rito nakuha niya ang first kiss ko! Sa tingin ko ay may mangyayari na namang hindi ko inaasahan kapag papasok ako sa loob. Pero may karapatan ba akong magreklamo sa kanya? Hindi naman ako ang boss niya. Pumasok ako sa loob at kinabahan na agad ako nang sinara niya ang pinto. Ito na nga bang sinasabi ko! Lalabas din naman ako bakit kailangang isara pa? May ibang pakay na naman 'to sa akin! Kahapon wala namang dumi ang sahig niya pero pinagmop niya ako pagkatapos halos durugin ang labi ko dahil sa halik niya. May sariling mga sala ang kwarto ng magkakapatid. May malapad na tv sa harapan. May walk-in closet. Nilapag ko sa center table ang wine. Humarap na ako sa kanya para magpaalam na. “Aalis na po ako, Senyorito,” wika ko. Tumungo ako upang magbigay ng respeto sa kanya. Lumakas ang t***k ng aking puso nang hinawakan niya ang aking kamay. Tumingala ako. “Mamaya na, samahan mo muna ako ritong uminom,” sambit nito gamit ang paos na boses. Napalunok ako. Wala akong pasok bukas, ngunit hindi naman tama na sasamahan ko siyang uminom. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako sumagot. “May iba pa po ba kayong kailangan, Senyorito?” kinakabahang tanong ko. Hawak-hawak niya pa rin ang aking kamay. Ang init ng kamay niya, samantalang ang kamay ko ay parang patay na sa sobrang lamig. Malakas ang aircon sa loob ng kwarto niya at higit sa lahat ay kinakabahan ako kaya ako nanlalamig! “I need to taste your lips again, Ligaya.” Halik na naman? Humalik din siya kahapon sa akin! Wala akong sinabi kay Nanay tungkol sa halikan na naganap kahapon. Walang ibang nakakaalam nun. Except na lang kung may ibang sinabihan si Senyorito, Leandro. Anong meron sa labi ko? Gusto na naman humalik! Hindi ba ‘to nakakahalik ng ibang babae sa ibang bansa at dito hingi nang hingi sa akin ng halik? “Halik po, Senyorito? Bakit n’yo po gustong halikan ang labi ko?” Binitawan niya ang aking kamay. Ngunit mas nakakagulat ang sunod niyang ginawa. Dahil mataas ang kamay niya ay nagawa niyang abutin ang likod ng aking bewang. Nahawakan niya ang aking bewang at hinila niya ako papalapit sa kanya hanggang sa nakadikit na ang dibdib ko abs niya. “Ang layo mo. Gusto ko sa tuwing nag-uusap tayo ay ganito tayo kalapit sa isa’t-isa. Pwede ring kahit umupo ka sa kandungan ko,” Nawiwindang ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Anong ginagawa sa akin ni Senyorito Leandro? ‘Yong mga kapatid niya hindi naman ganito sa akin. Pilyo si Senyorito Isidro, pero hindi naman umabot sa hahawakan niya ako. At mas lalong hindi ‘yon nanghahalik! “Senyorito, hindi na po tama ‘to. Hindi n’yo po dapat ginagawa sa akin ito, Senyorito Leandro. Bawal po ang ganito sa mga katulong,” Namungay ang aking mga mata at kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang humaplos ng dahan-dahan ang kamay niyang nasa likod ng bewang ko. “Stop talking. Kapag nagsasalita ka ay mas naaakit akong halikan ang labi mo,” Tinikom ko ang aking bibig. Tumatayo na ang balahibo ko sa aking katawan dahil hindi pa rin tumitigil sa paghaplos ang kamay niya. Kahit na may telang nakaharang ay ramdam ko pa rin kung gaano kainit ang kamay niya. Dahil mas maliit ako sa kanya ay yumuko siya ng kaunti upang magpantay ang mukha naming dalawa. Lumunok ulit ako at triple na ang t***k ng aking puso. Hahalik na naman siya? Nasugatan niya kahapon ang labi ko dahil kinagat niya! “Naalala n’yo pa ba na inaanak niyo ako?” singit ko. Gusto ko lang ipaalala sa kanya. Saglit itong natigilan at napakunot pa ang noo niya. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay. “What?” “Inaanak n’yo po ako. Anak po ako ng driver ng Daddy n’yo,” Sinabi sa akin ni Nanay na nagpumilit daw si Senyorito Leandro na maging Ninong ko kahit pinagbubuntis niya pa lang ako. Kaya nung binyag ko ay nakalista siya bilang isang Ninong ko. “Oh, really? I thought his child was a boy. But don’t change the topic. Let’s talk about that later after our kiss,” Gustong-gusto niya talaga ang humalik, ‘no? Maniningil pa ako sa utang niya sa akin sa bawat birthday at Christmas na dumaan. Wala man lang siyang regalo sa akin. Nasabi nga 'yon ni Nanay at Tatay sa akin na mali raw ang ultrasound sa akin. Lalaki raw ang lumabas na resulta. 'Yong mga gamit ko nung baby pa ako ay gamit ng mga lalaki dahil iyon ang pinamili nila ni Nanay. Buong akala nila lalaki ako. “Pero hindi po ako marunong humalik, Senyorito. Si Manang Lilet marunong siyang humalik wala naman po kayong sabit doon dahil wala pa namang asawa si Manang,” He touched my lips using my tongue. Naglagay ako kanina ng lip balm bago matulog kanina. Hindi niya pinansin ang sinabi kong kay Manang Lilet na humalik. “You should stop calling me Senyorito, Ligaya. Sinabi mo sa akin na inaanak kita, ano’ng dapat mong itawag sa akin?” “N-ninong Leandro,” nauutal na sabi ko. Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang aking labi. Saglit lang iyon. Pero dahil masarap ay humabol ako ng halik ngunit hinarang niya ang hinlalaki niya. “Again?” “Ninong Leandro,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD